Chapter 6: The Project

70 5 1
                                    

Chapter 6

Andy's POV

Nang malaman kong crush nya si Matt, sumakit ang dibdib ko. Sa lahat ng lalaki sa mundo, sya pa ang pinili nya.  Bakit sa lahat ng lalaki, gusto nya pa yung lalaking mahilig mangagaw. Oo, masakit. Unti-unti na akong nagkakagusto kay Abigail pero nung nalaman kong crush nya si Matt, naging malungkot ako. Bakit? Crush lang naman, hindi ba? So, meron pa akong chance para kay Abigail. Gagawin ko ang lahat para mapansin nya din ako.

Abigail's POV

Ilang araw na ang lumipas, napansin ko na hindi ako pinapansin Ni Andy. Tuwing lalapit ako sa kanya, aalis agad sya o kaya meron syang kakausaping iba. Napapansin ko rin na mas close na sila ngayon ni Hayley kaysa sa akin. Napapansi ko pa na tuwing magkikita sila ni Matt, lagi syang nagagalit. Hmm.. Ano kaya problema ni Andy? 

After 1234567 years, sabi daw ng teacher na magkakaroon kami ng project sa Earth Science. Hayy.. Boring. Kailangan daw namin gumawa ng model ng Earth with its layers. The crust, mantle, inner and outer core. sabi daw, pairwork so.... Linapitan ko si Andy kung gusto nya ba kami maging partners pero sabi nya, partner nya na daw si Hayley. Hay.. Halatang iniiwasan ako neto. 

Mga limang sigundo, meron akong naramdaman na kamay sa balikat ko. 

"Hay, kabayo!" Napatingin ako sa likod ko at si Matt pa la iyon. "Sobrang gwapo!" Bigla kong sinabi. 

"Sa gwapo kong ito, magiging kabayo ako?" Halatang naiinis sya.

"Sorry naman. Eh, bakit ka kasi nanggugulat?"

" Uhmm, I just want to ask you if you want to be my partner. That's all." Ako, magiging partner ni Matt? Of course!

"Yes, I do!" Bigla kong sinigaw. Tumahimik ang lahat at tumingin sa amin ni Matt. Mamaya maya, nagtawanan silang lahat. Oh-oh. Tumingin ako kay Andy at kitang kita ko yung galit sa kanyang mata. Bakit naman sya nagagalit? Pero kahit galit sya, gwapo pa din.

"Ok then. Buy all of these materials to the store then I'll meet you in your house. Don't worry, cause I'll gonna pay everything." Pagkatapos nun, binigay nya ako ng 500 pesos at umalis na sya. Anong akala nya sa akin, walang pera? Wow! Pero okay lang kasi libre pamasahe ko paguwi. 

After school, dumiretsyo na ako sa national bookstore at bumili ng materials. Bumili ako ng poster paint, styroball, posterboard, at kung ano ano pa. Meron pang natirang 200 pesos, so bumili ako ng jamba juice at umuwi na sa bahay. Laking gulat ko na merong Mercedes-Benz sa harap ng bahay ko. Nanalo ba kami sa lotto at meron na kaming kotse? Pumasok agad ako sa bahay at hinanap si mommy.

"Ma, nanalo ba tayo sa lotto? Meron tayong Mercedes-Benz sa labas. Grabe ka ma, ang ya-" Hindi ko na natapos yung sinabi ko nang nakita ko si Matt na nakaupo sa sala namin. Ayy, kahiya! Sumisigaw sigaw ako nang nakatingin sa akin si Matt. Napansin kong tumawa sya ng konti at nagserious face ulit.

"O, anak, nandyan ka na pala. Sabi daw ni Matt, partner mo sya sa project. Maghahanda lang ako ng merienda at pwede na kayong pumanik sa taas. Remember, no landian. Gwapo pa naman sya." Ma! Ano ba yang pinagsasabi mo! Nakakahiya!

"Don't worry po. Hinding hindi po ako magkakagusto sa anak nyo." Biglang sabi naman ni Matt. Aish, pawala ka ng pagasa ehh.

"Well, don't jump to conclusions. Malay nyo, maging kayo." 

"Ma!! Matt, pumanik na nga tayo sa taas." Hinila ko yung kamay ni Matt at dumiretsyo kami sa taas. 

Nang kami ay makapanik sa kwarto ko ay tinitingnan nya yung kamay ko at yung mukha ko. Ha, may dumi ba sa mukha ko? 

"Your hand." Sabi naman nya.  Tumingin naman ako sa kamay ko at nakitang ko hawak hawak ko yung kamay nya. Bigla kong binitawan yung kamay nya.

"Sorry. Uhmm, ito na nga pala yung materials para sa project." Sabi ko naman na nakangiti.

"Do it." Huh? 

"Do what?" Tanong ko naman sa kanya.

"Do the project all alone. I'm just gonna do my job here, which is sitting and surf in the internet."Wow ha, dapat ako lang may credits. Dapat kasi wala ng pair works kung alam ko lang na ako rin gagawa ng lahat. After 5 minutes, tinawag ako ni Matt.

"Uhmm, do you know the Wifi password?" 

"Give me 50 pesos." Yun yung aming wifi password.

"Bakit naman kita bibigyan ng 50 pesos?"

"Bakit hindi? Nakikigamit ka lang naman ng wifi sa amin." So, pagkatapos nun, binigyan nga nya ako ng 50 pesos.

"O, ayan na. Now, what's the wifi password?"

"Give me 50 pesos." Sabi ko ulit.

"Nanaman?!!" Pakatapos nun, binigyan nya ulit ako ng 50 pesos. I got 100 pesos na. 

"Ano nga kasi yung wifi password?"

"Give me 50 pesos." Sabi ko ulit. Bigla tuloy syang sumigaw at bumaba. 

 Mga ilang sigundo ay bumalik ulit sya sa kwarto ko. "Ano nga kasi yung wifi password nyo. Pati yung nanay mo sabi 'Give me 50 pesos.'" Halatang galit na sya.

"Hindi mo ba gets. Yun yung pasword namin. Give me 50 pesos."  

"Ahh! Sana sinabi mo pa saakin kanina para hindi ako namigay ng 150 pesos." Ahhahah! thank you. Dahil sayo meron na akong baon. Lumipas na ang ilang oras at natapos na namin yung project. Este ME, MYSELF and I. Yung partner kong si Matt, hindi tumulong. Grabe, ang ganda ng project namin, super colorful. Tiningnan ko si Matt kung anong ginagawa nya at sya pala ay natutulog. Ang kanyang face, super angelic. Ang gwapo nya habang natutulog. Kinuha ko agad yung phone ko at pinicturan sya ng maraming beses. Siguro 50 pictures of him. Pagtapos nag selfie naman kami. Tawa ako ng tawa hanggang narinig ko syang magsalita.

"Why are you taking a picture of me?" Paktay! Gising pala sya. Akala ko tulog talaga.

"Ah, hindi kaya! Nagfafacebook kaya ako." 

"Liar." Kinuha nya agad yung phone ko at nakita nya yung mga pictures nya habang natulog. After 10 seconds, binalik nya yung phone ko. Tiningnan ko agad yung photos at wala na yung pictures ni Matt.

"Madilim na so I'm going home na. Good news, wala na akong pictures sa phone mo." Hay, kainis ka Matt. Umalis na rin sya at nagpaalam kay mommy. 

Ang hindi nya alam, may backup ako. Bwuhahahaha!!!


What is True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon