CHAPTER 11: MEMORIES

3 2 0
                                    


Naninikip ang dibdib ko kaya napahawak ako sa door knob at napayuko.

Sabay bumukas ang pintuan at nakita ako ni mama at inalalayan akong umupo sa sofa namin. Kumuha sya ng tubig at ibinigay ito sakin.

Limang minuto ang lumipas ng mainom ko ang isang basong tubig na binigay nya at umupo narin sya sa harapan ko.

"ma!" tawag ko sakanya

"ano anak ok kalang ba talaga?" tanong nya sakin na may pagaalangan.

Diko alam kung ano pa ang mga bagay na itinatago nya sakin. Matagal ko na syang tinatanong at gusto konang halungkatin ang nakaraan at malaman ito.

"ma. May itatanong ako" straight forward kong sabi sakanya ng mapabaling ako ng tingin sa tubig sa baso ko.

"kapag ba nabasag ang basong ito, ibig sabihin gustong Makawala ng tubig mula sa baso?"

"anong ibig mong sabihin anak?.." huminto sya sa pagsagot at nagsalita ulit.

"Maari. Pero kung di mag iingat ang taong humahawak sa basong iyon ay talagang masisira ang baso kapag itoy nahulog at kung itoy babasagin. Bakit mo pala natanong anak?" binalik nya ang tanong sakin

Tumingin ako sakanya at inilapag sa maliit at mababang mesa ang basong hawak ko.

"ma! Sabihin mo sakin na totoo lahat ng sasabihin mo" malumanay kong sabi sakanya

"bakit ka nagkakaganyan anak? Anong nakain mo?" napakunot sya ng noo

"ma, tatanungin ulit kita............. May kapatid ba ko?" diretso kong tanong

"Wa---wala...anak" sagot nya

Kinusot ko ang mata ko na parang nagmumuta. Huminga ako ng malalim.

"ma! Anong nangyari noong 3 years ago?" tanong ko sakanya

"Aush" napayuko sya sa kinauupuan nya at nagsalita na

"nasunog ang bahay natin kaya lumipat---"

"nasunog ang bahay natin kaya lumipat tayo dito sa manila at dalawa lang tayong nakaligtas sa sunog at na comatose at nagka-amnesia.." ipinapatuloy ko na ang sinabi nya. Tutal paulit ulit kona naririnig ang sagot nya sa tanong ko kaya nakabisado kona.

Napatingin sya sakin na parang gulat na gulat.

"tama ba ma?" tinaasan kona sya ng tono dahil sa inis.

"magdahan dahan ka sa pananalita mo aush!"

Tumayo ako at sinabat sabat sya.

"you know! You make me sick ever since na magtatanong ako sayo!"

Lumapit sya bigla sakin at nakaramdam ako ng init sa kanang pisngi ko. Sa sobrang sakit at lakas ng sampal nya napaistatwa ako at napatingin sa gilid.

Ngumisi ako sakanya at hinawakan ko ang pisngi kong satingin ko ay namumula na.

"Gusto ko nang makawala sa basong ito para malaman ko ang totoo pero parati nyo nalang akong kinukulong sa mga kasinungalingan at paulit ulit nyong sagot! Ni wala kayong ginawa para Makita ang kambal ko!" nanlaki ang mga mata nya ng marining nya ang sinabi ko

"oo ma! Nakita ko at nakausap ko ang kambal ko! Ang kapatid ko! Ang kapatid ko na patuloy nyong pinapatay sa isipan ko!" umagos na sa mukha ko ang mga luha na patuloy na pumapatak.

Naka tikom na din ang mga kamay ko. Galit na galit ako sakanya dahil lagi nya kong bine-brainwash kaya pumasok nalang ako sa kwarto ko, iniwan ko sya sa sala at kinalabog ko ang pintuan ko at sinarado ito. Patuloy na umiiyak ako maghapon sa kwarto ko at halos dina ko lumabas para kumain.

Hourglass StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon