This is only one update. SORRY sa mga naghintay lalo na kay Bhabie Esperanza, na talagang hinihintay ang update dito. hehe ito na po yong hinihintay mong update. Basahin mo rin yon ibang story ko ha. Hahaha
Thankyou bebe.
_____
Chin's POV
Nagpunta kami nila kuya sa isang resort dito sa Bicol, yes bicol dahil sinuggest daw ni Ate Aria kay Kuya Clein. Sabi nya maganda daw and napatunayan ko naman dahil nga maganda talaga dito sa Sorsogon, aangal pa nga sana ako dahil masyadong malayo kaso pinairal ni kuya ang pagiging panganay nya saakin. Ang unfair diba? Pero di bale babawi nalang ako ng ganti sakanya.
Mula nung nagbreak kami ni Shawn Lucas na hayop hindi nako masyado nakapag aliwaliw dahil sa kakasenti. Naalala ko nanaman tuloy yong mga oras na iniiyakan ko sya, napangiwi nalang ako dapat talaga hindi sya iniiyakan wala kaya syang kwentang lalaki.
"Chin... Let's go ligo na tayo?" Napatingin ako sa may pinto nang marinig ko ang boses ni Ate El.
"Sige Ate, susunod ako" tumango naman sya saakin at lumabas na.
Inayos ko muna ang mga gamit ko dahil 3 days and 2 nights kami dito. Pagkalabas ko ng kubo na tinutuluyan namin ay agad kong namataan ang mga kapatid kong nagtatampisaw sa dagat na akala mo mga bata. Ang ews diba? Ang Arte ba? Ganyan ang nangyayari kapag nababasted. Hahaha naalala ko nanaman tuloy si Shreck. Yong bwisit na yon!
"Chin dito!!!!" Inirapan ko si Kuya Clein nang sumigaw sya.
Lumapit ako kay Aria na nasa pampang lang.
"Hi"ngumiti naman sya saakin "Bat di ka pa naliligo?"
"Eh...mamaya na marami pa naman oras para maligo" tumango naman ako sakanya
Gusto kong itanong kong kilala nya ba si Shawn or what kaso kinakabahan ako sa isasagot nya kaya wag nalang.
"Ah Aria....san ka pala nag aaral?"
Tinignan nya ako ng nagtataka pero ngumiti parin naman sya saakin.
"Hindi ba sayo nasabi ni Clein?"
"Hindi eh, tyaka ngayon lang ako nagtanong" tumango sya saakin at pinagmasdan si Kuya Clein na naliligo na rin
"Dati nag aaral ako sa isang Elite school, Academy ba! Pero nung nakilala ko Kuya mo lumipat ako ng Thompson University para lagi kaming magkasama"
Tinignan ko sya habang nagsasalita hindi ko makitang nagsisinungaling sya, pero hindi ko maalis ang pagdududa.
"Uh...diba alam mo yon school ngayon?"
"Oo bakit?" takang tanong nya, iniwas ko ang paningin ko ng tumingin sya saakin
"Meron ka bang kakilala don?"
Halatang nagulat sya sa tanong ko dahil napalunok at konting nanlaki ang mata nya .
"A-Ah...H-Hind---imean w-wala, bakit mo natanong?" Umiling lang ako at ngumiti "Masyado ka atang nacu-curious saakin Chin"
"Hindi naman, gusto ko lang talagang makilala ang mga malalapit sa mga kapatid ko, kahit na si Ate Ellie ginanito ko rin" kahit hindi " Tignan mo close na close na kami ni Ate Ellie"
Hindi ko tinatanong si Ate Ellie dahil kusa syang nagkekwento ng tungkol sa sarili nya, yon ang totoo.
Alam kong medyo nailang sya saakin dahil sa pagtatanong ko pero wala akong pakialam, gusto kong malaman kung anong tinatago nya at baka meron syang masamang motibo kay Kuya Clein.
Kinagabihan sama sama kaming kumain sa isang buffet sa hotel napakunot ako ng noo ng mapansin ko si Kuya Calvin.
"Kuya gusto mo itapon ko ang cellphone mo sa dagat para kumain ka?!! Kanina kapa nasa harap kaya tayo ng pagkain kung hindi mo nakikita?!!" sarkastikong sabi ko at inirapan sya
"Hahaha ang highblood ng bunso namin porket wala ng boyfriend hahaha"
"Ha-ha-ha shut up kuya kong ayaw mo ipalamon ko sayo 'tong buong alimango na nakalatag dito!"
"Hehe, ikaw naman di mabiro..."lumapit naman sya kay Kuya Calvin na kumakain na "Calvin anong pinakain dito nila mama sa Cebu at naging masungit?"bulong ni kuya Clein pero rinig ko naman, nagkibit balikat si kuya Calvin ako naman napairap
"Rae Chin, Pinapatanong pala ni mama kong anong kukunin mo sa College?" napabaling naman ako kay Kuya Chad
"Oo nga Chin? Tyaka san ka mag aaral?" Sabi naman ni Ate Ellie
"I think same ng sainyo, sa Thompson tyaka alam na yon ni Kuya Calvin"
"Mag e-Engineer ka?" Gulat na napatingin saakin si Kuya Clein kaya tinaasan ko sya ng kilay
"Oo. Bakit? May angal ka?!"
"Nagtatanong lang eh."
"So? Last decision mo na iyan? Enrollment na nextweek"
Tumango ako sakanila at nagpatuloy sa pagkain, pero maya maya pa..
"Gusto mo talaga Kuya Calvin ipalamon ko sayo yang cellphone mo?!!!!" nagulat naman sya sa pagsigaw ko sakanya kaya dali dali nyang tinago ang cellphone nya.
"Relax sis. Napakahighblood mo!" Tinignan ko nang matalim si Kuya Clein
"Tss. Porket binasted ni Bryant, dinadamay ako sa problema nya."
Nangunot ang noo ko sa bulong nya, tinignan ko si Kuya Chad na nakatingin na saakin nang nagtatanong buti nalang at hindi narinig ni Kuya Clein, Ate Ellie at Aria. Bwisit na lalaking 'to!
"Shut up Kuya!" Sabay sipa ko sa paa nya dahil nasa harap ko sya.
"Aw!! Ano ba Rae Chin!!!" Inirapan ko sya
Tumayo ako "Busog na ako, mauuna na ako. Excuse me"
"Rae Chin!!!"
"Chin"
"Raen"
Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin. Tss nababadtrip tuloy ako! Arrgghh. Hindi ko na makikita yong Shriek na iyon pero araw araw naman ako dinidilubyo ni Kuya Calvin.
Sa huling araw namin dito sa Sorsogon Hillian Beach Resort ay nag jetski kami nila Kuya pinayagan nila ako dahil kasama naman sila, nag island hopping rin kami at pumunta sa maraming balyena, nakakatakot sa una dahil baka sunggaban kami at kainin pero kalauna'y nawala rin dahil nasa ilalim lang talaga sila, napakalaki nila kaya mas nakakatakot talaga. First time ko kayang makakita nito, marami pa kaming pinuntahan at inexplore na pagkain at kainan kaya nabusog rin kami habang bumabyahe.
"Napagod ako don ah!" Rinig kong sabi ni Kuya Chad, napatingin ako kay Aria na laging tahimik lang hindi ko madalas makita na magusap si kuya Clein at Aria nang masinsinan, I don't know baka nag aaway 'to ngayon dahil kanina pa hindi kumikibo si Aria mula kagabi pa ata. Ewan, nevermind na nga lang.
Hays. Sana pagbalik namin nang Manila Okay na ang pakiramdam ko at wala na ulit ako maisip na magiging problema napakasakit kaya sa ulo pag may problema. Akala mo naman may lagnat ka dahil napakasakit sa ulo at di maalis alis sa isip mo.
Hay.
____
Itsmichim.
Ayan na po, hope magustuhan nyo kahit na matagal tagal di nakaupdate. Thanks sa paghihintay.
YOU ARE READING
HOLD ME TIGHT (On-Going)
Dla nastolatkówRae Chin Park, mabait, maganda at mabuting anak. Sinaktan nang kanyang first love nang husto pero nang dumating ang Shriek nang buhay nya ay nagbago na ang lahat. Pero pano kung malaman nya ginamit lang para sa isang revenge nang mas lubos lubos na...
