Chapter 1:Meeting Him

132 5 0
                                    

Chapter 1

Unang pasok ko para sa junior year ng Willow Academy ay marami na akong nakitang gwapo. Kahit saan meron, pero bago ang lahat, mag aral muna. Tiningnan ko yung schedule ko at ang first class ko ay Earth Science. Ugh! Alam kong ayaw ko ng Science dahil ang hirap magmemorize. Ang daming scientific names na yung ulo ko ay sasabog na. Sana Love Science na lang kaysa earth.

Kanina pa ako paikot ikot dito sa hall, pero hindi ko makita yung classroom. Sa sobrang titig ko sa schedule ay natisod ako . Muntik na akong mahulog nang sinagip ako ng sahig! OO! Walang sumagip sa akin. Kasi naman, meron nagtisod sa akin. Ang laki ng sapatos eh, Nike pa yung brand.

"Hoy! Bakit mo ak-" Napatigil ako ng ang nakita kong nangtisod sa akin ay sobrang gwapo. Ayyy!!! Black hair with black eyes. Matangkad, maputi, kita mo pa yung muscles. Meron pa syang headphones na nakasabit sa leeg nya. Ang kanyang smile, sobrang angelic, with dimples on his right cheek. The perfect guy I've been dreaming for.

"Are you saying something, miss?" Aba't english pa ng english eto.

"Ah, no- I-I mean- y-yes! Why did you tisod me?" Ay kahiya. Di kasi ako ganoon kagaling magenglish at paputol putol pa yung salita ko. Ang gwapo nya kasi. Bigla tuloy sya lumapit sa akin at nagsmile. Pagkatapos, sumimangot ang mukha.

"Well, miss, you're in my way. So move." Bigla akong tinulak sa pader. Aray ko, braso kooo! Lahat na nasa kanya except lang yung ugali. Kainis!

"Hoy, bumalik ka dito! Di ka lang ba magsosorry? Nakakainis po ikaw, kuya!" Bigla syang tumingin sa akin pero, alam mo na, death stare. Dahil sa kanyang cold eyes, nagfreeze ako dun hanngang tumunog na yung bell.

"Aish! Kasalanan ng lalaking yun kung bakit ako na late." Paikot ikot pa rin ako hanggang nakita ko na yung room! Sa wakas! Pumasok na agad ako sa classroom hanggang lahat ng estudiante at guro ay nakatingin sa akin.

"Miss, why are you late?" sabi ng teacher. Grabe, ang cold magsalita.

"I uhmm, I was lost in the hall. I can't find this room." Sabi ko naman. "I am a new student that's why I'm not yet familiar." Wow, ang galing ko pala mag english, pero nakaka nosebleed.

"Oh, okay. For today, I'll excuse you since it's the first day of school. Also, tell the class what's your name and then you can sit beside Mr. Anderson. " Hayy, nakahinga ako ng maluwag.

"Hello everyone. My name is Abigail Garcia and I'm 16 years old. I love to eat and sleep. Uhmm, excuse me po teacher pero who is Mr. Anderson?"

"Mr. Anderson, please raise your hand." Utos ng teacher. Bigla may nagtaas ng kamay at sya yung nakabunggo sa akin kanina. Aghh! Bakit, bakit mo kami pinaglalapit, tadhana.

Umupo ako sa tabi nya pero tinulak nya ako at sinabing, " Move and don't come closer to me." Sumunod na lang ako sa utos nya. Nakakainis ehh, baka magalit pa sa akin ng todo. Habang nagsasalita yung teacher ay napansin ko natutulog sya. Wow, ang cute, parang baby kung matulog. Tinapik ko tuloy sya sa mukha gamit ng ballpen.

"Hey, why are you sleeping? Nagsasalita yung teacher, oh!" binulong ko sa tenga nya.

"I don't care and don't talk to me. Mind your own business." Biglang sabi nya sa akin.

"Oh, edi matulog ka. Pumasok ka pa kung matutulog ka lang pala." bulong ko sa sarili ko.

"Are you saying something, Abigail?" Wow, natandaan nya yung pangalan ko.

"Wala po. Ano ba ulit yung pangalan mo? Kahit yung first name lang." Bigla ko na lang sinabi.

"Sorry, I don't give my name to strangers." Ako, stranger?

"Ehh, alam mo nga pangalan ko so hindi na tayo strangers."

" Fine, my name is Matt."

And I think I fell in love at first sight. 


What is True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon