episode 14
Mickey's turn
Dinala ko na sa bahay nila si Kyle, "naku mickey maraming salamat. ngayong mga nakaraang araw madalas napapaaway tong si Kyle." sabi ng mama niya habang hinihimas ang ulo niya. "sinabi niya po ba ang dahilan kung bakit siya napapaaway ng ganito?? ang sagot ko. Nagbuntong hininga si tita, at inaya ako sa salas nila.
Pumunta kami sa sofa at dun na naikwento ni tita ang madalas na paglalasing ni Kyle.
"Hindi ko alam sa batang yan nagaalala talaga ako, hindi ko din siya mapigilan." malungkot na sinabi ni tita.
"Simula nung naghiwalay kayo, madalas na siyang nagiging ganya" dagdag niya.
Nagulat ako at biglang, hinawakan ni tita ang aking kamay.
"mickey, nakakhiya man pero hihingi ako sayo nang pabor,"
"pwede bang, balikan mo si Kyle.?? mahal mo pa siya di ba"
Wala na akong nagawa kundi, yakapin si tita at I comfort siya. Madamen tanong sa isip ko, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
Denise turn
Nakauwi na din sa wakas, dirediretso ako sa kwarto ko. Naligo at nagpalit nang damit, tapos lumapit sa laptop ko.
SURF.. SURF… SURF…
Wala namang magawa, kaya pinatay ko na ang laptop. Napahiga na lang ako sa kama, tinitignan ang cellphone baka magtxt si Mickey eh. Ano kaya nangyari dun?? I text ko kaya?? Tawagan??
“Hayy ano ba yan , grabe na to!!”
Nagpagulong gulong ako sa kama, hanggang na padapa na ako sa kama. Biglang tumunog yung cellphone ko.
1 message receive
From: mike J
Denise, pasensya kana hindi kita nasabayan kanina,
Bukas na lang ulit ha, pahinga kana J
Good night.
Nakangiti lang ako, nireplayan ko na din siya.
To: mike J
Ok lang yun, may next time pa naman eeh
Pahinga ka na din, good night. J
Pagkatapos nang maigsing, pag uusap natulog na din kami. Nilapag ko ang cellphone ko sa table, at pinatay ang ilaw.
“What a day ;) ” sabi ko na lng
Cecil’s turn
Another morning na naman, kay aga kong pumasok. Habang naglalakad ako papuntang classroom, bigla akong napatingin sa announcement board.
“Ms. Denise Sisson”
Aba bakit ang laki nang pangalan niya dito. Tinuloy ko ang pagbasa sa nakapaskil na announcement.
“you are … choosen to be .. the .. school representative for… THE EXCHANGE STUDENT EVENT???”
Waah !! good news to kay niz. Mapupuntahan na niya yung gusto niya and I’m happy for her. Naku ano kaya magiging reaction nun !! excited na ako (manager??)
Denise Turn
Naku, 6:30 na naman napasarap ata ang tulog ko!! Kaasar. Agad akong bumangon, naligo, nagbihis at nagmadaling kumaen.
“papa, kinuha ko na po yung tinapay dito, aalis na po ako late na po me.” Mabilis ko sabi
Nagsuot na ako ng sapatos , pagkalabas ko nang bahay, may isang kotse na naka parking sa tapat nang bahay naming. Nagulat ako, binaba niya yung salamin nang kotse.
“good morning!! Tara na ma lelate na tayo J “
Aba si mickey?? Marunong din pala siya magdrive? Sumakay na ako.
“naku late na tayo, Dalian natin” sabi ko
“oo cge, eto binilhan kita nang bread tsaka hot chocolate J, kainin muna habang nagbyabyahe tayo. “ sabi niya
“eh .. ikaw ?? ito oh hati tayo” alok ko sa kanya
“sige kumaen na ako, busog na ako Makita lang kita J ”
Hindi na ako nahiya, dahil gutom na gutom talaga ako. Ang bilis nang byahe namen, saktong magsisimula yung flag ceremony namin.
“sige na mauna kana ipapark ko pa tong sasakyan ko eh, see you later.”
“sige, bilisan mo ha.”
Agad naman akong pumasok sa loob. Nakapunta na ako sa pila namin, napansin ko na tumitingin yung mga kaklase ko sa akin. Ang sama nang tingin, kala mo mangangain ng buhay. Hanggang sa natapos ang ceremony, tinitignan pa rin nila ako. Lumapit ako kay cecil, para magtanong kung bakit ganun makatingin yung mga schoolmate ko.
“cess, bakit sila tingin nang tingin sa akin?? Ano bang meron??” sabi ko sa kanya
“Naku, malalaman mo din mamaya. J” sagot niya
Pati ba naman tong si cecil?? Damay na din sa syndrome nang madla. Habang napapaisip ako sa mga nang yayaring kakaiba ngayong araw na to. Umakyat na kami sa classroom, Nang biglang pumasok si Principal Del.
“excuse me , Ms. Deniss Sison pwede ka bang makausap??” sabi niya
Lumabas naman ako kaagad, hindi maipinta ang mukha. Ano ba kasing nangyayari???
“ Ms. Sisson , CONGRATULATIONS!! Ikaw ang napili nga committee bilang exchange student !”
Ang malungkot kong mukha, unti unting napapalitan ng saya. Talaga !! hindi ako makapaniwala.;))))))
“seryoso po ba kayo??” tanong ko ulit kay principal del.
“mukha ba akong nagbibiro iha?” sagot niya
“waah !!! maraming salamat po !!!”
“ karapatdapat ka lang, anyways bukas paki dala yung mga papels mo para maihanda ang ticket at passport mo ok, because the other day will be your flight, they want you to be there.”
Wala na akong masabi kundi SALAMAT. Naku hindi na mapigilan ang mga ngiti ko ;)) Ito siguro ang dahilan kung bakit ako tinignan nang mga schoolmate ko. Bumalik na ako sa classroom , attentive ako dahil nakareceive ako nang magandang balita. Hanggang nag lunch break hindi natanggal ang mga ngiti ko.
Mickey’s turn
Nakapila na ako sa section namin ni Denise, napansin kong tinignan siya nang mga schoolmate namen. Ano naman kayang problema? Natapos na din ang ceremony, Pumunta na kami sa classroom. Bago ito magumpisa, biglang pumasok si Principal Del at Pina excuse sandal si Denise.
Medyo matagal silang nagusap sa labas. Nagaalala ako kung ano ang problema sa kanya. Kaya naman nagtanong na ako sa bestfriend niya.
“ cecil, bakit pinatawag ni principal si denise??” tanong ko
“oo nga pala late kayo, siya kasi ang napili sa exchange student . Kaya naman ganun makatingin ang lahat sa kanya.” Sagot niya
Nagulat ako sa sinabi niya, kaya pala ganun sila kanina. Napatingin ako sa kanya, kanina ang lungkot nang mukha , nagyon hindi na maitago ang kasiyahan. Masaya ako para sa kanya, pero ayokong mawalay siya sa akin. L