Chapter Six
Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok na sa gate ng school. May mga nakakasalubong pa akong mga Seniors. Nakahinga ako ng maluwag, dahil akala ko ay late na ako.
Hindi din kasi ako kaagad nakatulog sa kakaisip tungkol sa kagabi. Na- disappoint ako sa sarili ko dahil unti unti kong nararamdaman ang pagbabago sa sarili ko, tuwing nakikita ko sya. Tuwing nakikita ko si Rekka ibat ibang reaksyon ang nararanasan ko.
Hindi ako manhid para hindi mapansin ang nararamdaman ko. Pero he's taken. At mahirap magkagusto sa taong may mahal ng iba.
Argh! Why do I'm even thinking this?! Bata pa ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa dulo ng hallway kung nasaan ang hagdan.
Papaayakyat na sana ako, nang may nadinig akong naguusap. Tumagilid ang ulo ko para tignan ang madilim na gilid ng hagdan. I saw a back of a man with a well built broad shoulders na nakatalikod sakin. Teka bakit may compliment?
Nakumpirma ko na si Rekka iyon at may kinakausap sya sa kanyang cellphone. Umatras ako ng konti para hindi nya ako mapansin at para na din makapadinig.
"So, ganoon na lang yon? After we make out last night, wala na ulit?!" Last night? Baka yung babae na ka 'make out' nya nga kagabi. Tumahimik sya para pakinggan ang sagot sa kabilang linya. "No! You don't und--" Hindi pa man sya natatapos sa sasabihin ay mukhang pinutol ng kausap nya ang kanyang sadabihin. Umiling iling sya at dinig ko sa kinatatayuan ko ang mabibigat nyang paghinga. Hinintay ko pa ang isasagot nya sa kanyang kausap, pero laking gulat ko ng ibaba nya na ito at humarap na sa kinatatayuan ko. Hindi ko napaghandaan iyon kaya nahuli nya ako sa akto.
Kumunot ang noo nya at tumalim ang tingin sakin.
"Anong ginagawa mo?" Hindi ako umimik.
Suminghap sya at nag tiim bagang. Umiling iling pa at mukhang naiinis na sakin.
"Why are you eavesdropping?" Yumuko ako at nagsimula ng manghina ang tuhod ko sa galit na nadinig ko sa tanong nya at nagsimula na din akong mangatal sa pinaghalong kaba at takot. He's impossible! Nagagawa nya sakin ito.
"N-napadaan lang n-naman ako... H-hindi ko n-naman talaga alam na nandito ka..." Nakayukong sabi ko. Hindi ko pa din inaangat ang ulo ko dahil kakabahan lang ako sa kung anong itsura nya, natatakot ako na kapag tinignan ko ang galit na mukha nya mahimatay na ako sa kinatatayuan ko dahil sa angking kakisigan at kagwapuhan na taglay ni Rekka kahit na galit sya.
"Don't play dumb. I know you like me that's why you're stalking me" Nagulat ako sa sinabi nya at kaagad akong nag-angat ng ulo. Tinaasan ko sya ng kilay. Napakamahangin nya pero gwapo pa din. "I saw you last night.." at ngumisi pa sya bago ako iwan. Napangiwi naman ako, hindi dahil sa asar o hiya kundi dahil sa kilig. I don't want to deny it. Hindi ko alam kung kailan pa, pero I'm sure that I already like Rekka. I like Rekka Monzoga.
Tumungo na ako sa classroom na may nakapaskil na ngiti sa labi.
**
"Eh talaga?!" Nakakunot ang noong tanong ni Amy. Kwinento ko kasi sa Kanila ang komprontahan namin ni Rekka. Magkakasama kami ngayong lima patungo sa parking lot. Naghihintay kasi doon ang mga sundo namin.
"Isusumbong ko sya kay Tito" Sabi ni Madelle. Napatingin kami ni Denise sa kanya.
"Huh?"
"Oh I Forgot to tell it. We're cousins. Remember Madelle M. Giovanni? My middle name M stands for Monzoga. My mother and his father are siblings" Tumango nalang kami. "So what happen next?"
BINABASA MO ANG
Pag-Ibig ni Rekka Monzoga (Ongoing)
Tiểu Thuyết ChungPag-ibig Series #1 Janella was a deadly gorgeous high school girl and this handsome dancer caught her attention. A guy named 'Rekka' made her realize that she doesn't have to believe the saying that "Only Man can court a Lady". She can court a man...