Chin's POV
Isang linggo, isang linggo nalang 2 years na kami ni Shawn at isang linggo na ring hindi sya nagpaparamdam sakin, medyo kinakabahan narin ako sa mga nangyayari samin hindi ko alam wala naman kaming pinag awayan na dalawa
Tumawag na ako sa mommy nya pero hindi nya daw alam kong san sya pumupunta lagi daw umaalis sa mansyon nila, ugh! I feel so frustrate right now!
Kapag pumupunta ako ng bahay nila laging wala sya at di ko sya palagi nadadatnan kung sakaling maaga man ako pumunta don hindi ko naman sya naaabutan, gusto ko man pumunta don ng gabi, hindi ko magawa dahil kay Kuya Clein na ayaw na ayaw kay Shawn! Hays!
Tatlong araw na rin akong hindi pumapasok dahil nag aalala ako kay Shawn pero ngayon papasok nako dahil tatlong lalaki na salubong na salubong ang mga kilay ang bumungad sakin kanina pagising ko kaya napilitan akong pumasok ngayon kahit ayoko dahil gusto kong makausap talaga si Shawn
Pagkapasok ko ng room madaming pares na mata ang bumungad sakin agad
"Oy Chin balita ko hinahanap mo si Shawn?" tanong sakin nung isa kung kaklase na lalaki "Nakita ko kasi sya kahapon sa pinagpa-part timan kong restaurant may kasamang babae kapatid nya ba yon?" napasinghap ako sa narinig ko, wala akong naaalala na may kapatid syang babae, lalaki! Lalaki ang kapatid nya na hanggang ngayon hindi ko parin nakikilala nasa ibang bansa daw kasi kasama ang Dad nya"Narinig ko rin nung lumapit ako na don uli sila magkikita" dagdag nya pa, humarap ako sakanya, mahina lang ang pagkakasabi nya non na tama lang na kaming dalawa lang makakarinig
"Saang restaurant yun?!" mahinang tanong ko sakanya
"A-ah sa Four Season Restaurant-" pagkasabi nya nung restaurant agad akong tumalikod sakanya at pumunta don sa nasabing restaurant
Hindi ko alam ang nagyayari sa loob loob ko nakakaramdam ako ng kaba, kaba na baka may iba na si Shawn pero hindi, hindi ko dapat iniisipan ng ganito si Shawn ng ganito dahil nangako ako kay Shawn na ano mang mangyari magtitiwala ako sakanya ugh!
Pagkarating ko sa mismong restaurant agad akong pumasok, pagkapasok ko palang ng sliding door ng restaurant tanaw ko agad ang dalawang tao na sadya ko, napahakbang ako nang makita kong masaya silang nag uusap,
Gusto kong umatras dahil natatakot ako sa dapat kong malaman at sa katotohan na malalaman ko pero nandito na ako wala nang atrasan to!
Lumapit ako sakanila "Shawn!" tawag ko sa boyfriend ko, ang kaninang masaya nilang pag uusap ay napalitan ng gulat dahan dahang humarap sakin si Shawn tinignan ko yung babae, maganda, mukhang mahinhin at mabait, makinis, sexy at kahit di sya tumayo ay alam kong matangkad rin sya
"C-chin?"gulat na gulat na sabi ni Shawn sakin
"Mas pinili mo pang hindi pumasok para makipagkita lang sa ibang babae huh?"nanginginig na ako pero nilalakasan ko ang loob ko dahil ano mang oras alam kong babagsak ako dito,
Tinignan ko ulit yung babae at tumingin kay Shawn nang nakangiti
"I know now! Alam ko na ngayon! Excuse me! Sorry if I disturbed!"
Agad akong tumalikod sakanila pagkasabi ko nun, nang makalabas ako nang restaurant agad na nagbagsakan ang mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan
"Chin!"rinig ko tawag sakin ni Shawn pero agad akong nagpara ng taxi at sumakay don
Pagkasakay ko don na umagos ng umagos ang mga luha ko hindi ko na napigilan ang pagsigaw ko
"Aaaaarrrggghhh!! Manloloko ka!"sigaw ko
"Miss okay ka lang ba?"tanong sakin nung driver nang taxi, tinignan ko sya mga kasing edad ko palang ata sya dahil mukhang bata palang ang itsura nya
"Nakikita mo na ngang umiiyak ako nagtatanong kapa?!"pilosopong sabi ko sakanya
"Eh malay ko po bang umiiyak ka dahil napuling ka lang!"pilosopo ring sagot nya
"Wag mo na nga akong kausapin badtrip na nga ako babadtripin mo pa ako lalo!"ngumiti naman sya sakin at kumuha sya ng tissue don sa lalagyanan at inabot sakin
"Magpunas ka ng luha miss ampanget mo na nga mas pumanget kapa! Hays!"pang aasar nya sakin, lumabi ako sakanya
"Close na ba tayo para asarin mo na ako ng ganyan?! Tss!"inis na sabi ko sakanya ngumiti lang uli sya, nakakainis na talaga sya kanina pa sya ngiti ng ngiti
"Hindi naman! Ang gwapo ko naman masyado para asarin ka na isang panget lang hahahaha!"sabi nya at tumawa ng pagkalakas lakas! Ugh!
