Nathan on the Pic
Special Chapter
Hayley's POV
Ako nga pala si Hayley, 16 years old at bestfriend ni Abigail at Andy. Alam nyo, nung unang beses ko pa lang sila makita, nakahanap ako ng true friends. Noong bata pa kasi ako, wala akong kaibigan. Lahat sila plastic, tinatawag lang akong kaibigan kabag may kailangan sila. For months na kasama ko si Andy at Abigail, pinagshiship ko silang dalawa. As in, super cute nilang magkasama. Kahit na gwapo si Matt, yung school's rich kid or handsome kid, whatever, mas bagay pa din sina Andy at Abigail. Sana sila na lang magkatuluyan kaysa kay Matt. Pero, opinion ko lang naman yun, so readers, wag kayo magagalit sa akin. Kung ship nyo si Matt at Abigail, okay lang yun sa akin, basta Andy at Abigail ang bet ko! Hayy.. Pero kailan ko kaya mamemeet yung man of my dreams. Lord, please, sana ngayon, makilala ko sya.
Tiningnan ko yung relo ko at 7:50 na! Patay! Nakalimutan ko pala na magsisimula na yung 1st period.
Wala na! Late na ako! Late na ako sa school!
Nagmadali akong tumakbo sa hallway ng may nabangga akong lalaki. Dahil dun, nadapa ako. Panira talaga, ohh! Alam nang late na ako, dinapa pa ako.
"Aray!" Bulong ko sa sarili ko. Imbes na sumagaw ako ng 'Hoy!', magsosorry nalang ako dahil ayaw ko ng gulo.
"Kuya! Sorry!" Sabi ko naman. Pero pagtingin ko sa kanya, isang anghel ang nakita ko. Ang gwapo. Black hair, check! Maputi, check! Cute, check! May dimples, check! Lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki, nakita ko na! Kyaa! Nako Lord, thank you po! Talagang totoo ang mga prayers! Na-meet ko na yung man of my dreams ko!
"Are you okay?" Wow, pati boses, gentleman!
"Very O-okay!" Kyaa!! Nakakahiya. Pautal utal kong sabi.
"Here, let me help you stand up." Tapos tinulungan nya ako tumayo. Kyaa! Hinawakan nya yung kamay ko. Hindi ko na toh babasain kahit kailan. Lalagyan ko ng plastic yung kamay ko kung kailangan. I won't let anyone touch my hand again except him.
"Oh, no! You're bleeding." Ako, nagblebleed? Meron ba ako ngayon? Tiningnan ko agad yung palda ko pero wala namang dugo. Eto naman si Kuya ehh, nanloloko. Pero kahit nanloloko, cute pa din.
"Saan?"
"Sa tuhod mo. Here, use this." Tapos binigay nya sa akin yung panyo nya. Kyaaa!!! Yung puso ko tumatalon sa saya!!! Inamoy ko yung panyo, wow, ang bango!
"Thank you." Pagkatapos nun, tumunog na yung bell. NOOOO!!! Late na ako. Sinubukan ko tumakbo ng mabilis pero masakit ehh. Masakit sa tuhod. Maya maya, lumutang na ako sa sahig. Huh? Paano yun nangyari. Napatingin ako sa kabilang side ko at nakita ko, buhat buhat pala ako ni kuya. Yung cute guy na nabunggo ko kanina.Nako tadhana, ang bait mo talaga sa akin.
"Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako. Nakakahiya." Syiempre, wag mo ako ibaba. Kahit forever mo na akong buhatin! Pero sabi daw nila WALANG FOREVER. Edi wow! Pero hindi sya nakinig sa akin. Tumakbo sya parang si Flash, habang ako, sigaw ng sigaw. Nakakahiya, siguro nabingi na sya dahil sa akin.
"Papatayin mo ba ako? Ang bilis mo tumakbo ehh. Dinaig mo pa yung cheetah sa jungle." Pagkatapos nun, tumawa sya. His laugh is soo soo enchanted! Hindi ako makapagisip ng words. Bastayung smile nya, perfect!
"This is your classroom, right?" Huh? Ah, oo nga noh!
"Ahh, thank you ulit!" Pagkatapos nun, pumasok na ako sa classroom, napagalitan ng teacher dahil late. Hehehe! Okay lang yun, basta may nakalilala akong gwapo. Pero,nakalimutan kong tanungin yung pangalan nya. Hayy! Next time na lang siguro, my mysterious hero.
Nathan's POV
Ako nga pala si Nathan. New student sa WIllow Academy. Kung iisipin nyo, isa na akong pinakagwapo dito sa campus.
Dahil...
New school, new life, new AHH-
Nag iintro pa ako, meron akong nabunggo! Kainis naman ohh, first day na first day, merong bumunggo sa akin. Yung aking kagwapuhan nababawasan. Susugurin ko na sana yung bumungo sa akin pero ang ganda nya ehh.
"Aray!" Bulong nya. Shoot! Nakasakit ako ng babae. Lalong mababawasan ang aking pogi points, ehh!
"Kuya, sorry!" Humarap sya sa akin at isang malakas na hangin ang aking naramdaman. Lahat nag slow-mo. Ang ganda nya! Buti na lang nabunggo nya ako kasi pati puso ko natamaan sa kagandahan nya.
"Are you okay?" Syiempre, pang pogi points. Nakita ko sa mga mata nya ang saya ng makita ako. Pero bakit yung puso ko, ang bilis tumibok? Ito ba yung tinatawag nilang love at first sight?
"Very O-okay!" Kahit boses nya, parang anghel.
"Here, let me help you stand up." Tiningnan ko sya from head to toe at napansin ko dumudugo yung tuhod nya.
"You're bleeding." Natawa agad ako nang tiningnan nya yung falda nya.
"Saan?"
"Sa tuhod mo." Yung facial expression nya, nakakatawa ng makita nya na may sugat sya sa tuhod nya. The first time I met her, I liked her immediately. I just don't understand this feeling inside me. eto nga ba yung tinatawagt nilang true love?
Binigyan ko sya ng panyo nang tumunog na yung bell. For more pogi points, bridal style ang ginawa ko sa kanya. Pagkatapos nun, tumakbo ako, buhat buhat sya sa classroom. Hindi rin sya mabigat. Okay lang yung weight nya.
"Thank you ulit." Pumasok na sya sa classroom.
"Wai-" Sinara nya agad yung pintuan, rinig na rinig ko na pinapagalitan sya ng teacher. Napatawa na lang ako. She's the first girl that made me laugh as well.
Yun nga lang, nakalimutan ko tanungin yung pangalan nya. Sana magkitya ulit tayo, kahit sa lunch. I would be a stalker, just to see you everyday. Pero, next time na lang ulit, I guess, my first love. Papasok muna ako sa 1st period ko kasi late na late na ako. Hehehe.
BINABASA MO ANG
What is True Love?
Novela JuvenilWhat is true love? Yun ba yung Love at first sight or yung taong nagmamahal sayo na hindi mo lang alam? Yun ba yung taong na fall in love ka or yung nan diyan lang para sa iyo? Meet Abigail Garcia, a 16 year old girl na may pagkanerdy at tomboy. S...