Chapter 8: Best Friends lang ba?

47 5 0
                                    

Chapter 8: 

Matt's POV

I was having fun with Abigail during the past days. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at unti unti ko na syang nagugustuhan. Sorry readers, I thought I won't like her but I did. I like her as a friend lang naman. When we played basketball, it's one of the best moments in my life. Playing basketball with her was quite rough but I enjoyed it. I was really enjoying this day until I saw my girlfriend, kissing another guy. My heart broke into pieces, I felt that darkness surrounded me. Things happened so fast. One second, I saw a guy on the floor. Another second, my girlfriend kept screaming on me. Another second, I just called Abigail my girlfriend and then kissed her. After that, all of my senses came back. Did I just kissed her? No way! Then, I saw Chloe's face getting red and really angry.

"You mean that girl is prettier and cooler than me?"

"Bakit naman hindi. At least sya, maganda inside out. Hindi Rin sya yung tipong lolokohin ka katulad mo. She's beautiful, smart and amazing." Bigla   ko naman sinabi. I noticed that her face was getting red. 

"Sorry Abigail for kissing you." Bulong ko naman sa kanya. Napansin ko na nakatulala Lang sya, parang hindi nakibo. Pagkatapos noon, umalis na sina Chloe and her boyfriend. Humarap naman ako kay Abigail at isang maglakas na sampal ang aking naramdaman.

"Bakit mo ako hinalikan? First kiss ko yun! Hindi mo Rin ako girlfriend pero bakit mo sinabi na girlfriend mo ako?" Hindi ko na Lang pinansin yung mga sinasabi Nya at tumawa Lang ako. Ngayon na Rin ako nakatawa ng tunay. Before, I always do a fake smile or laugh. But, because of this girl, I can laugh or smile naturally. Ngayon ko na rin naranasan ang tunay na kasiyahan. 

Aalis na sana sya ngunit pinigilan ko sya.

"Wait, before you go, will you be my girlfriend?"

Abigail's POV

"Wait, before you go, will you be my girlfriend?" Ano daw? Sinansabi nya ba na gusto nya ako maging girlfriend. Yung puso ko, ang bilis tumibok. Ako naman, gustong gusto kong sumigaw ng malakas na YES!

"Uhmm, ano kasi... Hindi pa ako ready. At tsaka, masyado pa akong bata, 16 years old pa lang ako, ikaw 17. Plus, high school pa lang ako, kaya pwedeng makadistract sa pagaaral. Tapos ikaw popular, ako naman hindi gaano. Baka pagkaguluhan ako ng fans mo. Lastly, pwede muna ligaw." Ang dami dami ko pang sinabi. Bakit hindi na lang kasi YES ang sinabi ko. Napansin kong kinamot nya yung ulo nya.

"Ok, fine. Liligawan kita." Yes! Liligawan ako ni Matt! This is  the happiest day of my life!

Andy's POV

Sasabihin ko na sana yung feelings ko para kay Abigail pero lumitaw nanaman yung best friend kong mangaagaw. 

Habang naglalakad pauwi, napadaan muna ako sa park. Naalala ko agad yung nanay ko kasi since bata pa lang ako, lagi kami napunta dito sa park. Bumili ako ng sorbetes at nakita ko si Matt at si Abigail, naglalaro ng basketball. Dapatako yung kalaro nya pero hanggang friends lang kami. Ilang minuto ang lumipas at nakita ko na hinalikan nya si Abigail. Yung puso ko, sobrang sakit. Bakit, bakit nya hinalikan yung taong gusto ko? Bakit ang sakit sakit makita silang magkasama? 

Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala si Abigail. Linapitan ko pala silang dalawa.

"Hindi, hindi akong papayag na liligawan mo si Abigail. Diba na sayo na nga si Chloe. Pati ba naman si Abigail kukunin mo sa akin?" Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko. 

"Nakipagbreak na ako kay Chloe. Teka, ano ka ba ni Abigail? Why don't you let me court her?"

"I'm her best friend and I should protect her, especially from you." Bigla na lang sya tumawa at nagsalita.

"Best friend ka lang naman niya, ehh. Wag mong sabihin gusto mo rin sya." Patay, hindi nya pwedeng malaman na crush ko din si Abigail. 

"Gusto ko lang sya bilang kaibigan. Hanggang best friend nga lang, hindi ba, Abigail?" Pilit kong sabi. Napatingin naman ako kay Abigail at umoo sya. Ang sakit ng puso ko. Kaibigan lang talaga ang tingin nya sa akin. 

"Teka, bakit ba kayo nagaaway? Ano ba problema nyong dalawa?" Tanong agad ni Abigail.

"Don't mind our business here, Abigail." Sabi naman ni Matt. Napatahimik naman agad si Abigail.

"Okay, edi fine. Aalis na muna ako dito. Magusap muna kayong dalawa." Tiningnan ko si Matt sa kanyang mga mata, ganoon din ang kanyang ginawa sa akin.

"Wag na. Wala na kaming dapat pagusapan. Halika na nga Abigail, hatid na kita pauwi." Sinabi ko agad. Ayoko na syang kausapin. Ayokong kausapin ang dati kong kaibigan na hindi pwedeng pagkatiwalaan.

"Hindi, ako na maghahatid.  I'm courting her so I should send her home."

"Ako na. Magagalit pa yung papa mo kapag hindi ka umuwi ng maaga." Pero kahit hindi na kami magkaibigan tulad dati, bakit nagaalala pa rin ako sa kanya?

"Fine." Pagkatapos noon, umalis na sya. Nakita ko naman si Abigail, patalon talon, kinikilig. 

"Fall in love ka na talaga kay Matt, noh?" sabi ko ng walang kabuhay buhay.

"Oo naman. Unang bes ko pa lang sya nakita, love at first sight na ang aking naramdaman." Ahh, kaya pala. Kaya pala tuwang tuwa sya kapag kasama nya si Matt.

Abigail's POV

Habang naglalakad pauwi, naalala ko na may sasabihin pala sa akin si Andy.  Tatawagin ko sana si Andy ngunit ako'y natisod sa bato. Pinikit ko na yung mga mata ko, handang mahulog, pero, ilang sigundo na ang lumipas, hindi ko pa rin nararamdaman bumagsak sa sahig. Binuksan ko agad yung mga mata ko at nakita ko si Andy, hawak hawak ako. Parang lahat, slow-mo. Meron pa akong nakikitang glitters sa side. Alam mo yun, sa mga movies, parang sya lang ang makikita mo. Hindi ko namalayan, nahila ko pala yung damit nya at nagunbotton yung polo shirt nya. Napatingin agad ako sa tiyan nya, pero instead na tiyan, ABS!!! Grabe, delicious. 

"Okay ka lang, Abigail?" 

"Okay na okay!" 

"Talaga, pero bakit meron kang dugo sa ilong?"

"Ah, kasi yung abs mo eh, este, talaga? Nagdudugo?" Kyaaaa!!! Nakakahiya. Napatingin tuloy sya sa abs nya at nakitang nakaunbotton. 

"Wag ka tumingin!" Bigla nyang tinakpan yung chest at abs nya.

"Ehh, gusto ko eh! Este, eto na, tatalikod nalng ako." Pagkatapos nun, nagtawanan kami.

Ilang minuto na ang lumipas at nasa harap na ako ng bahay.  Bago ko pang makalimutan, tinanong ko si Andy kung ano yung sasabihin nya.

"Andy, before you go, ano ulit yung sasabihin mo?" NAgulat agad sya at sinabing wala.

"Sige na, sabihin mo na sa akin."

"Okay, fine." Huminga sya ng malalim at tumingin sa akin.

"Je vous aime bien." 


PS: Who do you ship, Andy and Abigail or Abigail and Matt? Comment down below. 

Don't forget to vote and follow!!


What is True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon