Napailalim ako sa kanya at sya naman ay nasa taas ko. nakalapat ang mga kamay nya sa kamay para di nya ko tuluyang madaganan. Di naman ako makagalaw dahil yung isang kamay ko nakahawak sa dibdib nya at ang isang kong kamay ay nakataas at hawak ang pendant. Napatitig ako sakanya at ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa mukha ko. ang bango nya! Amoy perfume.
Napapikit ako dahil sasagawin nya.
Pero binuksan ko ang mata ko ng marinig ko ang pabukas ng pinto.
"Oh my!! Ahh sorry na istorbo ko ata kayo!" sabi ni thareign.
Naramdaman ko nalang na nakuha napala sa kamay ko yung pendant na hawak ko at napamulat nako. At napabalingkwas sa kama. Nakita ko si thareign sa harapan ng pintuan at si Henderson na nakangisi at namumula sa tabi ng kama habang nagsusuot na ng pangitaas.
"thareign san kaba pumupunta?" biglang dating ni jeshnel at ngayon ay naka titig na samin.
"wala kaming ginagawa" biglang sabi ni Henderson saka lumabas ng kwarto.
"uHH. Oo! Wala talaga kaming ginagawa! Kinuha nya lang yung pendant ko!" sabi ko
"sus! Defensive!" nakakaasar talaga 'tong jeshnel nato. sarap sabunutan sabi nangang wala e.
Bumaba kami sabay sabay sa lobby para magpalamig.
Ang pinagtataka ko. bakit kinuha ni Henderson yung pendant ko? bakit sinabi nyang hindi yun sakin? Bakit? Bakit? Bakit? E samantalang akin talaga yun. Pinaglalaruan nya ata nya ko eh!
Nakaupo na kami ng biglang may pumunta sa lobby at nagsalita. Isa sa mga lalaking nakasama ni megan sa pagbugbog sakin.
"nagpapatawag daw ng meeting si Kinjester sa Basement. Ngayon na daw! Lahat pumunta!" sabi nya
Kanya kanya namang suhestiyon ang bawat isa.
"ano ba naman! Bakit sa basement pa!"
"sino ba sya para mag utos."
"sya nalang kaya pumunta dito!"
"ang init kaya sa basement! Atsaka bakit lahat ng group?"
"kilala ba namin sya? Importante bayan?"
Madami samin ang hindi pumunta sa basement kaya di nalang din kami pumunta, kaya sandali pa'y dumating sya.
"BAKIT DI KAYO PUMUNTA?!" sigaw nya samin habang nakakunot ang mga kilay nya at nakapamulsa ang dalawa nyang kamay sa bulsa ng short nya. Naka sando sya ngayon.
Mukha syang galit.
Bigla na lang kami nanahimik sa kinauupuan naming, ang iba ay pumunta sa labas dahil sa lakas ng boses nya.
"DO YOU THINK IM JOKING?" nanlilisik na mga mata nya at sobra syang nakakatakot ngayon kesa sa una ko syang nakilala. Galit na galit na talaga ang mukha nya.
"ano ba pinagsasabi nya?" rinig ko ang mga bulungan sa mga katabi ko
"sya ba si kinjester?"
"nakakatakot naman sya"
Tanging ingay ng kuliglig sa gabi ang naririnig namin ngayon at ang boses nya.
"I KNOW, YOU KNOW ME WELL. AND WHAT I CAN DO!"
Nangte-threat ba sya samin?
May kumuha ba ng towel habang naliligo sya?
May nantitrip ba sakanya sa pagbukas patay ng ilaw habang naliligo sya sa CR?
"I KNOW SOMEONE OF YOU CAN GIVE ME AN ASWER TO THIS KIND OF STUFF?!" sigaw nya. At natulala ako sa nakita ko na kinuha nya sakanyang bulsa at itinaas ito.
BINABASA MO ANG
Hourglass Story
Mystery / ThrillerThe HOURGLASS is a rare object that will not be able to sell or see at the store anytime. It's antique that will gonna treasure by few people and sell it by so many because its made from the past and have an unusual design. What if it will became a...