chapter 12 (childhood memories)

30 0 1
                                    

episode 12  (childhood memories)

Mickey's turn

 Asan ako?? bakit my mga  benda nanaman ako. Oo nga pala niligtas ko yung babaeng yun at nawalan ako ng malay pagkatapos ko siyang ihatid sa bahay niya. Nang may marinig akong ingay na naghaharutan. Nainis ako kaya 

nagsalita na ako "bakit ang ingay niyo.. Tsk aray." sabi ko na lang. nagulat sila sa akin at napatigil sa habulan nila. "oh.. sorry ha gising ka na pala.." sabi ni denise.

 Lumapit sila sakin "ok ka na ba iho?? kumain  ka ng prutas oh." sabi nung matanda. Kamukha niya si Uncle fred, siya yung asawa ng bestfriend ni mama. Naging magalang naman ako "salamat po.. at pasensya po sa abala." 

sabi ko na lang. Kumain na ako at umalis si denise para kumuha ng maiinum. 

"iho, ano bang pangalan mo??" tanung ng daddy ni denise. "ako nga po pala si Mickey .. Mickey Maniego..".  Nanlaki yung mata niya at niyakap niya ako. "mike, ikaw na ba talaga yan?? ang laki laki mo na !! kamusta ka na" 

sabi niya. " uncle fred??" niyakap niya ulit ako. Dumating na si Denise dala ang inumin, napatingin lang siya samin dalawa ni uncle fred. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at tinawag si ang attensiyon ni Denise. 

"Anak, sabi ko sayo, andito siya" sabi ni uncle. 

Ang tanga ko bakit, hindi ko siya namukaan. ibang iba kasi siya date, i mean physical. Pagkakatanda ko mataba siya at wala halos na kaibigan. Simula nung nagkahiwalay kami nung bata pa kami, hindi ko na alam ang nangyari 

sa kanya. "anak iwan ko muna kayo ha may gagawin lang ako sa kwarto" sabi ni uncle.

 Inilagay na ni denise yung inumin sa lamesa at umupo. Ano ba yan walang nagsasalita sa amin kaya sinimulan ko na. " ahm,  kamusta ka na .. " yun na lang nasabi ko. " nakatingin lang siya sa akin. "akala ko hindi ka na 

babalik." sabi niya. 

Bigla siyang umiyak na parang bata, may uhog pa nga ata ee tapos ni yakap ko siya. "nahirap ako nung wala ka, wala nang nagtatanggol sa akin bakit ka ba pumunta ng amerika." sabi niya. Ang totoo hindi kami umalis nang 

bansa, dahil gusto lang niya mailayo kaming dalawa ni denise, ayaw ni papa sa pamilya niya dahil sa alitaan nila ni uncle fred. Pumayag na din si mama, alangalng sa pamillya ni denise para hindi na sila guluhin nito. 

12 years na akming hindi nagkikita nito ni denise at sa totoo lang mis na mis ko na siya. " tama na nga wag ka na umiyak, andito na ako no." inangat ko ang ulo niya tapos pinahid ang mga luha niya. Sana nakita ko na siya nung 

una pa, simula nung nakilala ko si Kyle sa kanya niya umikot ang mundo ko, di ko namalayan na nasa paligid ko lang siya.  Hindi parin ako makapaniwala kung panu kami pinag tagpo ng tadhana..

Denise Turn

Ano siya si mike?? imposible payatot yun ee tapos magiging ganito kapogi?? "nahirap ako nung wala ka, wala nang nagtatanggol sa akin bakit ka ba pumunta ng amerika."  sabi ko sa kanya. Inangat niya ang ulo ko para 

mapunasan ang mga luha ko at nagsimula na siyang magkwento sa kanyang karanasan , pati ang kuya niya. "naaalala mo yung laro naten na power ranger?? yung ako yung kontrabida tapos tinatalo mo ako lagi" tumawa siya at 

nagsabi din "oo kawa ako sayo ee , sa bahay bahayan ako daw ba ang gawin ASO??" sabi niya. Walang tigil sa katatawa hanggang sa  hindi namen namalayan kakawentuhan namen alas onse na pala ng gabi. " ui 11 pm na , 

uwi ka na hindi ko napansin yung oras." sabi ko. "puede dito matulog ?? " sabi niya. 

Nginitian ko siya, tapos pinisil yung ilong niya "hIIIINNNNDDDII umuwi ka na, baka hinahanap kana ni uncle." sabi ko. pumayag naman siya nagpaalam na din siya kay papa ko "magiingat ka ha, naku mike balik ka ulit dito 

ha! lagi kang welcome." sabi ni  papa.

 Ako ang naghatid sa kanya palabas. "mag ingat ka pauwi ha, kaya mu na ba ??" tanung ko sa kanya. "oo ako pa galos lang to, bukas nga pala sabay tayo pumasok, susunduin kita dito sabihen mo kay uncle. "oo sige na :) " 

sabi ko. mgumiti siya in reply tapos umalis na. wahh !! grabe yung minamahal ko bestfriend ko !!! :) ang cute niya talaga mag smile.

Mr. Jhonny maniego's turn

Simula nang Bumalik ako dito sa pinas , Madalas ko nang pinapasundan si mickey, gusto malaman ang mga kilos at galaw niya. "Sir galing po siya sa isang party, napaaway  at inihatid and isang babae" sabi ng tauhan ko. 

"sino naman ang babaeng iyon ?? "  sabi ko.  Sinabi niya ang buong detalye, nalaman ko na nalaman na ni mickey ang lugar ni alfred. Kailangan kong pigilan ang pagiging malapit ni mickey sa pamilyang iyon.

 Bumukas ang gate, pumasok ang isang motor. "sa tingin ko siya na yun " agad ko siyang sinalubong sa sala pero tinignan lang niya ako at dumiretso sa hagdanan papunta sa kwarto niya. "ano yang mga galos mo sa katawan at 

san ka galing." sabi ko. 

Naglalakad pa rin siya "wala ka nang pakialam kung san ako nagpunta." sabi niya. "bastos ka talagang bata ka wala ka nang respeto sakin, ama mo pa rin ako." napatigil siya at nagsalita. "talaga?? eh ikaw naging ama ka ba 

para sakin??" sabi niya. Na nahimik ako dahil alam ko na kasalanan ko kung bakit siya nagkaganyan. 

"nagyong alam mo na kung saan sila nakatira. anong balak mong gawen.??". napatigil ulit siya sa pag akyat "wala ka nang paki alam sa mga balak ko, at isa pa wag mu silang papakialaman." sabi niya. Dumiretso na siya sa 

kwarto niya. Balang araw maiintindihan din niya ang ginagawa kong ito ay para sa kanya. Kailangan ko na siyang bantayan nang maige at baka maloko siya nang mga iyon.

Mickey's turn

Nagpalit na ako nang damit at pumwesto na sa kama. napaisip ako sa puwedeng gawin ni papa sa pamilya ni denise. Hindi ako papayag na galawin niya sila. may kumatok bigla sa pintuan ng kwarto ko. "anak, uminom ka muna 

nitong gamot, pampatanggal ng sakit sa katawan." mukhang si yaya mimi to. "sige po pasok po kayo" pumasok naman. Iniabot yung gamot  "anak, mukhang napapadalas ang away mo ha??" sabi niya. 

Kung alam lang ni yaya ang pinagdadaanan ko, hindi ko na din napigilan at nasabi ko sa kanya ang lahat nangyari. "talaga nakita mo na si denise?? mabuti naman alam ba to nang papa mo??" sabi ni yaya. "opo, kaya 

babantayan niya mga kilos ko lagi. hindi ako papayag na lapitan ni papa ang pamilya ni denise." sabi ko na lang.

 "nagaalala ako sayo anak, magiingat ka pa din ha" sabi ni yaya. Hindi ko malaman kung bakit ganun na lang ang galit ni papa sa pamilya nila. ipinapangako ko na proprotektahan ko sila, sa abot nang akin makakaya.

From me to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon