Chapter Four
Maayos ang tulog ko kaya maayos din ang gising ko. Pagkatapos ko bumangon, naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Bumaba ako at naabutan ko sila Mommy at Daddy na kumakain na ng Umagahan.
"Good morning honey" Nakangiting Bati ni Mommy at Daddy. Humalik ako sa kanila at umupo sa harap ni Mommy. Namiss ko sila dahil ngayon lang sila dumating galing New York, you know Business works.
"Good morning din po" Nakangiting Bati ko. Nag-simula na akong magsandok ng pagkain ng nagsalita si Daddy.
"I heard from Manang, sasali kayo nina Denise at Amy sa Battle of the bands?" Nakangiting tanong ni Daddy.
"Yes po Daddy! I'm their Guitarist" Masayang Sagot ko.
"Wow honey.. I'm happy for you" Masayang bati sakin ni Mommy. Alam kasi nila na passion ko ang pag-gigitara. Kaya tuwing vacation ay nag aaral ako ng Electric Guitar. Suportado nila lahat ng gusto ko and I'm so proud that I have them in My life.
"So kailan na ang Laban?" Tanong ni Daddy.
"Ahhm.. Maybe next month po. Audition pa naman po sya at magpa-practice pa po kami kasama sina Jade at Madelle" Masayang Sagot ko.
"Jade Villareal? And Madelle Giovanni?" Nakangiti akong tumango. Kilala ang pamilya ng Villareal at Giovanni. At sa pagkakaalam ko business partner din sila nila Mommy at Daddy sa Business namin.
"That's good. Galingan mo, sure naman kami ng Mommy mo na makakapasok kayo. Ikaw pa!" Makikita sa mata ng magulang ko ang kasiyahan sa desisyon ko at nagawa din ako nitong pasayahin. Masaya ako na mayroon akong magulang na katulad nila, kahit iisa lang akong anak nila at kahit hindi ko lagi silang nakakasama at least sulit ang oras at pagmamahal na binibigay nila sakin kapag magkakasama kami. Dahil punong-puno naman ng pagmamahal ang natatanggap ko mula sa kanila.Matapos kong kumain ay hinatid na ako ni Mommy at Daddy sa school. Masaya ang umaga ko ngayon at mukhang kabaligtaran naman si Amy dahil pagkapasok na pagkapasok ko palang sa classroom ay nakabusangot na sya. Wala pa si Denise, mukhang puyat.
"Bakit ganyan mukha mo?" Takang tanong ko sa kanya pagkaupo ko.
"Ehh kasi yung kaibigan ni kuya. Sinira yung Acoustic guitar ko, na binigay mo sakin" Naiinis at naiiritang sabi nya. Nagulat ako sa sinabi nya.
"Alin yung may pirma ni Ariana Grande?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes na yes.." malungkot na sagot nya at nagsisimula ng mangilid ang luha nya kaya pinatahan ko na agad.
"Shhh.. ok lang yan. Makakakuha pa tayo ng panibago"
"Eh! Nakakainis naman kasi! Alam mo namang mahalaga sakin yung gitarang yun dahil may pirma ng idol kong si Ariana Grande eh!"
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko.
"Nagkayayaan kasi sila Kuya mag movie marathon. Eh naccr yung kaibigan nya kaso pinapaayos yung Cr sa baba ng bahay ,may gumagamit naman ng Cr sa kwarto ni kuya at bawal naman sa master bedroom nila Mommy at Daddy. Kaya ang engot kong si Kuya Chris pinapunta sa kwarto ko at yun ang pinagamit. Tapos dahil tanga yung kaibigan ni Kuya eh dinamay Ang gitara ko ng natapilok kasi sya ay napahawaw daw sa Gitara ko na nakapatong sa mesa. At Ayun nahulog at Nasira... The end.." Umiling iling nalang ako sa Kwento ng babaeng ito. Minuto na ang lumipas pero wala pa din si Denise.
"Bakit wala pa si Denise?" Tanong ko kay Amy.
