Chapter 15
Tatlong araw ang lumipas simula nang magpatingin ang mag-asawa sa doktor. Napag-alaman nila, na tatlong linggo na palang buntis si Amara. Tanggap na naman ng dalaga ang kanyang pagdadalang-tao, ngunit hindi pa rin maalis sa kanyang isipan, ang isipin kung paano siya nabuntis ganoong regular naman ang pagpapainom sa kanya ni Tyron ng pills.
Nasa ganoong isipin si Amara nang biglang bumukas ang pintuan ng kanilang silid. Bumungad doon ang kanyang anak na si Reese, na nakasuot pa ng uniporme at may bitbit na supot,
"Naynay." bati nito bago humalik sa pisngi ng nakahiga niyang Ina.
"Hi Anak," nakangiti namang sambit ni Amara bago bumangon para isandal ang kanyang likod sa headrest ng kama. "May problema ba, Ate?" lambing niya sa dalagita.
Mabilis naman itong umiling bago sumagot nang, "Nothing po Naynay, I just came here to give you this." anito saka iniabot ang maliit na supot sa kanyang Ina.
"What's this?" kunot noong tanong naman ni Amara rito bago binuksan ang brown na supot. "Bakit nasa iyo ito?" saad niya rito bago inilagay ang gamot sa side table.
"Dad gave me that when he dropped me at school, he just told me to give it to you." kibit balikat na turan ni Reese bago nagpaalam kay Amara. "Naynay, punta lang po ako sa room ko." pamamaalam nito.
"Okay Anak, don't forget to eat your meryenda." nakangiting sambit ni Amara sa kanyang anak.
"Yes po Naynay," wika ni Reese saka dumukwang sa tiyan ni Amara para halikan ito. "Bye, baby." anito bago tuluyang makalabas ng silid ng kanyang Ina.
Binuklat naman ni Amara ang supot na inihatid sa kanya ni Reese, mabusisi niyang tiningnan ang mga nakalagay roon bago niya ito inumin.
Simpleng pampalakas resistensiya't vitamins lang naman ang nakapaloob roon, ngunit nang mabasa niya ang huling gamot na kanyang iinumin ay nangunot agad ang kanyang noo.
Nakita niya ang mga tabletang folic acid. Alam naman niya kung para saan iyon, ngunit ang pumukaw sa kanyang atensyon ay ang itsura nito.
Mabilis tumayo ng kama si Amara, para tingnan ang pills na pinapainom sa kanya ni Tyron. Ganoon na lang nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang parehong-pareho ng tekstura, hugis, kulay at amoy ang nasabing gamot.
"Sh*t!" galit na turan ng dalaga nang mapagtantong hindi pala pills ang pinapainom sa kanya ni Tyron, kundi isa lamang normal na folic acid.
Nagmamadaling bumalik sa kama si Amara para hagilapin ang kanyang telepono, mabilis niyang tinawagan ang kanyang asawang si Tyron para masabi na nabuko na niya ang kalokohang ginawa nito.
Ilang ring lang ang kanyang pinaghintay nang marinig niya ang boses ng kanyang asawa,
Convo:
Tyron: Hello Babe
Amara: Wag mo akong ma-Babe Babe d'yan Tyron, nakakabwisit ka!
Tyron: Hey calm down, bakit ka ba nagagalit?
Amara: You tell me Tyron, may dapat ba akong ikagalit?!
Hindi naman agad nakasagot si Tyron sa sinabi ng kanyang asawa, kaya muling nagsalita ang dalaga.
Amara: All this time, hindi pala pills ang pinapainom mo sa akin! Talagang humanap ka pa ng folic Acid, na kamukang-kamuka ng pills ha! What a smart-ass!
BINABASA MO ANG
My First and Last Crush ✔️
Romance(COMPLETED) Sequel of TYMARA's Love Story. Book 1: Crush at First Sight (Completed) Book 2: My First and Last Crush (Completed) Hanggang saan mo kayang magtiis, alang-alang sa kapakanan ng iyong pamilya? ⚠️Note: Do not read this story, if you ha...