CHAPTER SEVEN

13 16 0
                                    

Chapter Seven

Nanghihina akong naglakad sa hallway.   nakita ko kaagad sina Amy at Denise. Umupo na ako at kinuha ang libro ko para magbasa.

"Oh bakit namumutla ka?" Nagtatakang tanong ni Denise.

"Wala. Masama lang pakiramdam ko" Simpleng sagot ko.

"Eh bakit pumasok ka pa?" Iritang tanong ni Amy.

"Unit test natin ngayon kaya hindi ko dapat ma-missed"

Kinapa ni Amy ang leeg at Noo ko. Pero iniiwas ko lang.

"Confirm. Nilalagnat ka!" Nagaalalang sabi ni Denise.

"Alam mo Janelle! Dapat di ka na pumasok eh! No na No ang pumapasok ng may mataas na lagnat!" Hindi ko nalang sila pinagpapansin habang pinapagalitan nila ako. Kailangan kong magreview dahil sabi ng professor namin na mahirap daw ngayon ang unit test namin. Dumating na ang professor namin at pinag-unit test na kami. Matapos ng kalahating oras ay pinasa na namin ito. Dumating din ang huli naming professor sa morning class at pinag-unit test din kami. Pakiramdam ko ng matapos ang unit test namin ay lalo lang sumama ang pakiramdam ko.

"Anyway, why you look so pale Janelle?" Tanong ni Madelle habang ngumunguya sya ng fries.

"Nilalagnat pala iyang babaitang yan pero pumasok pa din!" Naiinis na sabat ni Amy.

"Dapat nagpa-clinic ka na" Nakakunot ang noong sabi ni Jade habang kinakapa ang leeg at noo ko.

"Mawawala din ito.." Sagot ko.

Dumako ang paningin ko sa kumpol na mga kalalakihan sa may harap ng pinto ng cafeteria. Nagtaka ako ng makita ko si Yasmar at Rekka na naguusap. Parehong nakakunot ang mga noo nila. Hindi ko madinig ang pinag-uusapan nila dahil medyo malayo ang table namin sa pinto ng cafeteria. Humalakhak si Rekka at nagulat ako ng biglang umangat ang kamao ni Yasmar sa pabulusok sa pisngi ni Rekka. Natigilan ang lahat at madami ang mga nakiusyusyo.

"Madelle, yung pinsan mo!" Sigaw ni Amy kay Madelle. Napatingin na din si Amy sa kinatatayuan ni Rekka at Yasmar. Nagpapalitan na sila ng mga suntok kaya mabilis na tumayo si Madelle patungo doon.

"Hoy! Pigilan nyo! Mga nanonood lang kayo eh!" Sigaw ni Amy sa mga nakapalibot sa kanila. Sumunod na din si Jade at Amy.

"Tara!" Hinatak ako ni Denise doon. Lalong sumakit ang ulo ko at muntik na akong mawalan ng balanse pero napakapit naman ako kay Denise.

"Tangina mo!" Sigaw ni Yasmar kay Rekka at magsusuntukan na naman sana sila pero inawat na sila nina Amy, Jade at Madelle. Inawat ni Jade at Amy si Yasmar ganoon din ang ginawa ni Madelle kay Rekka. Pareho silang may dugo sa labi.

"Ano bang problema mo, Pare?" Nangaasar pa na tanong ni Rekka.

"Ulol!" Akma na naman na sasapakin ni Yasmar si Rekka pero nagulat nalang kami ng sinapak na ni Jade si Yasmar. Umikot ikot pa sandali si Yasmar habang hawak hawak ang pisngi nya. Madami ang napasinghap ng makita ang dumudugong ilong ni Yasmar ng makabawi it sa pagkakasuntok.

"Bullshit! Ang sakit!" Tinignan nya ng matalim si Jade pero naglalakad na pabalik si Jade papunta sa table namin at kinuha ang fries nya.

"Kung magaaway kayo. Doon kayo sa garden para wala kayong naiistorbo" Matapos noon ay umalis na si Jade. Madami ang namangha sa ginawa ni Jade. Ang Astig daw nya. Well. Totoo naman kahit ako nga ay namangha din. Nakita ako ni Yasmar kaya nakangiti nya akong binati kahit na masakit pa din ang labi at ilong nya.

Pag-Ibig ni Rekka Monzoga (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon