MFALC Chapter 10: Another Heartaches

18.2K 679 59
                                    

Chapter 10


Matapos ang gabi ng pagniniig ng mag-asawang Tyron at Amara. Naging maayos naman ang takbo ng kanilang relasyon, naroroon pa rin ang pagseselos ni Amara kay Steph at si Tyron naman kay Adam.

Abala ngayon si Amara sa paghahanda ng mga putahe para sa kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Reese, na ngayon ay magdadaos ng kanyang ika-labing anim na taong gulang, na gaganapin sa Three Ty's Pastelerya.

"Ate Amara, dumating na po ang mga balloons na in-order natin sa Happy House." ani Jackie habang bitbit ang listahan ng kanilang mga kakailanganin sa okasyon na iyon.

"Okay, thank you Jackie," pasasalamat niya rito habang abala sa pag-aayos. "Teka, na-contact mo na ba ang Sir Tyron mo?" pagtatanong pa niya kay Jackie na hindi man lang nag-abalang lingunin ang dalaga.

"Hindi pa rin po Ate, panay ring lang po ng cellphone ni sir. Sinubukan ko pong tawagan sa opisina pero sabi po ni Ginger ay umalis na raw po si sir Tyron kanina pa." mahabang lintanya ni Jackie.

Natigilan si Amara sa kanyang narinig, bago nilingon ang kanyang kanang kamay na si Jackie, "Haaayyy..." buntong hininga niya sa hangin. "Sige Jackie salamat, ako na lang ang cocontact kay Babe." aniya rito saka ngumiti ng alanganin.

"Okay po Ate, doon po muna ako sa labas. Just call me when you need anything." yukod ni Jackie saka ito umalis sa kanyang kinatatayuan.

Naiwan naman si Amara na may malalim na iniisip, Saan na naman ba nagpunta iyon si Tyron? saad niya sa kanyang isip bago nagpasyang magpatuloy muli sa kanyang ginagawa.


*****


Sa kabilang dako naman:

Abala si Tyron sa pag-aayos ng kanyang mga gamit para sa maagang paglisan niya sa opisina, dahil sa kaarawan ng kanyang anak na si Reese.

Tok! Tok! Tok!

"Come in." tamad na usal ni Tyron habang patuloy sa kanyang ginagawa.

"Sir, I received a phone call and Miss Stephanie told me na pakidaanan na lang daw po sa unit niya ang mga files na kailangan ni Mr. Acosta." ani Ginger.

Kunot noong binalingan naman ito ni Tyron bago nagsalita nang, "Why do I need to go there, if she can directly bring the office files by herself?" usal ni Tyron saka dumiretso ng tayo habang ang mga kamay ay isinuksok sa bulsa ng kanyang amerikana.

"She's sick." tanging sagot naman ni Ginger sa binata.

"Well just send our messenger to her condo, Ginger." walang ganang saad ni Tyron saka muling nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"Sir, Mang Abner is on leave po." mabilis na turan ng dalaga kay Tyron dahilan para lingunin niya muli ito.

"Haaayyyy..." buntong hininga ng binata bago tiningnan ang oras sa kanyang relos. "Sige na Ginger, ako na ang bahala." napapailing na wika ni Tyron bago nagmadaling tapusin ang kanyang ginagawa.

Mabilis tinungo ni Tyron ang building ng condo unit ni Stephanie. Alam niya ang lugar na iyon dahil minsan nang nagdaos ng kaarawan ang dalaga sa nasabing lugar kasama ang kanilang mga piling kakilala sa opisina.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon