Chapter 5: Bonding time

67 6 4
                                    

PS: Andy in the picture

Chapter 5

Abigail's POV

Hindi muna ako pumasok ngayon dahil sa sprain na nakuha ko kahapon. As in, sobrang sakit ng paa ko na gusto ko lang matulog at kumain. Tiningan ko yung orasan at 7:45 na. Hayy... Pumunta si mommy sa kwarto ko at sinabi na aalis na daw sya para sa work. Kahit na gusto nya daw mag stay para alagaan ako, hindi pwede dahil hindi naman kami mayaman. Bumaba na si mommy at bumalik ulit sa taas dahil meron daw akong kaibigan na naghihintay sa baba. Pinapasok daw nya muna sa bahay at sinabi pa sa akin na ang gwapo daw. Siguro si Matt yun. Ahhh! Si Matt, magaalala sa akin? Ahhh, ang sweet naman nya!

Ilang minuto ay pumanik na din yung bisita ko.

"MATT!" Sabi ko ng masaya. Pero hindi pala si Matt iyon, si Andy, my bestfriend. Nagtaka tuloy sya kung bakit Matt ang sinabi ko instead na ang pangalan nya. So, nagpalusot na lang ako.

"MATTA ko, ang kati. Grabe, parang may pumasok na dumi. " Bigla tuloy sya tumawa at lumapit sa akin. As in sobrang lapit. Grabe ang bango ni Andy. Ano kaya ginagamit nyang pabango, Giorgio Armani ba o Gucci? Basta ang bango. Pero bakit ang bilis ng tibog ng puso ko? Binuksan nya yung bibig nya at hinipan yung mata ko. Wow, pati breathe nya, sobrang bango. Naliligo ba to' ng pabango? Grabe.

"Ah, Andy. Ok na yung mata ko. Hindi na makati. Grabe, ang effective ng breathe mo. Pwede ba wag ka lumapit sa akin ng sobrang sobra. Feeling ko kasi mahuhulog ako sa kama." Tumawa ulit sya tapos humingi ng sorry. Kitang kita ko yung pagkamula ng mukha ni Andy. Grabe, super cute nya!!

After 1 minute of silence, bigla syang nagsalita.

"Is your sprained foot okay?"

"Ah, ito?" Tinuro ko yung injured foot ko. "Ok lang pero masakit, lalo na kung linalagyan ng pressure. "

"Can you go to school tomorrow?" Hmm.. Sa totoo lang ayoko ko pero mukhang malungkot si Andy pag sinabi kong hindi.

"Maybe. Kung hindi na sobrang sakit, papasok ako sa school. Ahh, oo nga pala, bakit hindi ka pumasok sa school?"

"Ah, eh kasi, nagaalala ako sayo. Ayokong maging malungkot ka pag mag isa ka lang sa bahay." Namula agad yung mukha ko. So nagaalala sya sa akin.

"Pero, bilang isang kaibigan lang." Ahh, as friends lang. Akala ko kung anong special.

"Can we have best-friend-bonding-time-together?"

"Aba, oo naman." Pumunta kami sa sala at nanood ng nga movies. Horror, romance, comedy, lahat. Tapos sya na rin nagluto ng popcorn dahil injured yung paa ko. Kumanta, sumayaw, nagdrawing, nagpicture, naglaro pa ng xbox... Ang dami naming nagawang masasayng memories ngayong araw. Umalis muna sya saglit tapos bumalik ulit na may dalang Jollibee. AHHH!!! My Favorito!

Habang kumakain ay bigla sya nagsalita.

"Do you wanna play a game?" Hala, ano kaya ito? Horror game? Yung pagkasabi nya nun, tumaas yung balahibo ko. Akala ko sya si Jigsaw.

"Ok, what game?"

"20 questions... Alam mo, para mas makilala pa kita." Ahh, yun lang pala.

"Ok, ako muna. What is your favortie color?"

"Blue-green or turquoise." Sabi nya.

"Same!" Favorite color ko rin yun.

"Ako naman. What is your favorite animal?"

"Uhmm.. Panda!" Sabi ko naman.

"Ahh, sa akin penguin. I don't know but they also seem cute." Sabi naman nya.

"My turn. Did you have a girlfriend?"

" Ahh, oo." Biglang lumungkot yung mukha nya."Pero, nakipag break sya sa akin dahil mas gusto nya yung best friend ko." Awww. Ang sakit nun.

"Sorry to ask, pero sino yung babaeng yun?"

"Si Chloe Reyes." Ha??!! Yung girlfriend ni Matt. Kawawa naman yung best friend ko. Nasaktan dahil sa pangit na babaeng yun.

"Wag kang mag-alala. Hindi kita iiwan. I won't break the promise we made before." Sabi ko naman at napansin kong sumaya sya kahit paano.

"Okay. Enough of this drama. My turn to ask a question. Who is your crush?" Ah, patay. Ngayon na ang araw na mabubuking ako.

"Ah, eh , ano kasi.. Please, secret lang natin to, ha? Si Matt. Si Matt yung crush ko."Nakita ko ulit yung lungkot sa mukha nya, pero ngayon mas doble ang lungkot.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"Ah, okay na okay. Uhmm, Abigail, dahil 6 na, kailangan ko na umuwi. Tinext na rin ako ni mommy na umuwi na daw ako." Bigla nya akong niyakap at umalis na. Kinilig ata ako nang niyakap nya ako. Pero bakit sya umalis agad? Hindi naman namin natapos yung 20 questions namin. Bahala na nga, matutulog na lang ako.

Sa gabing iyon, napaginipan ko nanaman si Matt, the guy I fell in love with.







What is True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon