Chin's POV
Pasukan na bukas at kaylangan ko nang ihanda ang sarili ko sa panibago kong buhay sa bagong University na papasukan ko, nakakapagpanibago man dahil hindi ko na kasama si Shawn sa pagpasok pero wala na akong pakialam, tss. Kahit alam kong meron parin akong nararamdaman kay Shawn hindi ko na iyon papansinin dahil ako lang masasaktan sa huli.
Si Kuya Clein ang nag enroll saakin dahil tinamad na akong pumunta sa University kinabukasan non, tyaka kasalanan nya naman yon. Napadali naman ang pag enroll nya saakin dahil nga Engineer student sya at mukhang mga close nya ang mga prof nang University, matalino daw kasi sya tyaka gwapo. Ang hangin diba?
Nag online ako sa Skype at nakita kong online din si Chellan kaya agad ko syang tinawagan na agad nya ring sinagot,
"Chinnnn!!! Oh my god! I miss you na" bungad saakin ni Ell, napangiti naman ako
Mas lalo syang gumanda at kulot na kulot na rin ang buhok nyang brown mas lalong kuminis ang balat nya na kulay gatas, nakakaganda ba talaga ang ibang bansa?
"God! Chin you look so fabulous..." Napairap ako sakanya
"Weh? Ikaw nga eh, napakaganda muna. Talaga palang nakakaganda ang pag iibang bansa. Haha"
"Hahaha hindi 'no! Sadya lang talagang inspire hehe"
"Oh my god? Kayo na ni James??!" Tanong ko, bigla naman nawala ang ngiti nya at napangiwi
"Hindi Chin...ano kaba! Talagang nakakapit na sa katawan nya ang salitang playboy tyaka naka Move on na ako sakanya he's not worth it to wait para magbago, gwapo lang sya hindi sya diyos. Jusko! Hahaha" natawa naman ako sakanya
"Buti naman at natauhan kana rin na wala ka talaga don pag asa, tyaka napakaganda mo kaya, maraming magkakandarapa sayo Ell, hindi sya kawalan tyaka sya ang magdudusa dahil hindi ka nya pinansin"
"Hay, sana nga. Pero don't worry Chin.. may bago na ako at mas gwapo sya Hahaha, pero anyways ikaw musta naman? Nakamove on na?"
Napabuntong hininga ako at napasinghap, naka Move on na ba ako? Ewan? Aish!
"Ewan ko, pero may nakilala ako..."
Kinwento ko kay Ell ang tungkol kay Sheen kung pano kami nagkilala at ang mga pang iinis nya saakin yong 'date' namin kuno at yung pag amin ko sakanya, wala naman halaga kung maglilihim pa ako diba? She's my bestfriend nor best buddies kaya hindi ko na kaylangan na magsinungaling, gulat na gulat naman sya sa mga kinwento ko at nanlaki pa ang mata nya
"Oh my god! Chin....You're inlove!!!"kumpirma nya, napailing nalang ako pareho talaga sila ni Gwen kong umasta kaya gusto ko rin yong isang yon eh
"Sa ganon ka bilis?" taas kilay kong tanong
"May ganyan talaga Chin....kahit na brokenhearted ka pa kung talagang titibok ang puso mo titibok yan, tyaka Chin nasa process ka nang pag momove on kaya hindi talaga malabo. You're Inlove!! Si Rae Chin Park ay inlove nanaman, hahahaha" napailing naman akl
"Ewan ko sayo, hindi ko pa sya mahal 'no, this is just infatuation. Tyaka inlove pa ako kay Shawn kahit sabihin pa nilang sinaktan ako nang gagong iyon!!"
"Sabagay, pero hindi malabong lumalim yang pag kagusto mo sakanya kapag nagkita ulit kayo tyaka nagkasama"
"Hays Ell, I wish hindi na ulit kami magkikita dahil masyadong na akong maraming kahihiyan ang napakita sakanya. Ayoko nang dagdagan pa.."
Pagkatapos nang usapin namin na yon ni Chellan ay nagpaalam na kami sa isa't isa at sana maka pag usap ulit pag may oras, napag usapan rin namin si Joyrgina na nasa USA na pala at busy busy-han sa pagkuha nang Law, ang babaeng iyon talaga hindi man lang saamin nagpaalam.
YOU ARE READING
HOLD ME TIGHT (On-Going)
Teen FictionRae Chin Park, mabait, maganda at mabuting anak. Sinaktan nang kanyang first love nang husto pero nang dumating ang Shriek nang buhay nya ay nagbago na ang lahat. Pero pano kung malaman nya ginamit lang para sa isang revenge nang mas lubos lubos na...