Chapter 1

121 9 0
                                    

Si Shawn Theo po yung nasa multimedia

-
Chin's POV

Sunday ngayon kaya nagpasya ako na pumunta ng mall, tinawagan ko rin ang dalawa kong kaibigan para may kasama naman ako pero sa kasamaang palad may mga gagawin daw sila kaya solo flight ang peg ko ngayon!

Nagpaalam lang ako sa mga kapatid ko na magmamall lang ako kaya pumayag din naman sila...

Pagdating ko sa mall naglibot libot lang ako at nang mapagod ako ay dumiretso ako nang DQ gusto ko kasi kumain ngayon ng ice cream cookies n cream flavor,
Pagkabili ko agad ko yon nilantakan, ang sarap talaga!☺

Nagpasya naman akong manood ng sine nang maubos ko yung ice cream na binili ko

Maya maya pa ...

Sa kalagitnaan ng palabas bigla akong may narinig na boses na nagsalita mula sa likod ko

"Babe ang ganda nong palabas noh?"rinig kong sabi nung babae sa likod ko

"Sus! Mas maganda ka dyan babe!"napakunot ako ng noo ng marinig ko ang boses ng lalaki, napakapamilyar kasi!

Dahan dahan kong nilingon yung mag jowa at tinignan yung lalaki....

Sa kainitan ng panahon naka jacket pa sya? Naka cap na nakahood pa?!

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng bigat sa dibdib , nasobrahan ata ako sa ice cream kanina kaya ganito ang pakiramdam ko ngayon

Tumayo na ako para lumabas pero bago ako lumabas sinulyapan ko muna yong magjowa bago tuluyang lumabas hayst!

Kung nandito lang sana si Shawn hindi ako mag iisa ngayon.....

Pagkauwi ko ng bahay nakita ko sila kuya Calvin at Kuya Chad na naglalaro ng chess. Tss!

"Nandito nako!!!"sigaw ko napatigil na man
sila sa ginagawa nilang paglalaro " Nasan si Kuya Clein?"tanong ko sakanila

"Nasa kusina nagluluto-"

"At mas inuna nyo pa ang paglalaro nyan kaysa sa tulungan si Kuya clein!"sigaw ko  ulit sakanila, napailing nalang ako nang makita kong halos magtulakan sila pumunta sa kusina hayst!

"Rae Chin!!! Kakain na tayo!"rinig kong sigaw sakin ni Kuya chad mula sa labas, nandito na kasi ako sa kwarto gumagawa ng homework ko!

Bumaba na ako para makakain na rin ako

"Kuya natanggap ka ba sa in apply an mo?"biglang tanong ni Kuya Clein kay Kuya Chad, napakunot naman ako ng noo at napatingin kay Kuya Chad na napatingin run sakin

"Bakit Kuya? Wala kana bang trabaho? Bat nag aapply ka sa iba?!" Kunot noong tanong ko kay kuya Chad

"Hindi Chin! Ano kasi.. Uhm! ...Nag apply ako ng trabaho sa Korea"

"Korea????!!!"gulat na tanong ko na napatayo pa sa gulat "Kuya naman! Maayos na ang trabaho mo dito diba?"sabi ko sakanya napayuko nalang sya " Tyaka bat sa ibang bansa pa?"

"Sorry Chin"yon lang ang nasabi nya, tinignan ko sya ng blankong tingin at ibinagsak sa plato ko yung kutsarang hawak ko

"Excuse me!"paalam ko sakanila at umakyat sa kwarto ko

"Chin!"rinig ko pang tawag sakin ni Kuya Chad, pero diko na sila nilingon pa

Nilock ko ang pinto ng ko pagkapasok ko sa kwarto gusto ko lang mapag isa

Ang unfair nya! Sabi nya sakin di nya ako iiwan tapos ngayon malalaman ko nalang aalis sya, nakakainis ka talaga Kuya!

Ayaw ko lang naman umalis si Kuya Chad dahil sya ang pinakaclose ko, sya rin ang nakakausap ko kapag may problema ako pag may problema kami ni Shawn sya lang sya lang talaga ang nalalabasan ko ng sama ng loob sa tatlo kong mga kapatid, nakakausap ko rin naman sila minsan pero iba parin kapag kay Kuya Chad, kaya pano na ngayon kapag umalis na sya...

HOLD ME TIGHT (On-Going)Where stories live. Discover now