"I dunno" Nakabusangot na sagot nito. At ilang minuto din ng pumasok na ang teacher namin pero wala pa ding Denise na dumadating. Saan kaya galing ang babaeng yun? Nagsimula na ang klase at wala pa din si Denise at nanatili pa ding nakabusangot si Amy. I understand her, dahil idol na idol nya talaga si Ariana Grande, isa kasi syang Arianators at sya din ang founder ng Arianators Philippines na millions ang members. Kaya nga ng makita nya si Ariana Grande at makaharap ito pagkatapos ng concert ay hinimatay pa kaya yung gitarang dala ko nalang ang pinapirma ko kay Ariana at sinabi pa ng idol nya na sabihin ko kay Amy na Get well soon, Amy. I love you! . Iyak nga noon ng iyak si Amy dahil daw nahimatay pa sya noong makaharap na namin ang idol nya. Pero ng ibigay ko sa kanya yung gitara at sinabi sa kanya yung message ni Ariana ay isang taon akong nilibre sa mga pupuntahan namin.
Nagtapos ang morning class namin na hindi pumasok si Denise. Kumain kami sa Cafeteria, kasama sina Jade at Madelle. Sa mga oras na nakasama namin silang dalawa ay masasabi ko talagang ang babait nila. Si Jade ay boyish pero sobrang bait, kaso nga lang pili. Si Madelle naman ay girly na girly at prangkang magsalita pero mabait din at sobrang ganda pa. Actually maganda silang dalawa.
"Ah ok.. gusto mo upakan ko?" Tanong ni Jade kay Amy. Kwinento din kasi ni Amy sa kanila yung nangyari sa gitara.
"Wag na" Nakabusangot na sagot ni Amy. Bad mood yan ngayon.
"Change topic tayo, baka mag cry si Amyjane" Bahagyang naasar si Amy sa sinabi ni Madelle.
"Don't call me Amyjane nga! No na no!" Inis na Saway ni Amy pero hindi naman sya nito pinansin.
So girls anong song ang gusto nyong i-sing?" Maarte at Bibong tanong ni Madelle at hindi na pinansin pa si Amy.
"Oo nga ano?" Sabi ko. Natahimik kami at nag-isip. Nakalimutan din namin na pagusapan iyong bagay na yun.
"Maganda yung song na, kapag ikinanta natin lahat ng makakadinig tataas ang balahibo!" Masaya at nakangiting suggestion ni Amy na um-iba bigla ang masama nyang mood.
"Oo nga" pagsangayon ko at ni Jade at Madelle. Nag-isip pa kami at doon na pumasok sa utak ko ang saktong kanta para kay Jade at Amy.
"Anong klase ba ng kanta ang nakakataas ng balahibo?" Nakangiti na tanong ko kay Madelle.
"Ahhm.. Yung may high notes" Maarteng sagot ni Madelle.
"Yup. But what genre?" Bumaling naman ako kay Jade.
"Pop" Sagot ni Jade. Tumango ako at bumaling kay Amy.
"Sinong singer ang magaling doon?" Bahagya pa syang napaisip at agad rumi-histro ang excite sa mukha nya.
"Ariana Grande!"
"Exactly! "Sabi ko. Ngumiti din sina Jade at Madelle.
"Mag-isip ka nalang ng bagay na kanta para sating dalawa at kapag nakahanap ka na sabihin mo sa kanila ni Madelle at Denise para makapag-ready na sila ." Sabi ni Jade at tumango naman si Amy.
"Ipapanalo natin ito" Sabi pa ni Amy.
Nagsitanguan kami sa isat-isa at sakto naman na nagring ang bell kaya kanya- kanya na kaming balik sa mga Respective classrooms namin.
d°v°b
To be continued...
A/N: Guys may official fb page na po ang PNRM ! Search nyo lang po Pag-ibig Ni Recka Monzoga OP ! Thank you!
BINABASA MO ANG
Pag-Ibig ni Rekka Monzoga (Ongoing)
General FictionPag-ibig Series #1 Janella was a deadly gorgeous high school girl and this handsome dancer caught her attention. A guy named 'Rekka' made her realize that she doesn't have to believe the saying that "Only Man can court a Lady". She can court a man...