Sa sobra kong iniyakan ang nangyari sa school at sa eksenang pilit kong kinakalimutan, nag ka eye bags ako dahil sa sobra akong umasa at nasaktan dahil doon.
Alam ko para kong tinalo ang nag break up na magsyota, wala na nga akong love life wala pang school atang tatanggap sa kagagahan kong ginawa.
Its already July! Ok ako na ang talunan! Dahil sa pagkakadepressed ko mas iniisip ko nalang ngayon na pumunta sa aking BEAST PREND nasi THAREIGN SULZASZAR.
Habang nakasakay ako ngayon sa jeep papunta sa bahay nila thareign na idlip ako saglit at nang maimulat ko na ang mga mata ko.
Nanlaki ang mga mata ko dahil lumagpas nako, pero konti lang naman kaya nilakad ko nalang papunta sa kanila.
Naglalakad nako sa street papunta kina thareign, medyo malayo layo pa ng kaunti ang lalakadin ko, pero napansin ko sa peripheral vision ko ang isang lalaking sumusunod sakin, nang lingunin ko sya sa likudan ko bigla syang huminto at tumingin sa pader at kumamot pa ito sa kanyang ulo. Sya ay may mahabang balbas, naka sombrero naka jacket na itim na makintab at kahina hinala ang kinikilos nya.
Biglang nanigas ang katawan ko at nakaramdam ako sa takot kaya binibilisan kona ang paglalakad ko.
"ughh.." napa buntong hininga ako at nararamdaman ko na ako ang hinahabol nya kaya kumaripas nako ng takbo. "sh*T!" napasigaw ako dahil sa wala akong magawa dahil walang katao-tao sa street na ito at di ako makahingi ng tulong dahil pasado alas dyis na ng gabi.
Sino ba sya? Bakit nya ko hinabol.
Sa pagtakbo ko. Nararamdaman kona ang pawis at panginginig ng mga kamay ko at napapagod nako, may mga likuan o kanto sa lugar na iyon. Kumaliwa ako sa sumunod na kanto at nakita ko mula sa kalayuan ang isang lalaking naka talikod na naglalakad. Nakabalot sya ng itim na jacket hanggang tuhod at naka hood. Nakita ko sa peripheral view na lalaki sya.
Hinihingal nako sa pagtakbo, naka isip ako ng ideya, kaya naman bigla ko nalang hinawakan ang kamay nya at hinila sya para tumakbo din. Wala nakong pakialam sa nahulog nyang libro at kung anong sasabihin nya, yun lang ang tanging paraan para makatakas ako sa lalaking humahabol sakin dahil kapag humingi pako ng tulong sakanya sya pa ang mapahamak at baka may dala pa syang kutsilyo.
"kuya! Hihiramin muna kita!" sigaw ko sakanya kahit di ko pa nakikita ang mukha nya.
Kasabay ko na syang tumtakbo ngayon. Sa sobrang kalayuan na ng pagtakbo namin, hinila ko sya sa madilim na part sa may iskinita para magtago, nang matunton na ng lalaking humahabol sa akin kung nasan ako, bigla ko nalang itinago ang mukha ko sa lalaking hinila ko, yumakap ako sa kanya para di mahalata ng lalaking iyon na ako ang hinanabol nya.
Tumagal ang pagyakap ko sakanya.
"SINO KA?! Bigla syang nagsalita at tinanggal nya ang kamay ko sa likod nya.
Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa ramdam ko parin na nasa malapit pa ang lalaking humahabol sakin.
Diko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Nasa madilim kami at tila wala akong Makita, hugis lang ng mukha nya ang nakikita ko sakanya.
"HUH??" napatanong ako at napaatras dahil ramdam kong papalapit sya sakin. Papaatras ako ng papa atras sa may ilaw ng poste malapit, sa bawat hakbang ko nadadagdagan ang aninag ng ilaw para maaninagan ko sya.
BINABASA MO ANG
Hourglass Story
Mystery / ThrillerThe HOURGLASS is a rare object that will not be able to sell or see at the store anytime. It's antique that will gonna treasure by few people and sell it by so many because its made from the past and have an unusual design. What if it will became a...