MFALC Chapter 9: Wife 2.0

18.7K 937 108
                                    

Chapter 9


Alas diyes na nang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Amara sa kanilang tahanan. Alalang-alala na si Tyron sa kanyang asawa, dahil hindi pa rin niya ito nakakausap simula nang umalis ang dalaga sa CoffeeShop.

"Where are you, Wife?" punong-puno nang pag-aalalang usal ni Tyron sa hangin at patuloy sa pagsimsim ng alak, habang nakaupo sa couch ng kanilang living room.

Panay ang silip at pabalik-balik nito sa bukana ng pintuan sa pagbabaka-sakaling masilayan doon ang sasakyan ni Amara. Ilang ulit pang sinubukang tawagan ni Tyron ang numero ng kanyang asawa, ngunit nabigo siya dahil nakapatay na ngayon ang telepono nito at hindi na makontak pa.

Ang buong sitwasyon para kay Tyron ngayon ay parang naging isang pala-isipan na. Wala siyang ideya kung nasaan ngayon si Amara, sinubukan na rin niyang tawagan ang mga kaibigan nitong sina Jefra, Cindy at Bianca, ngunit wala ni isa sa mga ito ang may alam kung nasaan ang kanyang asawa.

"D*mn it! I won't forgive myself if anything happens to her." anito saka nilagok ang natitirang alak sa kanyang baso.

Mabilis ibinaba ni Tyron ang hawak niyang baso sa center table para muling kumuha ng alak sa kanilang mini bar. Nang akmang tatalikod na siya papunta sa bar counter, napansin niya na may liwanag na pumukaw sa kanyang peripheral vision.

Kunot noong nilingon niya ang kanilang panoramic window at nanlaki ang mga mata nang makitang sasakyan ni Amara ang huminto sa kanilang garahe. Nagmamadaling tinungo ni Tyron ang labas ng kanilang tahanan, at mabilis kumulo ang kanyang dugo nang makitang inaalalayan ng isang lalaki papalabas ng kotse si Amara.

"Who the hell are you and what did you do with my wife?!" singhal niya sa lalaking umaalalay sa dalaga.

"I'm A-adam sir." pagpapakilala nito at nang maaninag niya ng tuluyan ang mukha ng binata, mas lalong nanlisik ang mga mata ni Tyron dahil naalala niya ang lalaking iyon na siyang nakabangga sa kotse ni Amara.

"It is you! F*ck!" bulyaw pa ni Tyron dito, at nang akmang dadambahin na niya ito ng suntok mabilis na humarang si Amara sa gitna nilang dalawa ng binata.

"D-don't you d-dare t-touch him T-tyty... T-tyron!" utal-utal na saad ni Amara, na kahit lango ito sa alak ay mababatid mo sa timbre ng boses nito ang galit para kay Tyron.

"Mr. Anderson, I didn't do anything to her. I just help and accompanied your wife while drinking, baka mapaano siya kaya hinatid ko na siya diretso rito." sinserong usal ni Adam saka binitawan ang dalaga, bago itinaas ang kanyang magkabilang kamay, na animo'y sumusuko sa mga pulis.

"D-don't t-touch me! I h-hate you T-tyron!" singhal pa ni Amara sa kanyang asawa habang patuloy ito sa pagpupumiglas.

"I have to go Mr. Anderson, I think you two need to talk. Mauna na ako." tanging sambit ni Adam bago tumalikod papalabas ng gate nila Tyron.

Bago pa tuluyang makalayo si Adam, mabilis itong tinawag ni Tyron, "Mr. Cabrero!" tawag niya rito kaya mabilis lumingon ang binata sa kinatatayuan ng mag-asawa.

"Thanks for coveying my wife... Safe." ani Tyron dito bago inalalayang muli ang nagpupumiglas na si Amara.

Tanging tango lang ang isinagot ni Adam sa kanya bago ito tuluyang lumabas na nang kanilang bakuran.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon