Chapter 11:The Field Trip (Part 1)

43 7 0
                                    


Abigail's POV

"I like you Abigail. Matagal na." Panaginip ba iyon o totoo? Pero, sino kaya nagsabi nun? Hindi naman kaboses ni Matt. Hmmm... Baka si Andy. Pero hindi naman ako gusto nun ehh. Hanggang bestfriends nga lang diba? What a strange dream I had.

Nagising ako ng narinig kong ang inggay sa loob ng bus. Nakita ko si Andy, natutulog sa balikat ko. Kyaaa!! Ang cute nya pero ang bigat ng ulo, ehh. Bago ko sya gisingin, nagselfie muna kami. Kyaaa!! Meron na akong picture kasama sya.

Napatingin ako sa likod at nakita ko si Matt at Chloe, nakaholding hands. Akala ko ba liniligawan nya ako? Sa tingin ko tama si Hayley, ginagamit nya lang ako. Hindi ko namalayan na may natulo na luha sa mata ko. Hindi ko na rin namalayan na gising na pala si Andy.

"Hey, why are you crying?" Tanong nya sa akin.

"Ako, umiiyak? Hindi noh."

"Ehh, yan oh, pati uhog mo lumalabas." ANo! Nakakahiya! Nakita nya may uhog ako. Paano kung may kulangot na nakalabas? Pinunasan ko agad yung mga luha at uhog ko.

"Ehh, kasi, ano... Natusok ko yung mata ko gamit ng daliri ko. Ang sakit, grabe! Alam mo yun?" Palusot ko nanaman.

"Ahh! Okay ka lang? Eto o, panyo, punasan mo luha at uhog mo."

"Wag, na. Okay na ako."

"Hindi, kunin mo na." Pagkatapos nun, hinawakan nya yung kamay ko at linagay nya yung panyo sa kamay ko. Hayy... Sana ikaw na lang first love ko ehh. Ang bait bait mo sa akin. Pero naunahan ka na kasi, ehh. Nainlove na ako kay Matt. 

"Okay class. We're here na in Baguio City! Please get ready." Talaga nandito na kami? Kinuha ko agad yung aking camera at nagpicture ako ng nagpicture. Pati si Matt, kinuhanan ko ng picture. Hehehehe...

Bumaba na kami sa bus nang hindi ko napansin na meron pa palang isang hakbang. Dahil dun, nadapa ako. Pero, bakit ganun, wala pa rin akong nararamdaman na lupoa. Pagbukas ko ng mata ko, sinagip pala ako ni Matt. 

"Thank you." Sabi ko.

"You're welcome. You alright?"

'No, I'm all left." Tapos rinoll nya yung mata nya. Aish! Gwapo ka sana, masungit ka lang.

"I mean, I'm good." Pinakita ko pa sa kanya yung muscles ko (Kahit wala naman). 

Napatingin ako sa likod ko, at nakita ko si Andy, malungkot. 

"Uy, okay ka lang?"

"Oo naman."

"Tara na. Baka hinahantay na tayo ng teacher." Hinatak ko yung kamay nya. NApansin ko naman si Matt, malungkot din. So pati sya, hinila ko yung kamay. 

"No, Matt is mine." Sabi ni Chloe. Hinatak naman ni Chloe yung kabilang kamay ni Matt.

"Eh, akala ko ba break na kayo ni Matt?"

"That was, uhmm, that was nothing! Let go of his hand. Now!" Edi sinunod ko. Binitawan ko sabay tulak ko sa kanilang dalalwa. Dalawa tuloy silang bumagsak sa lupa.

"O, edi sayong sayo na yang si Matt!" Tapos hinatak ko na palayo si Andy dun sa nangyari.

"Uyy ah! Ayos yung ginawa mo kanina!" Sabi ni Andy. "Bakit ka umiiyak dyan?"

"Ehh, kasi naman, ehh! Hindi ko akalain na ginawa ko yun sas crush ko!" 

"Parang yun lang! Dapat nga ganun, ehh. Parang mas malakas ang dating mo. Tara, punta na tayo sa rooms natin."

"Magkasama tayo sa room?"

"Hindi! Magkahiwala yung girls sa boys." Ahh. Okay, buti naman.

"Okay class. We assigned you from different rooms. The girls would go first. 

Group 1: Hayley, Abigail" Nung narinig ko na magkasama kami ni Hayley tuwang tuwa ako! Yes! May kasama din ako sa room. "Chloe, Madison and Alice." Paktay. Kagrupo ko poa sina Chloe. Kasama pa yung dalawang kaibigan nya na parang siya. Lumapit si Chloe sa akin at binigyan ako ng nakakatakot na ngiti.

"Well, well. Akalain mo yun, magkasama tayo sa isang room. I think this would be so exciting." Tapos tinulak nya ako. Wow, ganun, gantihan lang. 

"Yeah! I'm so excited." Sigaw ko pabalik. Aishh! Sa lahat ng babae, bakit makakasama ko pa yun sa kwarto.

"Now, for boys. Group 1 would be Nathan, Matt, Andy, Charles and Benjamin." Wow, Magkasama silang dalawa. Hahaha, sa tingin ko mag aaway lang sila sa kwarto. Sinabi pa nung teacher yung ibang grupo tapos pumunta na kami sa sariling kwarto namin. Pagpasok ko sa kwarto, ang ganda, tapos ang laki pa. Dinaig pa yung kwarto ko sa bahay. Pipiliin ko na sana yung kama sa dulo kasi mukhang maganda at malaki, pero inunahan ako ni Ms. Bruha.

"Sorry, but I was here first." 

"Okay, edi dyan ka." Lumipat na lang ako sa ibang kama. Habang nagaayos na ako ng gamit ko, lumapit sa akin si Chloe.

"Hi, ulit. I just want to inform you again na Matt is mine. Alam kong nagbreak na kami, pero may plano ulit kaming magkasama. Oh! Wag ka rin masyadong close kay Andy. Nakakairita kasi kayong tignan. Baka agawin ko na rin si Andy sa iyo." Ano ba problema nya? Bakit ba ang laki ng galit nya sa akin.

"Pati bestfriend ko, ilalayo mo sa akin? Ano ka ba nya?"

"Girlfriend." Ahh! Sya yung tinutukoy ni Andy.

"EX-Girlfriend! Ibig sabihin, wala na kayong relasyon sa isa't isa!" sabi naman ni Hayley.

"Basta, wag kang masyadong close kay Matt o kay Andy. Oh, Hayley right? Wag ka rin masyadong lumapit kay Nathan. He's kinda cute at hindi kayo bagay. Ikaw, bagay ka sa mga nerds at samga panget!" Sa sobrang galit ni Hayley, sinabunutan nya si Chloe. Grabe, naging cat fight.  Yung isa, susugod sa akin, buti na lang na self-defense ko. Pinigilan ko agad si Hayley at si Chloe, pero ako naman ang sinabunutan nila.

"Yan po, Miss!" Sumugod sa amin yung mga teacher.

"What happened here?"

"Maam, si Hayley po kasi eh, sinabuntan ako."

"Eh, maam, nauna po sya. she started the fight verbally!" biglang sabi ni Hayley.

"Ikaw, Abigail. Ano ba talaga ang nangyari?" Dahil dun, ipinaliwanag ko yung lahat. Ang consequences? Instead na maggames kami at makasama ko sina Matt at Andy, maglilinis kami ng dorm. Yung pinakanakakatakot na room sa dorm.

"It's all your fault, ugly Hayley! Kung hindi mo ako sinabunutan, makakasama ko si Matt, my loves!"

"Eh, ikaw naman talaga may kasalanan ehh. Kung hindi ka nagsimula, sana kasama ko ngayon si Nathan!"

"Oo na guys. Tumigil na nga kayo! Alam mo bang sasabog utak ko sa inyo. Magaaway nanaman kayo, baka mas worst yun mga consequences natin!"

"Okay, fine, whatever you say, ugly!"

Hayy....Sana na lang masurvive namin itong paglilinis sa haunted room. :(


PS: Who do you ship? Comment down below!

Don't forget to vote, follow and comment!

What is True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon