MFALC Chapter 17: The Devilish side of Amara

16.2K 585 110
                                    

Chapter 17


Dumaan ang mga araw at patuloy sa pagiging malambing ang mag-asawang Tyron at Amara sa isa't isa. Sa kabila ng maselang pagbubuntis, ay nagagampanan naman ni Amara ang kanyang obligasyon sa kanyang pamilya.

"Naynay, we have a program this coming friday." saad ng batang si Tyler.

"What kind of program, little guy?" pagtatanong naman ni Amara rito habang abala sa pagpapakain ng kanyang bunsong anak na si Tyarra.

"It's Teacher's and Family Day daw po." mabilis na sagot nito bago sumubo ulit ng kanyang tanghalian.

"Okay... I will tell your Dad about it." nakangiting wika ni Amara rito bago ginulo ang buhok ng kanyang anak na lalaki.

Matapos mapakain ang kanyang mga anak ay dumiretso naman si Amara sa opisina ni Tyron, para sorpresahin at dalahan ito ng tanghalian.

"Good Afternoon po, Maam Amara." bati ni Ginger nang makapasok si Amara sa glass door.

"Good Afternoon, is he busy?" pagtatanong niya sa dalaga habang bitbit ang pananghalian ng kanyang asawa.

"He's on a meeting Maam, pero malapit na po silang matapos."

"Oh I see, sige pasok na ako sa loob. Don't tell my husband that I'm here." aniya rito at nang akmang hahakbang na si Amara papasok, biglang nagsalitang muli si Ginger.

"Let me help you with that Maam." pagpiprisinta nito sa bitbit ni Amara.

"Thank you na lang, Ginger." tanging sambit niya rito.

Ngunit bago pa siya tumalikod ay hindi mawari ni Amara kung tama ba ang kanyang nasilayan sa mga tinging ni Ginger. Mabilis niya itong nilingong muli, ngunit para naman itong naging isang maamong tupa ng mga sandaling iyon. Sandali pa itong tiningnan ni Amara at kalaunan ay nagkibit balikat na lamang siyang nagpatuloy sa kanyang paglalakad.

Nang tuluyang makapasok sa loob, biglang napangiti ang dalaga nang maamoy ang bagong fresh scented air spray na pumapaloob sa opisina ni Tyron.

"Nice one, Babe." aniya sa hangin bago tinungo ang kwarto ng office pad ng kanyang asawa. Mabilis tinungo ni Amara ang center table roon, para ihanda ang mga pagkaing kanyang dala.

Habang abala sa paghahanda biglang narinig ni Amara na bumukas ang pintuan sa opisina ni Tyron, mabilis naman siyang tumayo para salubungin ang kanyang asawa, ngunit nang akmang lalabas na siya ng kwarto ay bigla siyang napahinto, dahil narinig niya na may kausap ang kanyang asawa roon.

"What the hell Steph? Bakit kailangan mong i-turn down ang project na 'yon, for what?!" rinig niyang singhal ni Tyron na halatang nagpipigil lang ng kanyang galit.

"To be with you." maarteng saad nito sa kanyang asawa.

Hindi na muna lumabas si Amara sa kwarto, dahil gusto niyang makasigurado kung anong ibig sabihin ni Stephanie sa sinasabi nitong to be with you.

"What?!" tanging sagot lang ni Tyron rito.

"I turned down that project, because I wanna be with you." at sa puntong iyon ay narinig ni Amara na humihikbi na si Stephanie.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon