Abigail's POV:
Binuksan kong paunti unti ang aking mga mata nang makita ko si Hayley, umiiyak.
"Bakit ka umiiyak dyan?"
"Sorry, bes. Dapat hindi kita iniwan sa loob ng haunted room magisa." Niyayakap nya ako habang sinasabi nya yun.
"Ha? Ok lang yun. Wag ka nga umiyak dyan, wala kang kasalanan. Dahil nga nalock ako sa loob, linigtas ako ni Matt, tapos niyakap ko pa sya!" Bigla ko na lang sinabi.
Pinunasan nya agad yung mga luha nya at biglang tumawa."Puro ka Matt! Mas nag alala nga sayo si Andy, ehh. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka maliligtas ni Matt." Talaga, nagaalala sa akin si Andy?
"Syiempre, bestfriend ko yun, ehh. Dapat magalala sya."
"Pero sa totoo lang, mas nagalala sayo si Andy kaysa kay Matt. Kung hindi pa sya nagreact, hindi magaalala si Matt sayo. Halos magkasama nga sina Chloe at Matt, ehh." Nang marinig ko iyon, nalungkot ako. Yung dibdib ko, sumakit, parang may kumukurot. Tapos ramdam ko yung galit ko kay Chloe.
"Ikaw, Hayley, kung ano ano pinagsasabi mo dyan. Tumahimik ka na nga lang. Mamaya marinig pa tayo nila Matt at Andy." Rinoll pa nya yung mga mata nya sa akin. Wala pang limang sigundo, merong lalaki na pumasok sa kwarto namin.
"Speaking of the devil.... Nandito na pala si Matt." Pagkarinig ko sa pangalan ni Matt, nagblush agad ako nang todo. Meron pa syng dalang bulaklak at teddy bear.
"For you." Nagblush ulit ako. Siguro mukha na akong kamatis dito.
"Thank you." Sabi ko naman.
"Oh sige. Maiwan ko muna kayong dalawa diyan, ha." Umoo na lang kami.
"Ano nga pala ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit, ayaw mo ba akong makita?" Hindi na lang ako nagsalita.
"You know, you're cute when blushing." Tinakpan ko agad yung mukha ko. Nakakahiya!
"Ako? Nagblublush?" Bigla nyang linapit yung kanyang mukha sa mukha ko. Siguro mga 3 o kaya 2 inches ang layo namin. Pinikit ko na lang yung mga mata ko pero bigla ko na lang sya narinig tumawa.
"Sa tingin mo hahalikan kita? No way!" Dahil dun pinalo ko sya nang unan. Hinampas ko sa kanya yun, siguro 100 times.
"Aray! Ang sakit! Bakit mo ako pinapalo?"
"Sa tingin mo naman gusto kita halikan, pangit! Pumikit lang naman ako kasi... Kasi.." Wala akong masabi. Kailangan ko ng palusot. "Kasi yung breathe mo, ang baho! Kumain ka ba ng isda? Dapat nagsipilyo ka naman o kaya magmumog!" Bigla nyang inamoy yung breathe nya at tumawa.
"Whatever you say, kitty." Kitty? Kitty ang tawag sa akin ni Matt?
"Anong kitty? Ang pangalan ko ay Abigail, hindi kitty."
"Bakit ka nagrereklamo dyan? Ikaw lang ang tinawag kong ganun."
"Ahh, so ang tingin mo sa akin ay isang pusa. So ang tatawagin ko sayo doggy, okay." Biglang nanlaki yung mata nya.
"What? No! Sa gwapo kong toh, doggy ang itatawag mo sa akin?"
"Yep!"
"Ugh! Fine, my cupcake." Cupcake? Cupcake naman ang tawag nya sa akin? Hayy naku. Pero lahat ng itawag nya sa akin, cute.
"Uhmm, nakita mo nga pala si Andy?" Natanong ko bigla.
"Bakit mo naman hahanapin si Andy kung nandito naman ako?" I just rolled my eyes and stayed silent.
"Nandoon, natutulog na sa camp."Nawala yung ngiti nya sa labi nya.
"Ahh." Yun na lang sinabi ko. Nagkaroon kami nang awkward silence hanggang tumingin ako sa orasan.
"Ah, ano na pala, 9:30 na. Kailangan na natin matulog. Bibisitahin pa ng mga teachers each room."
"Ah right. I need to go now. Sleep na, ok." Lalalakad na sana sya paalis nang tawagin ko ang pangalan nya.
"Wait! Thank you nga pala kanina sa pagligtas mo sa akin dun sa haunted room."
"You're welcome, my cupcake." Tapos lumabas na sya. Ako naman dito, hindi makatulog sa kilig at saya.
Matt's POV
Pagkalabas ko ng camp room nya, nakangiti lang ako. Hindi ko mapigilan yung pagngiti ko. I've never felt this happiness again. This girl makes my life amazing, special and unique and I think I am starting to fall for her. But of course, everything feels like a game and a joke for me. Di ba nga guys, sinasabi ko na ginagamit ko lang sya para mapaselos ko sya kay Chloe.
Pero, bakit ganun, mas nagkakaroon na ako ng interest kay Abigail kaysa kay Chloe? Bakit parang mas masayang kasama si Abigail kaysa kay Chloe. Bakit ko natatawag na Cupcake and Kitty si Abigail, pero si Chloe hindi? Bakit parang mas gusto ko pa ulit halikan si Abigail kaysa kay Chloe? Ito na ba yung tinatawag nilang love? Hayy! My head is confused. Even my heart is confused. Pati na rin yung digestive system ko confused. Baka talaga gutom na ako.
Abigail's POV
The Next Day.....
"Ok, students. Today we're playing several field games. We will divide you into 4 groups. Dahil 40 students ang nandito sa trip, each team would have 10 groupmates. There would be also certain leaders in this group. Just pick a number and that would be your group number. Then, you guys will pick a rock. A student that would pick a black rock would become the leader. Is that good? "
"Yes maam!" Sabi namin lahat. Dumaan na yung teacher sa isa't isang student at bumunot sila ng number. Nabunot ko ay number 1. Tiningan
"Ano number mo, Hayley?"
"Uhmm, 602-53.."
"Hindi, ibig kong sabihin ko team number mo. Ako number 1, ikaw?"
"Ahh! Number 3. Ano ba yan, beh, hindi tayo magkagrupo."
"Oo nga ehh... Sige, punta na ako sa group ko. Bye, Hayley!"
"Bye, bes."
Pumunta ako sa group ko at laking gulat ko ka-team ko sina Nathan at si Andy. Buti na lang hindi ko kagroup si Chloe.
"Hi!" Sabi ko.
"Hi, Abigail." Sabi ni Nathan. Sayang, hindi ko kagrupo si Matt.
"Uhmm, hi Andy!" Tumungo lang sya. HUH? Anong nangyari kay Andy? Bakit ang tahimik nya? Parang may bago sa kanya. Pagkatapos nun, hindi na nya ako pinapansin.
"Ok, students. Are you ready to pick a rock?"
"Yes, maam." Lumapit nanaman yung mga teacher sa amin at bumunot kami ng mga bato.
"Don't look at the rocks, student. Pagbilang ko ng tatlo, open your palms. One, Two, Three. Nasa akin ang itim na bato. Patay! Ayoko pa naman maging leader. I mean, I got the skills (joke) pero ayoko maging leader. Ayoko nga maging president ng United States eh.
"Ok sa team 1, sino ang leader?" Tanong ng teacher. Itataas ko na sana yung kamay ko nang.....
"Ako po!" Kinuha sa akin ni Andy yung bato at nagpalit kami.
"Thank you." Bulong ko pero tumungo lang sya. Hindi ito yung Andy na kilala ko.
"Ok, sa group 2, sino leader?" Tinanong nanaman ng teacher.
"Ako po." Sabi ni Matt. Nang marinig ko yung pangalan ni Matt, nakita ko si Andy, galit na galit. Mukhang magiging nakakatakot itong araw na ito. Gulp.
Author's Note
Sorry po kung ngayon lang po nakapagupdate. Finals po kasi namin last week at nagkasakit po ako. Thank you po. Merry Christmas and Happy Holidays.
Who do you ship? Comment down below. Don't also forget to vote at follow. Bye:)
BINABASA MO ANG
What is True Love?
Teen FictionWhat is true love? Yun ba yung Love at first sight or yung taong nagmamahal sayo na hindi mo lang alam? Yun ba yung taong na fall in love ka or yung nan diyan lang para sa iyo? Meet Abigail Garcia, a 16 year old girl na may pagkanerdy at tomboy. S...