Chapter Ten
Days and weeks went by, at tumigil na ako sa paghuhulog ng letters sa locker ni Rekka. Bakit pa? Kung tinatapon din naman nya. I don't mind it naman na, dahil hindi ko na kailangan magpapansin sa kanya.
Na busy na din kasi kami sa studies, dahil malapit na ang vacation at ang battle of the bands. Todo practice kami kahit confident na sina Madelle at Jade na mananalo kami.
Naghahabol na din kami sa mga activities para makapag semi finals. At pagkatapos ng mga test ay practice naman para sa nalalapit na Prom and graduation. Hassle tuloy.
Kung ano nang nangyari samin ni Rekka? I think.. simula ng hinatid nya ako ay madalas nya na akong batiin kapag magkakasalubong kami. At least nag level up. Napapansin iyon nila Amy kaya panay ang kantsyaw nila sakin sa kanya.
Kumakain kami sa cafeteria nang mapadaan ang grupo nila Rekka sa table namin. Hindi nya na kasama si Jillian. Sinabi sakin ni Madelle na nagaway daw ang dalawa.
Kumaway ako sa kanya. Nagsipulan naman ang mga kasama nya ng makita ang ginawa ko. Ngumiti sya sakin at may sinabi sa mga kasama nya at lumapit sakin. Nagtawanan naman sina Amy ng makita nilang papalapit samin si Rekka.
"Uy, Jan!" Ngumiti ako sa kanya. He used to call me that 'Jan' thingy. Umupo sya sa tabi ko.
"Wow! May sariling endearment!" Kantsyaw ni Amy. Nagtawanan naman sila. Ngumiwi lamang sa kanila si Rekka at muling humarap sakin.
"Hi! What's up?" Tanong ko.
"Uhm.. I need your help." Kumunot ang noo ko.
"Saan?" Nagkamot sya ng batok at alanganing ngumiti.
"Sa Electric guitar sana.. may presentation kasi kami sa English. Need ng Electric guitar, but none of my members know how to play it. So magpapaturo sana ako." Bumungisngis si Denise at binulungan nya si Jade na nakatingin samin. Nagtawanan sila. What's funny?
"Sure! Kailan ba?" Lumiwanag ang muka nya.
"Thank you! Maybe on Friday, Sat, and Sunday. Sa Monday na kasi ang performance. Intro lang naman ang kailangan kong matutunan."
"Ok! Sure!"
"Sa Friday evening ah? I'll fetch you after school then ipapaalam kita sa parents mo." Nakangiting sabi nya na tinugunan ko ng masayang tango. "Ok Jan! Bye! Thank you!" Tumayo na sya at masayang umalis. Masaya akonv
"Yieee.." sabay sabay na kantsyaw nila Amy. Nag face palm ako upang maitago ang ngiti. Nagpatuloy ang asaran nila habang kumakain. Pasimple naman akong sumusulyap sa table nila Rekka. Halos lahat ng mga kaibigan nyang lalake doon ay may mga kaakbay na mga babae, sya at ang iilan lang ang walang kasamang babae. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Is he really loyal? That I don't see him with other girls. Hindi sa gusto ko na may umaaligid sa kanya. But fuck! Mas masakit na wala syang kasamang babae, only because he's loyal to Jillian! Naiinis ako sa nararamdaman ko. Bakit imbes na mawala ay lumalalim pa ang feelings ko para sa kanya?
He's fucking taken! At kahit anong gawin kong pagpapansin ay wala pa din.
Biyernes ngayon at pagkatapos ng klase ay susunduin ako ni Rekka at ipapaalam ako kay Mommy at Daddy.
"Ok! Class dismiss." Umalis na ang last subject professor namin. Agad nagtayuan ang mga kaklase namin.
"Bye, Janelle!" Paalam ng nagtutulakan kong lalakeng kaklase. Tumango lamang ako. Nagpaalam na din ang mga kaklase namin kay Amy at Denise.
BINABASA MO ANG
Pag-Ibig ni Rekka Monzoga (Ongoing)
General FictionPag-ibig Series #1 Janella was a deadly gorgeous high school girl and this handsome dancer caught her attention. A guy named 'Rekka' made her realize that she doesn't have to believe the saying that "Only Man can court a Lady". She can court a man...