Chapter Twelve
"You, stay here. Kukuhanan kita ng mga mangga." Seryoso nyang habilin at binigay nya na sakin ang kanyang itim na electric guitar. It was a branded and I think it's really expensive because of the name.
Hinawakan ko lang ang gitara at tinignan syang nakatayo sa harap ng mataas na puno ng mangga. Pinagaralan nya muna ang technique ng pagakyat. Hinawakan nya ang malaking sanga ng puno at t'saka sya umapak sa kahoy bilang alalay sa pagangat. He's muscles in his arms flex when he tried to climb again.
Kinabahan ako ng muntik na syang madulas pero agad din nyang naagapan at inangat ang sarili. Ganon ang ginawa nya para iangat ang sarili, hanggang sa makarating sya sa sanga na madaming nakakumpol na matataba at malalaking mangga.
"Jan! Could you throw the bag?!" Sigaw ni Rekka mula sa itaas. Halos nasa tuktok na sya ng puno. Mabilis kong hinagilap kung nasaan nya inilagay ang bag at nang makita ay mabilis akong tumapat sa puno.
"One! Two! Three!" Hinagis ko pataas ang bag, but I failed. Hindi nya nakuha iyon dahil medyo malayo sa kanya.
"Okay, try again!" Natatawang sigaw pabalik ni Rekka. Gaya ng sinabi nya ay kinuha ko ang bag at muling inihagis pataas, but I failed again. Malapit na ito sa kanya pero mababa lamang. Tumawa sya ng ubod ng pagkalakas lakas. I groaned in annoyance.
"Argh!" Kinuha ko muli ang bag at inihagis ng pagkalakas lakas, and this time he got it.
"Good! Just wait there, Jan!" Natatawa pa sya kaya hinihingal na ngumiti nalang din ako.
Hindi na ako muling umupo sa duyan at tinignan nalang sya kung paano nya kunin ang mga mangga. Tila isa syang eksperto sa ginagawa dahil tinititigan nyang mabuti ang mga mangga at kapag nagustuhan nya ay t'saka nya lamang kukunin at ilalagay sa echo bag.
"Done?!" Pasigaw na tanong ko.
"Yeah! Malapit na!"
Umupo na muli ako sa duyan at nakangiting yumuko. Ganito pala ang pakiramdam? Totoo ba ito? Pinagsusungkit nya ako ng mangga? But I feel bitter ng maisip kung ginawa na din ba ito ni Rekka kay Jillian. Did Rekka picked mangoes for Jillian's family?
Umayos ako ng madinig ang lagapak ng paa sa lupa. Inangat ko ang tingin ko at nakita ang nakangiting si Rekka habang buhat buhat ang echo bag na puno ng mangga. Nagkakamot sya ng batok at tila nahihiya.
"I'm sorry. Mahangin na kasi sa tuktok kaya hindi ako nakakuha ng mas madaming mangga." Ngumiti ako sa kanya, assuring him na ayos lang. Kinuha ko sa kanya ang echo bag but he refused. Sya na daw ang magdadala.
"Gusto mo sa green house nalang tayo o dito?"
"Sa green house nalang." Nakangiting sagot ko. Nilibot ko ang aking paningin sa mga tao na umaalis na. Mukang tapos na sila sa kani-kanilang ginagawa.
"Okay." Tumango sya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa green house, buhat nya ang kanyang gitara at ang echo bag.
Bukas na ang pinto at ang ng ilaw green house. Umupo kami sa maaliwalas na upuan ng puting round table. Dito sa green house, puno ng ibat ibang klase ng mga bulaklak. Hindi sya ganoon kalaki pero sakto lang na pag praktisan.
Kinuha ko sa kanya ang gitara at inusog naman nya ang upuan palapit sakin. Medyo uminit ang pisngi ko doon pero ipinagsa-walang bahala ko nalang iyon. You're here Janelle, to teach him!
"Nasa iyo ba yung chords?" Tumango sya at may nakatuping papel na kinuha sa kanyang bulsa. Inabot nya sa akin ito at agad ko namang binasa ang laman. "Madali lang naman pala. Sariling composed?" Itinugtog ko ito habang patingin tingin sa chords.
BINABASA MO ANG
Pag-Ibig ni Rekka Monzoga (Ongoing)
Tiểu Thuyết ChungPag-ibig Series #1 Janella was a deadly gorgeous high school girl and this handsome dancer caught her attention. A guy named 'Rekka' made her realize that she doesn't have to believe the saying that "Only Man can court a Lady". She can court a man...