Chapter 16

55 3 0
                                    

Chin's POV

Nakaabot kami ng airport na hindi ko nakikita si Sheen, hindi ko alam pero nalulungkot ako, nalulungkot ako na kahit sa huli naming pagkikita Hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos tyaka nakapagpasalamat na rin dahil sa mga oras na pagcomfort nya sakin kahit na puro asaran lang ang binigay nya sakin, tss!

Gusto ko sana syang makausap kaso ang sabi sakin nung FA ng hotel nag check out na daw sya, ganon na ba talaga nya kaayaw sakin kaya nag check out agad sya, kung ayaw nya sakin, edi ayaw ko na rin sakanya! Whatever! Tyaka gusto ko palang naman sya hindi ko pa sya mahal!

--

Nang makalapag na ang eroplano na sinasakyan namin, naalimpungatan na rin ako, hindi ko pala namalayan na nakatulog na ako sa biyahe

"Rae Chin, are you hungry?" tinignan ko si Kuya, at umiling parang wala akong ganang kumain o gumalaw

Iniisip ko parin yung shreck na yon, bat ba kasi di man lang sya nag paalam sakin? Porket ba nag confess ako sakanya, akala ko tinuring man lang nya akong kaibigan kahit na parang aso't pusa kami kung magbangayan sana naman kahit di nya ako tinuring na kaibigan man lang nagpaalam man lang sya, psh! Kainis ha! Kakatampo sya!

Nang makarating kami ni kuya sa waiting area, nakita namin don si Kuya Clein,Aria, Kuya Chad at ate Ellie, buti pa sila stay strong, psh! Edi sila na, haha bitter ako eh! Tinignan ko naman si Kuya Calvin at nakangiti nanaman na nakatingin sa phone nya, magsimula nung bumalik yan mula Palawan hindi na mabitawan ang phone nyan tyaka laging nakangiti habang hawak ang phone, pano kasi nililigawan na daw yung nakilala nya sa Palawan na si Steffany, minsan na nga lang akong kausapin ng magaling kong Kuya, akala ko sya yung makakausap ko ng matino dito dahil kaming  dalawa nalang ang single dito pero wala? Iniwan nya rin ako sa ere! Huhu kawawa talaga ako!

"Hi Chin" bati sakin ni ate Ellie pakalapit, bumeso naman ako sakanya

"Hello ate, kamusta? May pasalubong ako sayo dito!" Sabi ko sakanya, niyakap nya naman ako sa tuwa

"OM, really?! Nag abala kapa, but thankyou Chin" tumango namn ako kay ate Ell, napatingin ako kay Aria na nakangiting nakatingin sakin, nginitian ko sya

"Hi Aria, nice too see you again" ngiting bati ko sakanya, hindi ko alam pero parang nailang ako sakanya, I don't know why! Ang weird sa feeling,

"Hi Chin" pormal na bati nya rin sakin,

Binalingan ko naman si Kuya Chad na nakatingin kay Kuya Calvin napansin na rin siguro ang pagkawerdo kay Kuya Calvin dahil kanina pa nangiti sa cellphone nya,

"Hi Kuya? Ano? Hindi moko kakamustahin matapos nyo kaming pauwiin agad?" agad na nabaling sakin ang atensyon ni Kuya Chad pero si Kuya Clein ang sumagot sakin 

"Ano ka ba naman Rae Chin, kaya nga namin kayo pinauwi agad kasi miss na miss na namin kayo eh, tyaka parang gumanda ang bunso namin? Parang ang blooming mo? May nakilala ka ba don ha?" napailing ako nalang ako sa sagot ni Kuya Clein at sa mga pambobola nya,

"Oo marami, sabi sakin ni Bryant" agad akong napalingon kay Kuya Calvin ng sabihin nya iyon

"What? Kuya nag usap kayo? Kelan? Bat di mo sinabi sakin?" Sunod sunod na tanong ko, pero imbis na sagutin nagsimula na syang maglakad at tumingin nanaman sa cellphone nya "Nakakainis ka Kuya!!" Sigaw ko sakanya

Susundan ko nasana sya ng pigilan ako ng dalawang unggoy kung kapatid,

"Hep hep! San ka pupunta?"

