MFALC Chapter 6: Awkwardly low

18.9K 585 104
                                    

Chapter 6


AMARA's POV:

When i got home last night, nagulat ako dahil nandoon na si Tyron sa bahay. Kahit nakakapagtaka na maaga itong umuwi than usual niyang oras nang pag-uwi sa bahay ay hindi ko na ito nabigyang pansin pa, mas worried kasi ako kapag nalaman niya ang tungkol sa pagkabangga ng sasakyan ko.

Nandoon na 'yung mag-aalala siya sa akin, pero the thing is kapag nalaman niya na lalaki pala ang nakabangga sa akin ang inaalala ko. Ewan ko ba, naging seloso na itong si Tyron simula nang naipanganak ko si Tyarra. Siguro iniisip niya na ayoko nang mag-anak dahil sa figure ko, kaya nga gustong-gusto ako nitong magbuntis ulit.

Ang unfair lang 'di ba? Siya kahit anong mangyari walang mababago sa physical appearance niya, mas nagiging hot pa nga ang katawan nito habang tumatagal. Samantalang ako, kapag nagbuntis na naman ako ay bukod sa mananaba ay madadagdagan na naman ang stretch marks ko, na parang kinalmot lang ni Wolverine, ang saklap. Nakakaloka!

I didn't mind telling him na lalaki ang nakabangga sa sasakyan ko, mabilis ko na lang aasikasuhin ang pagpapagawa ng kotse para matapos na agad ang pino-problema kong ito.

Naghihintay na ako ngayon dito sa Three Ty's Pastelerya, napag-usapan na kasi namin sa telepono ni Mr. Cabrero, na dito niya ako puntahan para alam din niya kung saan pwedeng ihatid ang sasakyan ko.

Habang abala ako sa pag-inom nang kape, biglang napabaling ang paningin ko sa bukana ng Shop. Nakita kong pumasok ang pamilyar na lalaking nakilala ko lang kahapon, walang iba kundi si Adam.


CTTO

Palinga-linga ito na parang may hinahanap, "Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Palinga-linga ito na parang may hinahanap, "Mr. Cabrero!" wala sa sarili kong bulalas sa hangin para tuluyan ako nitong balingan. Nakangiting lumapit naman ito sa akin at huli na ang lahat nang mapagtanto kong para akong atat na mapansin niya ako.

Ano ka ba Amara, hindi makaantay 'te? inis na sambit ko sa aking sarili.

"Hi Amara." masiglang bati nito sa akin saka mabilis na umupo sa harapan ko, habang inaayos ang kanyang headset.

"G-good Morning Mr. Cabrero." pormal kong saad dito dahil ayokong magkaroon ng closeness sa pagitan naming dalawa. Aba mahirap na noh, baka malaman pa ni Babe ang tungkol dito ay pag-awayan na naman namin ito.

Nang marinig nito ang sinabi ko ay biglang napawi ang ngiti sa kanyang mga labi saka seryosong tumingin diretso sa aking mga mata. And seriously, nakakailang makatitig ang isang ito.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon