CHAPTER NINE

17 14 0
                                    

Chapter Nine

Kumakain kaming lima sa bench ng field namin. 30 minutes bago magstart ang next subject. Natatanaw ko dito si Rekka at yung kagrupo nila na nagpapractice ng bagong sayaw. Nagpumilit si Amy at Madelle na dito kami tumambay dahil tanaw na tanaw namin dito sila Rekka. Alam na kasi nilang apat na may gusto ako kay Rekka.

"Kunwari pa itong si Janelle na ayaw pero nakatingin naman." pangaasar ni Amy habang ngumunguya ng pretzels.

Simula ng malaman nila na may gusto ako kay Rekka, kinakantsawan na nila ako at minsan tinutulak pa palapit kay Rekka. Kinakabahan pa ako kapag ganon ang ginagawa nila. Pero liliko ako ng daan para hindi makasalubong ang grupo nila. Aawayin naman nila ako kapag ganon ang ginagawa ko.

Naalala ko noong mga nakaraang linggo. Isang beses sa isang araw akong maglagay ng Letters sa locker nya, umaasa na mapansin nya. Lingid sa kaalamanan ng mga kaibigan ko ang gawain kong iyon .

Suportado naman ako ng mg kaibigan ko sa nararamdaman ko. As long as hindi ako iiyak ay suportado nila ako.

"You know, Janelle. Bagay kayo ni Rekka, kung tutuusin I like you para sa kanya but mukang may iba syang natitipuhan." Napatingin ako kay Madelle.

"Huh?"

"May family gathering kasi kami  sa mansyon ng mga elders. And I've heard Rekka na may kausap sa phone nya. Yung conversation na parang may ka-LQ and I'm 101% sure na it's a girl" Napaisip ako. Rekka is a certified womanizer dahil nawitness ko na ito but Rekka? Na papasok sa commitments, it's unusual.

"Ano ka ba Maddie! Wag mong tanggalin ang fighting spirit ni Janelle! Support nalang tayo!" Sigaw ni Amy. Ngumiwi si Madelle sa lakas ng boses ni Amy. At nagsimula na silang magaway na dalawa, sinasaway naman sila ni Jade.

Kinalabit ako ni Denise. Napatingin ako sa kanya, may sinenyas sya sakin kaya tinignan ko ito. Napadako ang tingin ko sa mukha ni Rekka na may kausap na nakatalikod na babae. Naka school uniform ang matangkad na babae, dahil sa heels. The above the knee brown pencil cut hug her beautiful curve and I hate to say it pero likod pa lang ng babae ay alam kong maganda na. I'm thinking who she is? Dahil pamilyar ito.

"What do you think?" Tanong sakin ni Denise habang nanatili pa din kaming nakatingin sa kanila.

"Mukha silang nagaaway." Tumango tango si Denise, muka kasi talaga silang nagaaway, kunot na kunot ang noo ni Rekka at medyo namumula ang natural na maputi nyang muka.

May naisip ako bigla. Tumingin ako sa nagaaway na si Amy at Madelle at ang nagsasaway na si Jade, muka naman silang busy. Kaya tumingin na ako kay Denise.

"Ano?" Nakakunot ang noo'ng tanong nya ng mapansin ang titig ko sa kanya.

"May naisip ako"

"Ano?"

"Magpanggap kang dadaan sa tabi nila tapos pilitin mong tignan yung babae tapos pakinggan mo na din kung anong pinag-uusapan nila." Nakangising sabi ko. Ngumiwi naman si Denise. Pinilit ko pa sya bago sya pumayag. Tumayo sya at naglakad papunta sa direksyon nila Rekka.

Pag-Ibig ni Rekka Monzoga (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon