Iminulat ko ang mga mata ko, unti unting lumilinaw na ang nakikita kong kisame. Ibinaling ko sa iba ang mata ko at nakita kong nasa iisa akong kwarto, simple lang ito pero napaka ayos na kwarto. Naaaninagan ang mukha ko ng araw na nagmumula sa bintana na nasa uluhan ko.
Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama at di ko alam kung nasan ako. Nakita ko ang katawan ko ng puno ng pasa at benda sa katawan at iba na ang suot ko. Puting polo na Malaki at panjama na Malaki din na parang panglalaki.
Whuuuttt??!! Di maari! Nagulat ako sa naisip ko na nasa kwarto ako pero diko alam kung kaninong kwarto at mukhang pang lalaki pa yung damit na suot ko.
Wait?! Kagabi... anong nangyari kagabi?
Hinawakan ko ang ulo ko at sabay hampas ko nito.
"awww" angal ko.
Diba kagabi, wait teka! Anong araw naba ngayon? Kagabi yung party diba?
Whaaa!! Mabubuang ako sa kakaisip dito. Dahil sa ka-curiousityhan ko binuksan kona ang pintuan at pagbukas ko nakatingin sakin si Henderson na nasa mesa na maliit.
"A---anong araw na?!" bungad ko sa kanya. Napatayo sya sa kinuupuan nya at binitawan ang basong hawak nya.
"sa—sabado" sagot nya
Napahinga ako ng malalim at hinawakan ko ang dibdib ko. Paghawak ko sa dibdib ko nanlaki ang mata ko at tinakpan ito.
DAHIL!!!
DAHIL!!!
DAHIL WALA AKONG BRA!! Pano nangyari to?
Totoo ba tong iniisip ko?!!! Shockss!! Nanlaki ang mata ko at sobra kong tinakpan ang dibdib ko. Nanlalamig na ang kamay ko at naninikip ang dibdib ko.
"di maari" utal utal kong sabi at napaatras ako ng kaunti.
"ahhm.. magpapaliwanag ako.." lumunok sya at kumamot sya sa ulo nya.
"ahhhhhh... ganto kasi yan... ahmmm" pinagpatuloy na ang pagsasalita nya at nagsimula ng humakbang papalapit sakin.
Umurong ako papasok sa kwartong pinanggalingan ko.
"oh iha! Gising kana pala!" isang matandang babae ang sumulpot sa likurad ni Henderson na galing sa kusina.
"umupo kana dito at ibang titimpla kita ng tsaa o kape" pagtuloy ng matanda
Wala parin akong imik at nakatayo parin kami ni Henderson at walang kumikibo.
"ako ang nagpalit sayo ng damit iha dahil gutay gutay na ang suot mo ng ihatid ka dito ni apo."
Whuut? Apo? So lola sya ni Henderson?
"mukhang nag kasya naman ang damit na pinahiram sayo ni apo hehe" tumawa sya at umupo narin sya sa mesa.
Umupo ako sa harapan nila dahil maliit lang ang mesa naparang pang apatan lang ang kasya. Pero nakatakip parin ang kamay ko sa dibdib ko.
Goshh!! Nakakahiya! Aushie kaylangan mong takpan ang hinaharap mo baka Makita nya ang bakat na tuldok na syang magpapababa ng moral mo! huhu
Umupo na si Henderson at uminom na sya ng kung ano bayun! Diko din alam.
Pero imfernes! Parehas kami ng suot. Naka puting polo din sya at pajama na puti na parang pantulog nya.
WHUTT? Wag mong sabihing magkatabi kami? Oh my gas! Erase! erase! Erase!
"maayos na ba ang pakiramdam mo iha? Sinabi na pala sakin ni apo kung san mo nakuha ang mga pasang iyan, nahulog kadaw sa bangin at nasira ang damit mo dahil nasabit ang damit mo sa mga sanga ng puno. At salamat sa Dyos dahil buhay kapa." Sabi ng lola nya
BINABASA MO ANG
Hourglass Story
Mistério / SuspenseThe HOURGLASS is a rare object that will not be able to sell or see at the store anytime. It's antique that will gonna treasure by few people and sell it by so many because its made from the past and have an unusual design. What if it will became a...