Chapter Five
"My ghads! I'm so tired!" If she's not my friend I'll surely hit Madelle. Nakakainis na kasi ang babaeng ito, kanina pa kasi nagrereklamo. Nagsisimula na akong mainis sa kanya.
"Arte mo! No na No ang attitude mo sa ganito!" Bulyaw sa kanya ni Amy. Inirapan lang sya ni Madelle. Asar na Asar kasi sila sa isat-isa, Kaya di magkasundo. Totoo nga ang sabi sabi na pag pareho ang ugali ng dalawang tao sila pa yung nagbabangayan.
"Sige five minutes break" Sabi ni Jade and that's the que, kaya umupo na ako sa couch.
Nandito kami sa bahay ni Amy dahil nagdecide kaming mag practice. Kahit sure ball na mananalo kami syempre kailangan namin ng practice.
Dumating si Denise na may dalang snacks kaya dinaluhan sya agad ni Amy. Nilapitan din ako ni Denise para bigyan. SI Jade kasi ay kakalabas lang at mukhang maninigarilyo. Sinabihan na namin sya na tigilan na pero ayaw nya. Sabi ni Madelle hayaan nalang daw namin.
"Ito ang Yes na Yes!" Sabi pa ni Amy habang inaamoy amoy ang pagkain "Gutom na ako!" At nilantakan na nga nya ang pagkain .
"My ghads! PG ka ba Amyjane?" Maarteng tanong sa kanya ni Madelle. Huminto si Amy sa pagkain at automatic na tinaasan naman nya ng kilay si Madelle.
Hindi na lamang ako tumingin sa kanila at lumabas nalang. Hinayaan ko nalang si Denise na awatin yung dalawa sa loob. Nasa bodega kasi kami nila nagpapractice, pero malinis ito at hindi madumi. Naglakad ako sa daan patungong garden nila. Maganda ang bahay nila Amy, at puno ito ng mga bulaklak. Dahil na din sa hilig ng Mommy nya sa mga ito.
Natagpuan ko si Jade na prenteng naka-upo at naninigarilyo. Nakita nya ako kaya lumapit ako sa kanya .
"Yow, Janelle!" Umiling iling nalang ako ng binuga nya ang usok sa mukha ko. Tumawa pa sya kaya lalo akong sumimangot. Naramdaman nya ito kaya tumigil sya sa kakatawa.
"Why are you here?" Tanong ko.
"Wala. Gusto ko Lang." Kumibit balikat sya. "Ikaw bakit nandito ka?" Ngumiwi ako.
"Ang ingay nila Madelle at Amy." Tumawa nalang sya at nanahimik kaming dalawa. Dumating si Denise at inanyayahan na kaming pumasok. Mabilis lumipas ang practice at nagsipag-uwian din kami.
"Kuya Orio, patabi po muna tayo diyan sa Donut shop." Tumango si Kuya Orio na nagsundo sa akin at gaya nga ng sinabi ko ay itinabi ni Kuya Orio ang sasakyan sa parking lot ng sikat na Donut shop na kinakainan ko. Bigla kasi akong natakam ng nadaanan namin ang billboard ng Donut shop nito.
Bumaba ako sa sasakyan at niyakap ko ang sarili ko ng madama ang lamig ng ihip ng gabi. Pumasok ako at agad na nanuot sa aking ilong ang amoy ng mga donuts.
Nakatingin ako sa Menu ng madinig ko ang pamilyar na boses, banda sakin'g gilid. Tumingin ako dito at nagtaka ako kung bakit biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng makitang si Rekka lang naman ito at may kasamang babae. Nasa dulo sila at nakatalikod sakin ang babae kaya hindi ko maaninag kung sino. Nakatagilid naman ang noo ni Rekka habang nakangiting nakatingin sa babaeng nasa harap nya. Kumunot ang noo ko, dahil nagtataka ako kung bakit nakaramdam ako ng biglang pagka-irita.
"Ays, paharang harang!" Napatingin ako sa babaeng muntik ko ng masangga ng tatagilid sana ako. Umirap lamang sya ng mag-apologize ako at lumabas na.
Tumingin muna ako sa pwesto nina Rekka at ng babaeng hindi ko kilala. Kailangan ko ng gumalaw, dahil nakaharang ako sa daanan. Dumiretso na ako sa cashier at pilit na binura sa isipan na nandito si Rekka.
Nag-order ako ng isang box na may ibat-ibang flavor para sa amin ni Kuya Orio at Manang Tina. Wala kasi sila Mommy at Daddy, dahil sa mga business meetings.
Sumulyap ako sa pwesto nila, pero wala ng tao doon. Mukhang nakaalis na. Kaya lumabas na ako at nakita ko naman si Rekka na pinapasok ang babae sa sasakyan nya. Hindi ko na naman nakita ang babae, dahil nakapasok na sya. Pumasok na si Rekka sa loob, na ang sarap tignan sa itim na V-neck t-shirt nya at maong pants. Pina-abante nya na ito.
Nagmadali akong pumasok sa sasakyan kung saan naghihintay si Kuya Orio.
"Kuya, pakisundan nga po yung sasakyan na maroon na iyon!" Hindi na nagtanong si Kuya Orio at pasimple nga namin na sinundan ang sasakyan nila Rekka. Na-curious lang kasi ako kung sino yung babae kaya pinasundan ko na.
"Janelle, papuntang masukal na daan ito eh." Kumunot ang noo ko, dahil patungo nga ito sa madamong bahagi ng abandonadong bakanteng lote.
"Sige Kuya, hinto tayo." Huminto kami sa bandang malayo pero kita ang sasakyan nila na huminto sa tabi ng malaking puno. Hinintay ko na may bumaba at nilukob ng kaba ang dibdib ko ng walang bumaba doon. Baka naguusap lang? Oh! Dammit! Don't play stupid Janelle! Nagkakaroon na ako ng ideya kung anong nangyayari sa loob non, pero naisip ko na, ano naman?
Bahagyang gumagalaw ang sasakyan at doon ko na nakumpirma kung ano nga ang nangyayari. I can't believe na gagawin nila iyon dito. It's just that... I don't know kung bakit para akong disappointed sa pangyayari. Siguro, baka dahil humahanga ako kay Rekka.
"Mukhang may nangyayaring kababalaghan sa loob, Janelle ah!" Natawa pa si Kuya Orio at nahiya ako dahil napansin din pala nya ang pag-uga ng sasakyan. At isinama ko pa sya sa pamboboso kong ito. Oo! Iniisip ko na namboboso ako, dahil private doings ang ginagawa nila at nandito kami, na pinasundan ko. Napailing iling nalang ako at yumuko sa kahihiyan na nadama.
"Kuya Orio, may donuts ako dito basta itago mo kay Mommy na may pinasundan ako sayo na gumagawa ng kababalaghan." Umiling iling ako ng ngumisi ang bungal-bungal na si Kuya Orio. Umalis na kami doon at tinupad ko ang usapan na sa kanya nalang yung isang box ng donuts. Alam ko naman na bibigyan nya si Manang Tina. Ayoko 'man na suhulan si Kuya Orio pero alam kong magrereport iyon kay Mommy at Daddy at nahihiya ako na malaman nila na namboso ako.
To be continued...
#SAMStories
BINABASA MO ANG
Pag-Ibig ni Rekka Monzoga (Ongoing)
Genel KurguPag-ibig Series #1 Janella was a deadly gorgeous high school girl and this handsome dancer caught her attention. A guy named 'Rekka' made her realize that she doesn't have to believe the saying that "Only Man can court a Lady". She can court a man...