MFALC Chapter 8: Conflict

18.1K 558 101
                                    

Chapter 8


AMARA's POV:

Nasa taxi ako ngayon papunta sa Auto Parlour, ngayon kasi ang araw kung saan pipick-up-in ko ang aking pinagawang sasakyan. Gusto akong samahan ni Tyron sa pagkuha nang kotse ko, pero mabilis ko itong tinanggihan dahil obviously ay halatang pagod na pagod ang itsura nito ngayon.

Lately, napapansin ko na hindi ito masyado umuuwi sa bahay. He told me naman na nasa office pad lang siya at may tinatapos na proyekto, dahil nga kailangan nilang magpa-impress sa kanilang new investors sa kumpanya.

Pero ang hindi mawala-wala sa isip ko ay ang isipan tungkol kay Stephanie. Naalala ko kasi noong nakaraang gabi, habang abala ako sa pagchi-check ng emails ko, napansin ko na biglang nagba-vibrate ang cellphone ni Tyron sa side table.

Tulog na tulog si Babe kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa kanya. Nang kunin ko ang cellphone nito, nakita ko na pangalan ni Stephanie ang rumehistro sa telepono ni Tyron kaya napakunot na lang ako ng noo.

Bakit tumatawag ang babaeng ito kahit alam naman n'yang dis-oras na ng gabi? tanging tanong ko sa aking sarili.

Ngunit segundo lang ang lumipas nang may biglang nagpop-out na mensahe sa cellphone ni Tyron. Mas lalong kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang mensahe na ipinadala ng babaeng haliparot na iyon sa asawa ko.


From: Stephanie Herrera

Tyron, are you busy? Please pick-up your phone. I need you.


I need you? bakit, anong meron at kailangan niya ang asawa ko nang dis-oras ng gabi? Putragis! Pinapakulo na naman ng babeng haliparot na ito ang dugo ko. Argh!

Napabalik na lang ako sa realidad nang biglang magsalita ang taxi driver, "Maam nandito na po tayo sa Auto Parlour." sambit nito saka inihinto sa gilid ang kanyang taxi.

"Ito po ang bayad Manong, salamat po." saad ko sa matandang taxi driver bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan.

Mabilis kong tinungo ang garahe kung saan pinagawa ang aking sasakyan at nagpasilip-silip ako sa paligid sa pagbabaka-sakaling may masilayan akong pamilyar na mukha roon.

Nasa ganoong sitwasyon ako nang may biglang gumulat sa'kin gamit ang pagtapik sa aking balikat, "Hey." wika nito dahilan para mapahiyaw ako ng husto.

"Shoot!" sigaw ko at agad naman akong napatuptop ng aking bibig dahil nasa harap ko na pala si Adam ng hindi ko namamalayan. "God! Why did you do that?" may inis sa timbre kong sambit rito bago napahawak sa aking dibdib.

"Haha! I-I'm sorry... I've been calling you kanina pa, hindi mo ata ako naririnig." nakangiting usal nito sa akin.

"H-hindi... May tinitingnan," ani ko rito habang tinuturo ang garahe sa likuran ko. "Sinisilip ko lang kung ayos na ba 'yung kotse ko." nauutal ko ng sambit kay Adam at ang loko ay titig na titig lang sa akin, particularly diretso lang sa buong mukha ko. Ang creepy.

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa amin ni Adam at grabe lang itong lalaking ito kung makatitig, parang may kakayanan itong bumasa ng isip sa datingan ng paningin nito. Ang Weird lang sa feeling.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon