Chapter 2
Abigail's POV
Noong natapos na yung first period, History na yung susunod. Kaklase ko nanaman si Matt pero hindi kami magkatabi. Nasa likod ko siya. Pero in fairness, meron akong sobrang gwapo na katabi.
Meron siyang brown hair, black eyes, kissable lips (hanep yung pagiisip ko, noh?), pero kind siya, shy, at may glasses. He is like a hot nerd.
"Hi, I'm Abigail. You can call me Abie."
"I'm Andy." sabi niya na nakangiti pa. Naririnig ko yung puso ko tumitibok ng mabilis. Pero, mas gwapo pa rin si Matt.
Nagstart na yung class. Habang peacefully ako nakikinig sa teacher ay pinagsisipa ni Matt yung upuan ko. Kanina pa ito, ang lakas sumipa. Ano ba paa ni Matt, kabayo? Hindi ako makapagfocus. Napansin ni Andy yung pagsisipa sa akin ni Matt kaya nagpalit kami ng upuan.
"Are you fine?" Tanong nya sa akin.
"No, I'm Abigail." Bigla tuloy sya tumawa. Ha, totoo naman eh, hindi ako si Fine, ako si Abigail. Kakasabi ko nga lang sa kanya kanina yung pangalan ko.
"No, ibig ko sabihin ko okay ka lang. Kanina kasi, sinisipa ni Matt yung chair mo." Ah, yun pala yung sinasabi nya. Nakakahiya. Tumungo na lang ako para sabihin sa kanya na okay ako.
MATT'S POV
Ang boring talaga ng school. Ano kaya pwede kong gawin?
Noong nag stretching ako, na sagi ko yung chair ni Abigail. Tapos noon, pinagsisipa ko na yung chair ni Abigail.
Nagulat ako noong nagpa switch si Andy ng seats kay Abigail. So, natulog na lang ako.Tapos na yung 2nd period. Hinarap ako ni Andy.
"Bakit ka ba nagsisipa ng upuan? Naiinis ka ba kay Abigail?"
"Bakit? Ano ba pakialam mo?" sabi ko. Hindi ako naiinis, okay. Hindi ko lang talaga maintindihan sarili ko ngayon. Magbestfriend kaming dalawa ni Andy. Ako popular sa mga popular habang sya popular sa nerd. Bakit? Ako gwapo at anak ng may ari ng school. Mayaman din ako(Hehe, rich kid). Sya naman, gwapo (pero mas gwapo ako) at top 1 sa school. Simula bata palang kami magkaibigan na kami. Pero dahil inagaw ko yung girlfriend nya, nag away na kami. Hindi na kami nagpapansinan hanggang this day.
"Kinakausap kita ng maayos, Matt, kaya umayos ka ng sagot mo. Sasabihin ko rin pala, wag mong saktan si Abigail dahil gusto ko sya bilang kaibigan."
Bigla na lang sya umalis at hinabol nya si Abigail. Wala naman akong pakialam sa babaeng yun. Mukha sya nerd, ang laki ng salamin. Mahilig din magblush pag kaharap ako. Basta ang tatandaan nyo, hinding hindi ko sya magugustuhan.
Abigail's POV
Ilang araw na nakalipas, nakahanap ako ng bestfriend, si Andy. Bagay sana kami, pero sino ba naman magkakagusto sa akin? Hayy. Today is Saturday so pwede akong pumunta ng park ngayon. Nagpalit ako ng basketball clothes at dinala ko yung bola ko. Akala nyo girly ako, but, no. I love sports, especially basketball.
"Ma, aalis po muna ako. Punta muna ako ng park.Love you!"
Sinuot ko yung aking sombrero at lumabas na ako sa bahay. Habang nalakad ay meron nanaman akong nabunggo.
"Sorry!" Sabi ko ng mabilis. Pero pagtingin ko si Matt. Dug.. Dug..Dug.. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Matt? Anong ginagawa mo dito?"
"None of your business. Move." Super harsh nya talaga, ang sarap suntukin. Dumiretsyo na tuloy ako sa park at naglaro na ako ng basketball. 3 Points! Whoo! Ang galing ko maglaro. Ishoshoot ko na ulit yung bola para sa 3 points ng may tumulak sa akin. Mga grupong lalaki or should I say the Bad Boys. .
"Hello, miss, but you cannot play here." sabi ng isang lalaki na akala mo sobrang gwapo.
"Bakit ba? Meron bang nakalagay na sign dito na 'Don't play here'? Wala naman hindi ba, so umalis kao dyan." Ishoshoot ko na sana yung bola pero tinulak nanaman nila ako ng malakas.. Susuntukin na sana ako ng isang lalaki sa grupo nila buti na lang nablock ko. High kick tuloy ang naabutan nya. Susugod na lahat sila, pero hindi kaya ng powers ko. Ang dami nila, anim sila habang ako isa. Napaupo na lang ako sa sahig at yumuko, handang maramdaman ang gagawin nila sa akin.
After 10 seconds, bakit wala pa rin ako nararamdaman?
"Bakit kayo pumapatol sa babae? Are you guys crazy? Gusto nyo ba ipatawag ko yung pulis?" Kaboses ito ni....Matt?
"Sorry po sir Matt. Kasi naman po eh, yang babaeng yan naglalaro sa park namin."
"Sa inyo ba itong park? Sa akin to at ako ang boss nyo so wag nyo syang saktan. Umalis na kayo." Tumakbo na yung mga unggoy hanggang hinarap ako ni Matt.
"Ano ba problema mo? Okay ka lang? Sinaktan ka ba nila? Bakit ka pa ba kasi pumapatol sa kanila? Akala mo ang lakas lakas mo hindi naman." Nagaalala pala sa akin si Matt. Ako naman dito naka ngiti lang, kinikilig.
"Marunong ka rin pa lang magalala at mag tagalog, pinapahirapan mo pa ako." Bigla syang tumigil magsalita at tumingin sa akin.
"Hindi ako nagaalala sayo. Kawawa naman itong park pag nagaway kayo. Dyan ka na nga." Umalis na rin sya pagkatapos habang ako, naglaro na lang ako ngbasketball. Another 3 points! Whoo!
BINABASA MO ANG
What is True Love?
Novela JuvenilWhat is true love? Yun ba yung Love at first sight or yung taong nagmamahal sayo na hindi mo lang alam? Yun ba yung taong na fall in love ka or yung nan diyan lang para sa iyo? Meet Abigail Garcia, a 16 year old girl na may pagkanerdy at tomboy. S...