Buti nalang nandito nako sa babaan ko kaya nagpara na ako agad nya naman itinigil ang sasakyan, kumuha ako ng pera at itinapon ko sakanya
"Makakaganti rin ako sayo! Bwisitt!!!!"sigaw ko sakanya pagkababa ko ng taxi
"Sige miss paghahandaan ko hahahaha" natatawa nya namang pinaandar ulit ang taxi ugh! Kumaway pa sya nang nangaasar iniripan ko nalang sya! Bwisit na lalaki yon! Kapag nakita ko ulit sya humanda talaga sya sakin! Buti nalang talaga dahil may problema akong dinaramdam ngayon kaya diko sya mapapatulan hays!
Pumasok na ako sa bahay namin nadatnan ko naman sa sala sila Kuya Clein, Chad, at Calvin na seryusong nag uusap, kumatok ako sa pinto para ipahiwatig na nandito na ako pagkatapos nun ay dumiretso na ako ng lakad papuntang kwarto ko pero agad akong natigil nang magsalita si Kuya Clein
"Akala ko ba nasa school ka?!"napalunok ako sa tanong nya "Diba sinabi na namin sayo na itigil mo na ang paghahanap sa walang kwenta mong boyfriend! Masasaktan ka lang Rae Chin!!!!"seryusong sabi ni Kuya Clein, napayuko ako dahil tumulo nanaman ang mga luha sa mga mata ko
Ilang minuto rin ang walang nagsalita Hindi ko alam kong san ako magsisimulang magsabi sa kanila nang nararamdaman ko
Maya maya pa....
"Sorry!"yung ang unang salita ang lumabas sa bibig ko, nag angat ako ng tingin sa kanila na may luha parin sa mukha nakita kong nagulat sila at unti unting napalitan ng pag alala"I'm so sorry Kuya!" sabi ko at nanakbo papunta kay Kuya Clein para yumakap"I'm sorry sana nakinig ako sainyo!"humahagulgol nang iyak na sabi
"Its okay Chin!"pag aalo sakin nila Kuya
-
Pagkatapos kong ikwento sakanila ang lahat nang nangyari ay lahat sila gustong sumugod Kay Shawn at banatan buti nalang napigilan ko
Nang mapagusapan uli namin iyon sa hapag kainan ay sandamakmak na pangaral ang nakuha ko hays!
Naalala ko naman yung nangyari kanina kung pano sya makipag ngiti don sa kasama nyang babae! Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko nagawang ipaglaban si Shawn, girlfriend nya ako, ako ang mas may karapatan, aaarrghhh! Pero anong panama ko don sa ganda non at sa kasexyhan?! Napailing nalang ako!
Sa kalagitnaan ng pagmumuni ko bigla naman may nagdoorbell! Sosyal! Haha
"Ako na!"prisinta ni Kuya Calvin at agad na nagtungo papuntang pinto
"Kuya please I want to talk Chin she needs my explanation!"rinig na rinig kong sabi ni Shawn sa labas
"Lumayas kana dito bago pa kita mabugbog!!! Alisss!!!"rinig kong sigaw ni Kuya Calvin sa labas
Agad akong tumayo at nanakbo papuntang kwarto ko at inilock yon narinig kong kumatok sila kuya sa labas pero di ko na sila pinagbuksan
Ayaw ko muna nang kausap! Gusto kong mapagisa at ayaw ko munang makaharap ang mukha nang lalaking may gawa sakin nitong sakit sa puso ko kahit na marinig pa ang Boses nya ayaw ko, lahat hang nakakonekta sa kanya ayaw ko munang makita, naramdaman ko nalang Hindi na maawat ang mga luha ko sa pag bagsak hays! Please lang tumigil naman kayo oh! Snacks muna kayo! tss!
Maya maya pa ipinikit ko na ang mga mata ko at nakaramdam ng antok
-
Author's Note
Hi guys! I hope nagustuhan niyo hikhik
Sorry maikli ang update inaantok na kasi si aleng ako! Haha!Sorry din sa mga error!
Kamsa!
YOU ARE READING
HOLD ME TIGHT (On-Going)
Teen FictionRae Chin Park, mabait, maganda at mabuting anak. Sinaktan nang kanyang first love nang husto pero nang dumating ang Shriek nang buhay nya ay nagbago na ang lahat. Pero pano kung malaman nya ginamit lang para sa isang revenge nang mas lubos lubos na...