Chapter 4
Abigail's POV
Pumunta na kaming lahat sa basketball court at biglang nagsalita yung coach.
"Students, today, you will play basketball. I will divide you into two groups. Each group would have at least 10 members" Sinulat ni teacher kung sino ang group 1 at group 2.
Group 1: Group 2:
Hayley Matt
Andy Chloe
Abigail Avery
Miguel Andrew
James Julian
Etc. Etc.
Hay, sayang, di ko kagrupo si Matt, pero atleast, kagrupo ko si Andy at Hayley. Si Chloe, kagrupo nya si Matt! Arghh!
"Ah, oo nga pala, Hayley, meet Andy. Andy, meet Hayley." Tapos yun, nag shake hands sila. Ayiee, bagay silang dalawa. Tapos hinipan na ni coach yung kanyang whistle.
"Okay, go to your own groups and after 2 minutes we will start the game." So yun nagplano na kami kung paano namin kakalabanin yung group 2. After 2 minutes, nagsimula na yung game. Tinapon yung bola sa hangin at nasalo ni Andy! Go Andy, ang galing mo! Pinasa- pasa nila yung mga bola hanggang napunta sa akin. Dahil magaling ako magshoot, nakapag 3 points kami. Whoo! Nag high five kaming lahat at napansin kong nakatingin sa akin si Matt, na nakangiti, habang si Chloe nakasimangot.
"Ang galing mo naman, Abigail." Sabi sa akin ni Andy.
After 10 mins of playing, 15 points na kami habang yung pangalawang grupo ay 12 points. Ganoon ulit yung nangyari pero naagaw sa akin ni Matt yung bola nung pinasa sa akin Andy. Pagkatapos ay nag three points din sila. Kainis! Patas na ang labanan. Pinasa ulit sa akin yung bola at naka 3 points ulit kami. After 10 mins ulit, 27 points kami habang sila ay 29. Oo, nakabawi sila. 2 minutes na lang at matatapos na yung laro. Nag time out muna kami at sinabi ko sa kanila na ako na bahala.
Naglaro na ulit kami at ganun din yung nangyari. Pinasa, pasa yung bola hanggang makarating na sa amin. 10 seconds remaining. Hinagis ko na yung bola sa ring ngunit tinulak ako ni Chloe. Aghh! Bumagsak ako sa sahig at narinig kong tumunog yung aking buto. Yung paa ko, sobrang sakit. Ito ba yung tinatawag nilang sprain? Hinipan ni teacher yung whistle at sinabing nanalo ang group....... 1. Panalo kami! Yes!! Tatayo na sana ako, ngunit ako'y bumagsak ulit. Ang sakit ng paa ko. Lalapit na sana sa akin si Andy nang buhatin ako ni Matt ng bridal style. Ang aking mukha, ramdam kong namumula.
"Matt! Where are you going? Don't leave us here! Matt!" Sabi naman ni Chloe.
"I'm taking her to the clinic because of what you've done. We will talk later." Tapos dinala ako ni Matt doon sa clinic.
"Are you ok?" Tanong sa akin ni Matt.
"Ahh, oo. Thank you." Inayos na nung nurse yung aking paa at sabi magrest na lang daw ako. Pero ako ito nagpumipilit na papasok pa ako sa class kaya ayun, inalalayan ako ni Matt.
"Ikaw, pasaway ka pa ehh. Dapat nagrest ka na lang doon sa clinic." Sabi sa akin ni Matt.
"Wow, ganun, concerned ka pala sa akin ehh."
"Ako? Concerned sa taong katulad mo? No way. Sana dun ka na lang sa clinic para wala akong maingay na katabi." Ahh ganun pala ahh. Binitawan ko yung kamay nya at tumalikod papuntang clinic ulit.
"Hoy, saan ka pupunta?"
"Sa clinic. Sabi mo ayaw mo akong makita at masakit pa rin yung paa ko." Lumakad na akong palayo ng hinatak ni Matt yung kamay ko.
"Eto naman niloloko lang ehh." Bigla tuloy akong napangiti.
"Ah, pwede ba magtanong?"
"Nagtatanong ka na nga, ehh." Wow, philosopo pa to'.
"Hehe,gusto ko lang tanungin kung girlfriend mo ba si Chloe." Ahhh! Bakit yun yung tinanong ko. Nakakahiya.
"Si Chloe? Yep, she's my girlfriend.Bakit, selos ka?"
"Ako, selos? No way. May nagtatanong lang sa akin kung may girlfriend ka na daw." Ang galing kong magpalusot. "Ahh." Yun lang yung sinabi nya.
Pagkatapos ng klase ay umuwi na ako. Sinundo na ako ni ma at pagkatapos ay nagrest na lang ako sa kama. Nang ako'y natulog na ay napaginipan ko si Matt, sinabing gusto nya rin ako. Ayieee! Pati ba naman sa pagtulog, si Matt pa din ang nakikita ko?
BINABASA MO ANG
What is True Love?
JugendliteraturWhat is true love? Yun ba yung Love at first sight or yung taong nagmamahal sayo na hindi mo lang alam? Yun ba yung taong na fall in love ka or yung nan diyan lang para sa iyo? Meet Abigail Garcia, a 16 year old girl na may pagkanerdy at tomboy. S...