Chapter 10: The Bus trip

41 7 2
                                    


Chapter 10

Abigail's POV

You know what day is today? It's field trip day! Yes! Ang aga aga ko magising para ihanda lahat ng damit na susuotin ko para sa field trip na to. Halos lahat ng damit ko sa closet, tinapon ko dun sa luggage bag ko. 

6:30 pa lang nasa school na ako. Nagsidatingan na yung mga classmates ko ng 7:35. Halos isang oras ako nakahintay sa harap ng school gate. Sobrang excited lang talga ako sa field trip. Nakita ko si Hayley, si Andy, pati na rin si crush! Pumunta muna ako kay Hayley para tanungin kung pwede syang tumabi sa akin sa bus.

"Hayley, pwede mo ba akong tabihan sa bus?"

"Ah, eh, kasi, sasabay ako kay Nathan ehh. Alam mo na, kanina pa ako pinipilit nyan. Plus, crush ko sya. So please, kahit this day lang. Makasama ko lang sya?"

"Fine, whatever. Ikaw ha, madalas na lang kayo magsama ni Nathan. Simula nang dumating sya, sya na lang lagi mong kasama."

"Ayiee, may nagseselos."

"Ako magseselos? Excuse me, babae ako. 2nd, worried lang ako sayo beh, kasi lagi mo na lang siya kasama."

"Meron ka namang Andy, ehh. Alam mo bagay kayo. I ship you both." Ha? Ano daw? Bagay kami ni Andy? No way. 

"Kami, bagay? No, beh! Tao kami! Gets mo."

"Hahaha, hindi yun ibig kong sabihin. Bagay kayo as in partners. Mas maganda kayong magkasama kaysa kay Matt. Sa tingin ko kasi, ginagamit ka lang nya."

"Anong sa-"

"Hindi, joke lang. Ito, hindi maloko. Alam kong first love mo sya. Of course, I respect that." Ahh, magagalit na sana ako pero nagjojoke lang pala sya.

"Pero, paano mo nalaman na first love ko sya?"

"Hindi ba halata? Yung kilos mo, ibang iba kapag kaharap mo sya." Kyaa!! Kahiya! Nagchikahan pa kami ni Hayly ng may pumatong ng kamay sa balikat. Dahil magaling ako magself defense, kinuha ko yung kamay tapos muntik ko nang mabali nang nakita ko si Andy yun.

"Aray!" Sumisiga sya sa sakit. 

"Sorry, bestfriend, akala ko kidnapper."

"Sa gwapo kong to, kidnapper? Pwede na rin. Dahil kinidnap mo yung puso ko." Huh? Ano daw? 

"Kung ninakaw ko yung puso mo, dapat patay ka na ngayon."

"Tama ka, patay na patay ako sayo!" Ano toh, hugot?

"Ayiee, may kinikilig." Singit naman ni Hayley.

"Ha?" Tanong ko naman.

"Yan oh, yung mukha mo, pulang pula." Tapos nagtawanan silang dalawa. I'm shy shy shy na.

"Bahala na nga kayo dyan!" Iiiwan ko sana sina Hayley at Andy doon nang dumating si Matt, my Mr. Sungit.

"Hi, Matt!"

"Hi, gusto mo tumabi sa akin sa bus." Tapos nagfriendly smile sya. My gosh. His dimples, so cute.

"Hindi, ako na lang tabihan mo, Abi!" Bigla naman akong inakbayan ni Andy. Tapos, tiningan ko sya ng strange look. Bumitaw naman sya sa akin.

"Syiempre, as your best friend, ako may karapatan. Kapag si Matt na ang boyfriend mo, sya na ang pwede tumabi sayo."

"Ah, edi sagutin ko na kaya sya para tabi kami sa bus." Tapos nakikita kong ngumingiti si Matt. 

"Wag muna, Abi! Kapag ganun, hindi na tayo." Ha? Hindi na kami? Hindi ko sya gets.

"I mean, hindi na tayo madalas magkasama. Maghahanap na ako ng bagong bestfriend. Pati si Hayley, hindi ka na rin bestfriend. Kasi magkakaroon na syang Nathan."

"Ah! Ganun ba yon, edi hindi ko muna sasagutin si Matt!" Ganun pala iyon, mawawala ako ng  mga bestfirends kapag sinagot ko si Matt. Nakita ko naman si Matt, nagdeath stare kay Andy. Si Andy naman, tumatawa. Maya maya, tinawag na kami ng teacher.

"Okay class. Get a partner buddy. kapag pinili mo na yung taong yun, kayo na magkasama sa buong trip." Tapos bigla akong hinatak ni Matt at ni Andy.

"Ako katabi ni Abi, best friend ko sya!" Sigaw ni Andy.

"Hindi, ako! Mas gwapo ako sayo. Mas gusto ako ni Abi!" Sigaw naman ni Matt. Para silang mga bata.

"Teka nasasaktan ako!"Binitawan naman nila yung mga kamay nila sa akin.

"Abi, pumili ka. Ako o si Matt?" another hard decision of my Life! Hindi ko alam kungsino pipiliin ko. Kung si Andy nalang kaya piliin ko. Pero baka magselos si Matt. Eh kung si Matt nalang kaya? Iiwasan naman ako ni Andy.

"Okay fin-" Sasabihin ko na sana si Matt pero biglang sumingit si Chloe, the kntrabida on my life. Hindi kasi mabubuo ang istorya kung walang Chloe.

"Matt, ako na lang tabi mo. Please!" Sabi ni Chloe. Nakikita kong naiinis si Matt.

"Diba ako katabi mo Abiagil?" Sasagutin ko na sana ng nagsalita nanaman yung bruha.

"Diba katabi mo si Andy, right Abigail?" Tapos binigyan nya ako ng death stare.

"Oo, Matt. Sorry,si Andy nalang." Tapos kitang kita ko yung saya ni Andy habang malungkot naman si Matt. Kahit ako, malungkot ehh. Pinilit lang kasi ako ehh.

Sumakay na kami sa bus at napansin kong masaya sina Matt at Chloe. Hayy, nakakainggit!

"Nagseselos ka noh?" Umoo na lang ako.

"Palit na lang kaya kami ni Matt. Hindi ka naman masaya ehh pag kasama ako." Ah! Ano daw? Nasaktan ko ata yung puso ni Andy. 

"Wag na please. Hayaan mo na lang sila magsama."

"Okay. Eto gusto mo makinig ng music?" Inabot nya sa akin yung earphones. Wow, nakikinig din pala si Andy ng ganitong mga music. Kpop! 

"Favorite mo yung twice?" Tanong ko sa kanya.

"Uhmm, pwede na. Cute lang kasi yung mga music nila."

"Ehh yung blackpink?" 

"Okay lang din." 

"EXO? BTS? Seventeen? Gusto mo rin?" Tanong ko bigla.

"Kung gusto mo, gusto ko din." Kyaa! Meron na din akong Kpop buddy.

"So ibig sabihin pag gusto ko si Matt, gusto morin sya?"

"No!" Nagulat ako.

"Ako, magkakagusto sa kanya? No way. Lalaki ako!" Bigla nalang akong tumawa. Ang saya talaga pagkasama si Andy. Ang sarap ng pakiramdam. 

"Okay class. Mahaba pa naman biyahe natin, mga 1-2 hours pa. Pwede muna kayo matulog." 

"Okay po maam." Sabi ng isang student. Hayy, makatulog na nga lang.

Andy's POV

Bigla nalang nya bingasak yung ulo nya sa balikat ko. Tiningnan ko sya at tulog na pala. 

"Hay, kung alam mo lang na mahal na mahal kita." Bulong ko sa sarili ko. 

" I like you, Abigail. Matagal na."Binulong ko ulit. Hindi naman nya yun maririnig ehh. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog ako. 

Zzzz.. Zz....Zzz...


Author's Note:

Who do you ship? Comment down below. Don't forget to vote and follow! 

What is True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon