CHAPTER TWO

44 24 0
                                    

Chapter Two

Hindi ko alam kung paano pa ako makakaimik. Masyado akong naapektuhan ng lalakeng iyon. Nilalagnat na 'ata ako.

Nawirdohan sila Amy at Denise sa inasal ko, kaya hinila nila ako sa CR sa bandang backstage, kahit hindi pa tapos ang mga nagpeperform.

"Be honest, Janelle. May nakain kabang di maganda kaya ka nagsisigaw sa labas?" Medyo malakas na tanong ni Amy kasi masyadong malakas ang sounds ng music.

Hindi ako nakapagsalita.

"Ok..ok. Ang weird mo lang kasi, ano ba kasing nangyari sayong babaita ka?" Tanong naman ni Denise.

"Ahhm" Hindi ako makapagsalita. "Basta w-wala!" Sigaw ko na lang.

"Tsk! Kaasar ka naman! Engot ka! Kanina ka pa namin tinatanong kaso di ka nagsasalita!" Halatang naiinis na si Amy base sa tono nya.

"Tara na labas na tayo!" Pag-iiba ko ng usapan at lumabas na.

Pero hindi ko inaasahan ang lalakeng nakatalikod sa pinto...

Y-yung lalake.

May kausap sya sa cellphone at naririnig ko ito.

"Bakit ba ayaw mo ako pansinin? Please naman, Jillian." Mahinang bulong nya sa kausap pero mahihimigan mo ang labis na pagmamakaawa sa tono ng boses nya.

"Oy Janelle!" Nagitla ako ng bigla akong kalibitin ni Amy. Pero dahil walang patawad ang malakas ns bunganga nito, syempre nadinig iyon ng lalakeng nasa harap ko.

Pinagpawisan ako ng gulat na humarap samin yung lalake. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at natatakot ako na baka isipin nya na pinakikinggan ko ang pakikipagusap nya, which is slight lang naman.

Tumaas ang kilay ni Amy sa lalake ng mapansin ang seryosong tingin nito sakin.

"Excuse me?" Nakataas ang kilay na tawag ni Amy sa lalake. "Bakit ganyan ka makatingin sa kaibigan namin? Type mo?" Nanlaki ang Mata ko sa diretsang tanong ni Amy. Tinignan naman sya ng gwapong lalakeng ito at mahinang natawa.

"Sorry, pero iyan talaga ang itatanong mo?"Natawa pa sya ng konti at tinignan ako. Hindi ako nakasagot at natulala nalang sa harap nya. "Back off ladies" Seryosong sabi nito sa mismong harapan ko at umalis din.

Whaaattt??

"Tss.. halika na nga!" Sabi ni Amy at naglakad na kami paalis.

Di ko alam pero parang medyo suplado sya.

Common sense, Janelle! Malamang! Eh hindi naman kayo magkakilala! Engot mo naman!

Gaya ng napag-usapan ay nag convoy nalang kami at hindi na hinintay ang announcement ng mga winners.

Habang nagdadrive ako pauwi ay biglang pumasok sa isip ko ang itsura ng lalakeng tinilian ko kanina.

God! Ang singkit na mapupungay nyang Mata, medyo makapal na kilay, mapupula pulang labi, matangos na ilong at magandang hugis ng panga. Tao pa ba iyon? Parang binuhay lang ang isang gwapong griyegong diyos!

Pag-Ibig ni Rekka Monzoga (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon