Abigail's POV
Isang oras at mahigit na kami dito sa classroom, naglilinis. Sa totoo lang, kami lang ni Hayley yung naglilinis, yung Chloe na yun at yung kanyang mga kaibigan nya, nakaupo lang. Tapos, sila pa yung nagagalit kung bakit kami matagal. Reklamo lang sila ng reklamo.
"Tutulong ba kayo o hindi? Wala kayong ginawa dyan kung hindi magreklamo, ehh." Sinabi ko dahil iritang irita na ako sa kanila.
"Shut up, ugly. I don't want my hands to get dirty."
"Arte, arte. akala mo naman kung sinong maganda." Bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka?"
"Ako? Ano sa tingin mo?"
"Meron!"
"O, alam mo naman pala na may sinasabi ako, magtatanong ka pa."
"Ugh!" Pagkatapos nun, kinuha na lang nila yung mga phones nila at nakinig sa music. Habang kami ni Hayley, nagtawanan.
"Uhmm, Abigail. Tapos na ako maglinis. Mauna na ako, ha. Magbabanyo pa kasi ako, ehh."
"Okay. Matatapos na rin kasi ako, ehh."
Chloe's POV
Hello sa inyong lahat. Ako nga pala ang pinakamaganda at pinakagorgeous na babae na makikilala nyo. My name is Chloe and I hope you'll like me. Sa totoo lang, isa akong nerd, pero as time pass by, naging boyfriend ko si Andy. Pumayag lang naman akong maging girlfriend nya kasi gustong gusto ko si Matt. Hindi ko na lang namalayan na nagkakagusto na rin ako kay Andy. Pero naging close din kami ni Matt nang nagbago ako. From nerd to popular. Kaya nun, nakipagbreak ako kay Andy at naging boyfriend ko si Matt. Pero ng nakita ako ni Matt na nakikipaghalikan sa isang lalaki, nagbreak na kami. Ginawa ko lang naman yun kasi may bayad ehh. Tapos nang hinalikan nya si Abigail, galit na galit na ako kay Abigail. I just wanted to ruin her. Ding! I have an idea. We'll gonna leave her here and lock this room. Bahala syang mahimatay sa ghosts room na ito.
"Girls, I have a plan. Let's leave this room silently and leave Abigail here. Also, we'll gonna lock this room and turn off the power of this room. Kahit ilang beses nya buksan yung ilaw, hindi nya magagawa." Tumawa na kami at ginawa yung plano.
"Guys! Wait lang. Saan kayo pupunta?" Tinanong ni Abigail. Ugh! This girl is ruining our plans.
"We're going to the bathroom. Really quick. Parang kasi may nakain kaming expired na chocolate ehh." Bigla tuloy syang tumawa.
"Okay!" Binilisan namin yung paglabas na kwarto at sabay naming linock yung pintuan. Pagkatapos nun pinatay bukas namin yung ilaw para mas maganda. Kasi nga diba, haunted room.
Abigail's POV
Biglang silang tumakbo paalis. Yan kasi ang napapala kapag kain ka ng kain ng chocolate. Pero, napansin ko na biglang tumahimik. Tumingin ako sa paligid ko at ako na nga lang pala yung tao dito sa kwarto. Tumakbo agad ako sa pintuan pero nakalock.
"Chloe, tulong! Hayley!" Pinipilit kong buksan yung pinto pero nakalock. Nilock kaya nito nila Chloe o kaya yung multo. Oo nga pala, may multo nga dito. Mga ilang sigundo pa, nagsipatay bukas yung ilaw. Hindi ako takot masyado sa multo pero takot ako sa dilim. Hindi ko alam, pero meron akong fear of dark. Hindi ko na namamalayan na umiiyak na ako sa takot. Dahil madilim pa at iniimagine ko pang may multo na lumalapit sa akin, bigla na lang ako nagblack out.
Andy's POV
"Oh, Hayley. Nandito ka na!" Sabi ni Nathan. Sa totoo lang inlove na inlove si Nathan kay Hayley. Nung wala sya kanina, puro kwento nya si Hayley, Hayley, Hayley.
"Wait, nasaan na si Abigail?" Tanong ko.
"Uhmm, nandoon pa sa kwarto. Kasama nya sila Chloe." Kasama nya sila Chloe? Patay! Alam kong may binabalak na masama iyon. Mga ilang minuto pa, nakita ko na sina Chloe, papunta sa amin.
"Chloe, where's Abigail?" Tanong ni Matt.
"Uhmm, I don't know."
"Anong I don't know? Nasaan sya?" Sigaw kong bigla.
"Sabi nya daw, mauna na daw kami." Ahh. Okay, akala ko kung anong nangyari. Pero tiningnan ko si Chloe at nakita ko na parang may mali. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin sya. Lagpas seven na ng gabi pero wala pa rin sya.
"Hayley, bakit wala pa rin si Abigail?" Tanong ko.
"Oo nga, noh. Hindi kaya may ginawang masama sina Chloe sa kanya?" Eto na nga ba ang sinasabi ko. Daling dali ako tumakbo paalis nang pigilan ako ni Matt.
"Wait, where are you going?"
"Si Abigail." Sabi ko na lang ng mabilis.
"I'll come with you."
"No need. Dito ka na lang sa tabi ko. Who cares about Abigail? She might be in that room, alone. Teka, kasama nga pala nya yung mga ghosts." Sabi naman ni Chloe.
"Alam mo kung nasaan si Abigail?" Sumigaw si Matt.
"Uhmm, hin-"
"Sabihin mo yung totoo. Anong ginawa mo kay Abigail!" Sigaw muli ni Matt. Napansin kong napaiyak si Chloe.
"Li-linock namin sya sa kwarto. Ta-tapos pinatay namin yung ilaw." Naalala ko na sinabi ni Abigail na may fear of dark daw sya. Nung bata daw kasi sya, nagtaguan sila ng mga kaibigan nya, at nagtago sya sa isang madilim na kwarto. Pero ilang oras na lumipas, gumabi na at nagkaroon na sya ng fear of dark. Sa tingin ko ngayon, umiiyak na sya sa takot.
"Alam mo bang meron syang fear of dark? Kapag may nangyaring masama sa kanya, ikaw ang mananagot!" Sinigawan ko na rin si Chloe.
"Hayley, sabihin mo sa teacher kung anong nangyari kay Abigail. Kami na bahala ni Matt kay Abigail." Dali dali kaming tumakbo hanggang nakita na anmin yung haunted room.
"Abigail! Abigail!" Katok namin sa pintuan hanggang may narinig kaming iyak.
"Matt! Andy! Tulong! Ayoko na dito! Natatakot ako!"
"Wag kang magalala, nandito ako." Sabi ni Matt. Dapat ako ang magsasabi nun, ehh. Binuksan na namin yung pintuan at nakita ko si Abigail, umiiyak, takot na takot. Sumakit lang agad yung dib dib ko nang yakapin nya si Matt.
"Okay ka lang?" Tanong ni Matt nang halikan nya sa noo si Abigail. Dapat ako yun ehh. Ilang minuto pa at dumating na yung teacher.
"What happened here!?"
"Uhmm, ask Chloe." Pagkatapos nun, kinausap kami ng teacher.
"Dahil sa nangyari, we will separate you girls. I will let Abigail rest for a while. Dahil gabi na rin, mag bobonfire tayo. Ikaw naman Chloe, you canot join any activities until tomorrow. Is that clear? At kung gusto magbantay kay Abigail, pwede rin yun."
"Can I do it?" Sabay naming tanong sa teacher.
"Mas nauna ako sayo. Ako ang magbabantay." Sabi ko.
"Hindi! Mas gwapo ako sayo! Ako ang magbabantay kay Abigail. Plus, mas gusto ako ni Abigail." Sabi naman ni Matt. Akala mo naman gwapo, mas cute naman ako kaysa sayo!
"Baka dahil sa kagwapuhan mo, mahimatay ulit si Abigail at mas lumalala yung sitwasyon. Dapat ako na lang!" sabi ko nanaman.
"Hayy! Tumigil nga kayo! Ako na lang magbabantay kasi babae ako. Plus, kaibigan ko pa sya. Kaya, boys, shoo!" Sabi ni Hayley. Dahil dun, si Hayley nagbantay.
Hayy... Nakakainis naman. Pero itong tatandaan nyo. Mas gwapo ako at cute pa kaysa kay Matt.
Author's Note:
Who do you ship? Comment down below. Don't forget to vote, comment and follow. If you follow me, I'll follow you back. Byee!!
BINABASA MO ANG
What is True Love?
Ficção AdolescenteWhat is true love? Yun ba yung Love at first sight or yung taong nagmamahal sayo na hindi mo lang alam? Yun ba yung taong na fall in love ka or yung nan diyan lang para sa iyo? Meet Abigail Garcia, a 16 year old girl na may pagkanerdy at tomboy. S...