"Kay Kuya Calvin obvious ba? Padaanin nyo ko Kuya kylangan kong makausap ang unggoy na yon!" Pero dakilang makulit talaga sila,

"Sagutin mo muna kami, sino yung Bryant na yon? Ha? Ano yon? Bago mong boyfriend?" Inirapan ko silang dalawa dahil sa kulit nila, narinig ko pang tumawa yung girlfriend nila, huhu pinagkakaisahan nila ako

"He's not my boyfriend Kuya! Tyaka sa kulit non at sa lakas mang asar hindi ko sya magugustuhan noh! Asa sya! Padaanin nyo na kasi ako!" I lied, ayaw ko naman sabihin sakanila na binasted ako ng lalaking yon, kahit papano may pride panaman ako, ubos na nga ako kay Shawn! Uubusin ko naman sa sarili ko sa Shreck na yon, no way!

"Okay..........dami mong sinabi" tinignan ko si Kuya Clein ng masama ng sabihin nya yon "Tayo na nga, nakakatakot na ngayon ang bunso namin hahaha" kinuha naman nya ang maleta ko at inakbayan si Aria na tahimik lang, nawewerdohan talaga ako sakanya,

Sinabayan naman ako ni ate Ell maglakad dahil kinuha na rin ni Kuya Chad yung iba pang maleta ko,

"Ate Ell...." Napatingin sya sakin

"Oh? Bakit?"

"Nakakausap mo ba si Aria?"

"Aria?.......ah sya! Hindi eh! Napaka ilap nya samin ni Kuya Chad mo, napakamahiyain palaging nakasunod kay Kuya Clein mo parang ayaw nyang makipagkausap samin gusto nya si Clein lang kausap nya!" Napatango ako naman ako "Bakit pala?"

"Wala naman, napansin ko rin kasi na di sya masyadong pala salita, tyaka parang antaray ng aura nya ano ate, haha" natawa rin si ate sa sinabi ko,

"Pero alam mo Chin, nung umalis kayo ni Calvin nakikita ko sya sa school nila ni Clein don sa Thomson na palaging may kausap na lalaki, nakita ko na sya non eh! Wait iisipin ko lang" pumorma si ate Ell na parang nag iisip, pero wala naman syang isip,hahaha charr! "Naalala ko na!" Nagulat naman ako sa sigaw nya

"Sino ate?"

"Yung nakita kong naghihintay sa labas ng bahay nyo Chin, nung nagpunta diba ako sainyo" inisip ko naman agad yon, at napagatanto kung si Shawn yung sinasabi ni ate Ell

"Si Shawn?"marahan naman syang tumango

"I don't know, but ang naalala ko nung sinabi ni Clein na 'kahit papano naranasan rin nyang mapaghintay'" confirm si Shawn nga iyon

"Eh? Bat naman sila mag uusap magkakilala ba sila?"

"Yan rin ang Hindi ko rin alam Chin, Lets go na Chin, tayo nalang ang hinihintay oh!"

Napaisip ako sa mga sinabi ni Ate Ellie, ano ang koneksyon nilang dalawa? Bat sila mag uusap? Wala naman akong naalala na kilala ni Shawn si Aria, hindi ko lang alam kong malihim sakin si Shawn sakin non, well I don't care na rin naman, kahit may relasyon pa sila wag lang nyang lolokohin ang Kuya ko dahil kakalbuhin ko sila pareho ni Shawn, pati na rin yung Hazel na yon! Magsama sama sila hmp!

Pagdating namin ng bahay agad akong dumiretso ng kwarto ko para makapagpahinga,

"Hay! I miss this room!"

Pagkahiga ko, inisip ko nanaman yung mga nalaman ko kanina, pilit kung iniisip kung magkaano ano ba talaga si Aria at Shawn Malabo nman kasing magshota sila kasi nandyan si Hazel hindi yon papayag na may karibal sya kay Shawn,

Hays bahala nga sila! Paki ko ba saknila, si Kuya Clein lang naman ang inaalala ko dito eh, wag lang talagang lokohin ni Aria si Kuya Clein pagsisihan nyang nabuhay pa sya dito sa mundo,

Hindi naman sa ayaw ko kay Aria, feeling ko kasi nasa loob ang kulo nya, hindi lang talaga pinapakita! Pero magiging mabait parin ako kay Aria walang halong kaplastikan hehe,

Dapat kong kilalanin si Aria,
Operation:Getting to know with Aria!
Whahahahhhahaha!!!!!

______
Note: Sorry if matagal akong hindi makakaupdate dito. Meron po kasi akong ginagawa and vacation time, you know sorry po talaga, but I promise mag uupdate ako ngayon month ng May pipilitin ko ang utak ko na makapag update matatagalan kasi babasahin ko ulit sya dahil nakalimutan ko na yung flow ng story! Thankyou

HOLD ME TIGHT (On-Going)Where stories live. Discover now