chapter 9 ( a chance encounter)

27 1 0
                                        

episode 9 ( a chance encounter )

Mickey's turn

Andito na kami sa aming pakay, hmm teka bakit di gumagalaw itong babae na to. Aba nakapikit at nakahawak pa sa damit 

ko. Inuga ko yung likod ko para magising siya. Ang resulta success nagising nga siya. " ahhh hmmm.. Bakit nakatingin ka 

sakin?" sabi niya. "spell ASA, bumaba ka na nga diyan andito na tayo" sagot ko. bastos lang, wala nang patawad kesa sa 

mga babaeng katulad niya. Hiningi ko na sa kanya yung script namin sa play, para maumpisahan na.

"OH my prince, OH my prince I can't be with you anymore... " sinabi nea habang naglalakad. Hindi niya na malayan na 

may parating sa likod niya isang scooter. Agad ko siyang hinablot at na pa higa habang hawak ko siya. Nagkatinginan 

kami for a moment. Ang strange?? bakit pamilyar ang mukha nung babaeng ito at ngayon ko lang napansin. "ay ano ba 

yan, kuya talaga... hahaha  sa susunod busina ha may BUSINA" sabi niya habang ng wewave sa papalayong scooter. 

Natulala lang ako , dahil napapaisip ako kung sino ang kamukha niya..

Denise Turn

napaka clumsy ko talaga , di ko na pansin yun. Salamat at nakuha niya ako. nakaka awkward yung tinginan moment namin 

bakit kaya titig na titig yun, may dumi kaya sa mukha ko??. agad naman akong nagpunas ng mukha. "ah gutom ka na ba ?? 

kaen tayo dyan sa may mamihan, masarap yung pagkain dun." sabi ko na lang. tumayo naman siya kaagad at pumunta na 

kami dun. 

habang nasa mamihan ... napakatahimik nameng dalawa..

sinimulan ko nang magtanong. "hmm ok ka na ba talaga?? kasi mukhang kailangan mo pa magstay sa hospital" sabi ko. wala 

siyang paki alam, kaen lang ng kaen. bigla ko na lang nasabi " bakit di ka kasi lumaban , ang duwag mo" sinabi ko na lang 

bigla. habang kumakain nagsalita siya "ahmm.. wala ka kasing.." uminom ng tubig "ano ?? ikaw ikaw ang nagligtas sakin??" 

 sabi niya. "di ko naman sinasadya na makita kita sa ganung sitwasyon ee, kesa naman pabayaan kita dun na duguan" sabi 

ko.  "pasensya kna at na abala pa kitta" sabi na lang niya.  " anu ba kasi atraso mo dun ?? tsaka anu nangyari sa inyo ng 

girlfriend mo??" pag uusisa kong tanung. Hindi siya sumagot, at lumabas na  ng mamihan.

"halika na baka abutan pa tayo ng ulan" sabi niya. mabilis naman akong lumabas at sinuot yung helmet na inabot niya. di 

pa kami nakakalayo sa mamihan ay biglang umulan. Sumilong kami sa isang tindahang sarado kasi may shed dun.. Mukhang 

magpapalipas kami ng ulan dito. 

"minahal ko siya , higit pa sa iba" sabi bigla ni mickey. napatingin ako kay mickey. "alam mo sinabi ko sa sarili ko sana  di 

ko siya nakilala. sana di ko na siya minahal para hindi ako nasasaktan ng ganito." sabi pa niya. mangiyak iyak niyang sabi.

Ako naman hindi ko alam sasabihen ko.  pinag masdan na lang namen ang pagbagsak na ulan  hanggang sa nasabi ko na 

lang. " magpasalamat ka at dumating siya, hindi mo alam kung anong aral ang ipinahatid niya sayo." sabi ko na lang tapos 

kinuha ko yung mp3 na nakuha ko sa locker na hanggang nagyon ay mystery pa din ang story kung kanino galing tapos 

inalok ko sa kanya yung isa ng ear phone. 

napatahimik kaming dalawa at nagpadala sa kantang naririnig namin. " salamat , pasensya ulit ha na babakla ako haha " 

sabi niya. "baliw pag umiiyak ang lalaki bakla na kaagad natural lang yun, salamat din kasi  nagopen ka sakin. " sabi ko 

na lang sa kanya. Biglang tumila ang ulan at hinatid niya ako sa bahay namin. Sana ganito lagi ang mood niya para lagi 

kaing magkasundo. 

Pumasok na ako sa bahay, naghahanda na si papa ng dinner panu mga 8pm na kami nakauwi. "oh anak?? kumaen kana ba 

??" sabi ni papa habang tinatanagal yung apron niya. " mami lang po, pero kakain po ako, .. waw .. curry" sabi ko habang 

sinilip yung ulam. nagsimula na akong kumaen tapos kumaen na din si papa. "anak alam mo ba parang nakita ko yung dati 

mong childhood bestfrend. si .. sii ?? nakalimutan ko na yung pangalan." sabi ni papa , napakamot sa ulo niya. "natulungan ko pa nga siya makatakas kanina sa hospital nung balak ko dalawin  yung uncle mo. "naku papa di ba nga nagpakalayo layo na yun at balita pumunta sila sa amerika impossible na andito siya niyo , baka ka namali ka lang ng tingin" sabi ko na lang habang nageenjoy kumaen. ang dami ko tuloy naiisip,Andito kaya siya hinahanap niya kaya ako o naaalala?? 

From me to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon