MFALC Chapter 11: Pursuing Amara

17.1K 720 69
                                    

Chapter 11


Kinabukasan, maagang gumising si Tyron para ipaghanda ang kanyang asawa't mga anak ng almusal. Naisip niya na matagal na rin niyang hindi nagagawa ang ipagluto't pagsilbihan ang kanyang mag-iina, simula nang maging busy ito sa pag-asikaso ng kanilang kumpanya.

"Oh anak ang aga mo atang gumising." wika ni Manang Letty isa sa kanilang kasambahay.

"Opo Manang, balak ko po sanang ipagluto ang mag-iina ko." nakangiting saad ni Tyron dito.

"Ay ganoon ba? Hala sige, tutulungan na lang kita sa paghahanda ng hapag-kainan."

"Salamat po Manang." pasasalamat ni Tyron sa matanda at nag-umpisa nang maluto ng almusal.

Makalipas ang isang oras ay nakapaghanda na si Tyron ng kanilang kakainin, nang biglang bumati ang kanyang anak na si Tyler.

"Morning Dad." bati nito sa kanyang Ama bago naupo sa dining table.

"Morning, grab your breakfast little guy." usal ni Tyron bago ginulo ang buhok ng kanyang anak.

Maya-maya lamang ay sabay na bumaba sina Reese, bitbit ang kanyang kapatid na si Tyarra, na siya namang tuwang-tuwa na makita ang kanyang Ama.

"Hello baby girl, did you miss Daddy?" lambing niya sa bunsong anak bago ito hinalikan sa pisngi.

Nang lingunin niya si Reese ay tahimik lang itong humarap sa hapagkainan habang naka-pout ang nguso.

"Good Morning, princess." bati niya rito ngunit hindi sumagot ang kanyang anak. Alam ni Tyron na nagtampo ito sa hindi niya pagdating sa kaarawan ng dalaga, kaya't para mabawasan ang tampo nito ay unti-unting inilapit ni Tyron ang kanyang regalo sa ibabaw ng lamesa.

Napabaling naman si Reese roon at walang ganang nilingon ang kanyang Ama, "Why didn't you come to my party, Dad?" biglang pagtatanong nito kay Tyron at mababatid mo ang pagka-dismaya sa timbre ng boses nito.

Huminga muna ng malalim si Tyron bago nito sinagot ang kanyang anak, "I'm sorry princess, an urgent meeting happened yesterday and Daddy didn't have a choice but to stay." pagsisinungaling ni Tyron dahil ayaw naman niyang magalit pati ang mga bata sa kanya.

Hindi na naman sumagot si Reese kaya muling nagsalita si Tyron, "Hindi mo ba bubuksan ang gift sayo ni Daddy?" lambing pa niya rito at saka ngumuso rin para gayahin ang itsura ng kanyang anak.

Tiningnan naman agad ni Reese ang regalo na nakapatong sa dining table bago ito maagap na kinuha, "I will open it later Dad, thank you." anito saka ngumiti na rin sa kanyang Ama.

"You're always welcome my princess," nakagiting sambit ni Tyron dito. "Here, I cooked your favorite breakfast." anito saka hinanda ang tocino with egg na siyang paborito ng dalagita.

Nagising si Amara nang may tumamang sikat ng araw sa kanyang mukha. Mumukat-mukat itong bumangon sa kama nang biglang may marinig na hagikgikan sa ibabang bahagi ng kanilang tahanan.

Mabilis niyang hinagilap ang itim na roba saka ito isinuot habang papalabas sa silid ng kanyang anak na si Reese. Patuloy sa pagbaba si Amara habang humihikab, mugto na rin ang kanyang mga mata dahil sa patuloy niyang pag-iyak magdamag. Mabuti na lang at mahimbing na natutulog si Reese, kaya't hindi nito narinig ang kanyang mga hikbi.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon