CHAPTER FOURTEEN

20 7 9
                                    

Dedicate to FinityBlanche ! Thank you for the regular votes! Wait mo lang yung story mo, dadating din tayo diyan. Hello Miss_Calliope nand2 kana! Yipie! Happy Reading!

***

Chapter Fourteen

Matapos naming kumain ni Regie ay hinayaan ko ang isa nilang kasambahay na iakyat sya sa kaniyang kwarto, para matulog.

Ako naman ay naiwan dito sa mesa kasama ang isang kasambahay na pinipilit na sya nalang ang maglilinis.

"Sige na po, Ma'am. Ako nalang po dito." Pangungulit nya.

"Don't worry. Tutulungan lang kita. Hindi ko naman lalahatin." Natatawang sagot ko. Bumuntong hininga naman sya at pinagpatuloy na lang din ang pagliligpit ng kubyertos. Ginagawa ko naman din it sa bahay, sadyang masinop at malinis lang si Manang Tina kaya hindi ko matyempohan na tumulong.

"Ma'am.. Ano pong pangalan nyo?"

"I'm Janelle. Ikaw anong pangalan mo?"

"Ah! Ako po si Mercedes pero tawagin nyo nalang po akong Mercy." Ngumiti ako sa kanya.

Tutal naman at nabobored ako, makikipagkwentuhan nalang ako sa kanya.

"Mercy, ilang taon kana?"

"Mag didiseotso na po ako."

"Uh.. same. E, ilang taon ka na dito?" Binuhat ko na ang mga pinggan para ilagay sa sink. Naiwan naman sya sa dining table para magpunas.

"Mag dadalawang taon na po, ma'am." Medyo malakas na sagot nito.

Mga ilang sandali lang ay pumasok na sya sa kusina para maghugas. Sumandal ako sa gilid at pinanood syang maghugas. Maliit na tao si Mercy, hindi naman sa sinasabi kong matangkad ako, pero mas mataas ako sa kanya. Nakasuot silang lahat na mga kasambahay ng isang blue na maid suit, pero hindi matatago nito ang mature na katawan ni Mercy. Maliit sya pero siksik ang katawan nya at ang kulay ng kanyang balat ay kayumanggi.

"Ma'am. Girlfriend ka po ni Sir Rekka, diba?" Inosenteng tanong nya.

"Huh? Hindi, noh!" Natatawang sagot ko.

Huminto sya saglit para tignan ako. "Hala.. E, kalat na po dito sa hajienda na nobya kayo ni Sir, e."

Namilog ang mata ko. "Sinong nagsabi?"

"Yung mga tauhan po diyan sa labas, na nakakita sa inyong dalawa kahapon." Nagngingiting sagot ni Mercy.

"Magkaibigan lang kami."

"Pero, ma'am. Gwapo ni Sir ano?" Tila kinikilig na tanong niya. Umismid naman ako.

"Uh. Oo.."

Tumawa sya. "Yun nga lang.. Sayang si Sir. Ayaw magkaroon ng nobya, sabi ni Senyora Raquel."

"Bakit?"

"Madami daw po kasi syang problema.." Humina ang boses ni Mercy at tumingin sakin. "Magkaroon ka ba naman ng ama na babaero? Tapos sya pa namamahala sa kompanya nila. Naku, ma'am! Napaka responsable at napakasipag nyang si Sir, hindi nagkukulang iyan sa kanyang Mommy at kay Regie. Sya ang parang tumayong Padre de pamilya ng bahay na ito, kaya siguro ayaw magkaroon ng responsibilidad sa babae. Hangang hanga nga ako kay Sir kasi nakaya nya ang paghahawak ng malaki nilang kompanya at pag-aaral. Tumutulong pa sya minsan dito sa farm," Tinuloy nya ang paghuhugas. "Yun nga lang.. mapaglaro sa mga babae. Crush ko sana iyang si Sir kaso nadidinig ko iyan si Sir tuwing dadaan ako sa kwarto niya, may kausap sa telepono!" Lumapit sya sakin. "Minsan nga, ma'am. Nadinig ko iyang si Sir na sinabi sa katawagan nya na "Let's fuck tomorrow." Grabe, ma'am! Kahit hindi ako nakatungtong ng kolehiyo, e naintindihan ko iyon!" Nanlaki ang Mata ko. It's too vulgar! Geez.. Tumango tango pa sakin si Mercy, nanlalaki ang mata. Tila ginagatungan pa kung ano ang iniisip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-Ibig ni Rekka Monzoga (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon