MFALC Chapter 19: Sandy?

14.2K 446 48
                                    

Chapter 19


GINGER's POV:

Nandito ako ngayon sa bahay kung saan pansamantalang nakatira ang kapatid ko. Palagi ko siyang binibisita rito kapag maaga akong nakakauwi o 'di naman kaya'y wala akong pasok sa trabaho.

Simula kasi nang maaksidente siya parang nagkaroon na ito ng sariling mundo. Naging tulala, bugnutin at minsan pa ay bigla-bigla na lang itong magigising sa kalagitnaan ng gabi, na sumisigaw bago humahagulgol sa sobrang pag-iyak. Palagi niyang sinisigaw ang pangalan ng lalaking iyon at kung paano niya ito paghihigantihan kasama ang pamilya ng binata.

Mayroong ini-resetang gamot ang doktor na Antidepressants, para mapakalma nito ang kanyang sistema. Ngunit simula no'ng naging busy ako sa trabaho, hindi ko na alam kung naiinom niya ba ito ng regular. Nakikita ko kasi ang pagiging agresibo niya nitong mga nakaraang araw.

Bigla-bigla na lang itong umaalis ng walang paalam ayon sa kaibigan ko. "Haaayyy... Kailan ka ba gagaling Sandy?" saad ko rito habang hinahaplos ang buhok ng kapatid kong natutulog.

Nasa ganoong posisyon ako nang biglang narinig kong bumukas ang pintuan, "Hey, is she okay?" pagtatanong nito sa akin.

"Yeah, she already drink her antidepressant." malungkot kong saad rito bago muling binalingan si Sandy.

"You should take her to the special hospital Regina." biglang pagsasalita nito kaya mabilis ko siyang binalingan.

"No!" matigas kong anas dito. "Magaling na ang kapatid ko at hindi siya baliw!" galit kong usal sa kanya dahil masakit para sa akin na sabihang baliw si Sandy.

"You don't have to tolerate her planned, gulo lang ang kakalabasan niyan Regina. You know that." matigas na wika nito kaya tinapunan ko ito ng matalim na tingin.

"No! Igaganti ko si Sandy sa lalaking 'yon, alam ko kung anong kahahantungan ng mga plano niya kaya wag kang makialam!" singhal ko pa rito.

"I'm warning you Regina, gulo lang 'yan."

"Stop it! Kung ayaw mo kaming tulungan just go away, hindi naman kita pinipilit eh." balisa kong sambit sa kanya saka inihilamos ang aking mga kamay sa mukha sa sobrang frustration.

"You already knew why I'm stupidly helping you with your plans, kahit alam kong mali ginagawa ko pa rin." makabagbag damdaming usal nito. "Sige na, Dinner is served, baba ka na lang kapag gusto mo nang kumain." iyon lamang bago ito muling lumabas ng kwarto.

"Haaayyy..." alam ko naman kung bakit ako patuloy na tinutulungan ni Cabbie, pero hindi ko maibigay sa kanya ang pagmamahal na hinihiling nito dahil sa sitwasyon ng kapatid ko.


*****


Bumaba na ako sa kusina para samahang maghapunan si Cabbie, ayoko naman na magtampo ito sa akin dahil lang sa katigasan ng ulo ko. Naiintindihan ko naman kung bakit ito nagagalit sa mga desisyon ko, ayaw lang niya akong mapasama dahil sa ini-ingatan niya ako.

Nang tuluyan na akong makarating sa kusina, hindi mahagilap ng mga mata ko si Cabbie. Minabuti kong pumunta sa bar counter, dahil alam kong doon lang naman pupunta ito.

Nakita ko si Cabbie na umiinom ng alak kaya naman mabilis kong sinabihan ito nang, "What a nice dinner you've got there." malambing kong saad dito bago kinuha ang basong hawak nito.

"Give me that Regina." pagpupumilit nitong hablutin ang baso kaya naupo na ako sa sofa.

Mabilis ko namang ipinagpag ang katabi kong upuan para paupuin doon si Cabbie, "Sit with me." ani ko saka ko ito nginitian ng napakatamis.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon