MFALC Chapter 21: The foolish same identity

13.8K 437 65
                                    

Chapter 21


Nang gabi ring iyon ay hindi mapakali si Ginger sa kanyang pag-paparoo't parito dahil sa hindi pag-uwi ng kanyang kapatid na si Sandy.

"Sandy pick up your phone, please." nag-aalalang sambit nito habang patuloy sa pag-dial ng numero ng dalaga.

Halos mapudpod na ang mga daliri ni Ginger kakaulit sa pagpindot ng kanyang telepono para tawagan ang kanyang kapatid. Simula kasi nang magising siya kaninang umaga, ay wala na sa sariling silid nito ang dalagang si Sandy.

Ang buong akala n'ya ay simpleng lumabas o gumala lang ito, gaya ng ginagawa ng dalaga kapag naboboring ito sa loob ng bahay. Ngunit iba ang kutob ngayon ni Ginger, dahil magdamag na itong hindi umuuwi at ini-ignora ang kanyang mga tawag.

"Did she responded to your call already?" pagtatanong ni Cabbie nang makapasok ito sa kwartong tinutulugan ni Sandy.

Nag-aalala ang mga matang nilingon lang ito ni Ginger, bago naupo sa dulo ng kama. "She's not answering my calls." balisang sambit nito saka napahilot ng kanyang sentido.

Madali namang naglakad si Cabbie patungo sa kinauupuan ni Ginger bago naupo sa tabi nito. Iniyakap niya ang kanyang kaliwang braso sa likod ng dalaga sabay sabing,

"Stop stressing yourself too much, Regina. I know Sandy knows what she were doing." pag-aalo nito saka inihiga ang ulo ni Ginger sa kanyang balikat.

"I do not know what to do, kung may mangyari sa kanyang masama. I'm so worried about her, Cabbie. I am worried." malungkot na saad ni Ginger saka ibinaba ang kanyang telepono.

"Shhhh... Sandy is a smart girl, I'm sure she will be fine." anito bago hinalikan ang noo ng dalaga.

"Sana nga..." wika ni Ginger bago muling itinipa ang kanyang telepono.

Sa ilang segundo ng paghihintay at pagbabaka-sakaling makausap ang kanyang kapatid ay biglang namilog ang mga mata ni Ginger. Sinagot kasi ni Sandy ang tawag ngunit hindi ito nagsasalita sa kabilang linya.

"Hello Sandy, where are you? Kaninang umaga pa kita tinatawagan bakit hindi ka sumasagot?" punong-puno ng pag-aalalang turan nito sa kanyang kapatid.

"Don't worry about me, Regina. I'm fine." masiglang saad ni Sandy sa kabilang linya.

Napahiwalay naman si Ginger sa binatang si Cabbie dahil sa nasabi ng kanyang kapatid. Nahimigan niya kasi ang sigla sa boses nito, kaya sobra ang kanyang pagtataka rito,

"Nasaan ka ba? Umuwi ka na please, nag-aalala na ako sa'yo."

"I'm here at Cebu." mabilis na sagot ni Sandy sa kabilang linya.

"You what?!" histerikal na anas ni Ginger dahil sa naisambit ng kanyang kapatid.

"You've heard it right, Regina. I'm here at MonteCarlo Hotel." masayang saad nito saka humalakhak ng husto.

"What are you doing ther..." hindi na natapos ni Ginger ang kanyang sasabihin, nang maalala kung anong meron sa lugar na kinaroroonan ngayon ng kanyang kapatid. "Oh crap! Wag mong sabihing pinuntahan mo si..."

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon