Chapter 22

43 3 1
                                        

Chin's POV

Nakatanggap ako nang text kay Kuya Chad na sya ang susundo saakin ngayong araw kaya agad akong nag ayos nang gamit ko para sa last subject ko ngayong araw, napatingin ako kay Sheen bago lumabas nang room, dalawang araw na ang lumipas matapos ang nangyari sa bench hindi nya na ako pinansin naging malamig na rin ang trato nya saakin, parang lagi syang galit. What is his problem?

Pinabayaan ko nalang dahil alam kong hindi nya ako matitiis pero parang matigas pa sya sa bato hanggang ngayon hindi nya ako kinikibo, pero bahala sya buti na ito para wala saakin nambubulabog sa araw araw, but hindi ko maiwasang makaramdam nang inis sa sarili ko dahil sa nararamdamang pagka miss sakanya lalo na yong mga kakulitan nya at kakornihan.

Pagkatapos nang last na klase ko agad akong lumabas medyo nagulat pa ako dahil nakita ko si Sheen na nakasandal sa may labas nang room ko, what is he doing here?

Nilingon nya ako nang matalim bago nya ako tinalikuran at naglakad palayo.

"Sheen!!" Tawag ko sakanya, pero parang isa syang bingi na di ako narinig, inulit ko ang pagtawag sakanya at mas nilakasan pa ang boses kaso manhid na sya sa pagkabingi, alam ko naman na may kasalanan ako at nagpadalos dalos ako sa mga salita ko pero hindi ko naman alam na seseryusuhin nya yon, nagsorry na din ako sakanya kinabukasan non.

Napagdesisyunan ko nang lumabas na ng campus dahil paniguradong nandon na si Kuya Chad, habang naglalakad ako sa hallway napatigil ako nang may tumawag saakin kaya napalingon naman ako at kita ko si Shawn na nag iisa.

"What?!!" Kunot noong tanong ko, ano nanaman kaya problema ne'to?

"I'm sorry--"

"Don't sorry.....kung wala kanaman balak makipagbalikan!!" Galit na putol ko sakanya, nagulat naman sya. Magulat ka talaga

"Chin--"

"Stop!! I don't want to hear any saying from you!!!" Tinalikuran ko sya at deri-deritso nang lumabas nang gate dali dali naman akong pumasok sa kotse nang makita ko iyon na nakaparada, god! Ano bang nakain ko at nasabi ko iyon? Kakahiya ah! Baka sabihin nya desperada pa ako sakanya

Hingal akong pumasok sa backseat nang sasakyan ni Kuya Chad, god! Am I crazy? I think I am.

"Hi Chin!!" Nilingon ko si Ate Ellie na nasa front seat pala at takang nakatingin saakin

"Hi Ate?"

"How was your day Rae Chin?" Napasimangot naman ako

"It's fine kuya..." Sagot ko habang may kinakalikot sa phone

"Nag P.E ba kayo?" Tinaasan ko nang kilay si Kuya Chad

"Duh! No...." Inirapan ko si Kuya "Ate what do you think this clothes?" Sabay pakita ko sa pictures na mga damit na nakapost sa isang clothing online shop, gusto ko lang na hindi ako pagtuonan nang pansin ni Kuya

"It's pretty, Chin. Simple but elegant."

"Thank you, you are more beautiful Ate.. "

"Awe, parang sarcastic naman Chin, hahaha" biro nya sasagot na sana ako nang sumabat nanaman si Kuya

"Eh bat parang hingal na hingal ka?" Tumingin ako sakanya nang nakakunot ang noo

"Andami mo kuyang alam magdrive ka na nga lang dyan..." Natawa naman si Ate Ellie kaya natawa na rin ako, inirapan naman ako ni Kuya Chad at hindi na nagsalita







Kinabukasan maaga akong pumasok sa University dahil maaga si Kuya Clein kaya isinabay nya na ako kahit na alas nuebe pa ang pasok ko. Kung kaya't alas otso palang nandito na ako sa bench nang school.

Inabala ko ang sarili ko sa pagrereview para sa long quiz nang isang subject ko medyo nahihirapan ako sa Calculus ngayon dahil sa dami kong iniisip lalo na sa tatlong bwisit sa buhay ko kaya hindi ako masyadong makapagfucos sa studies ko.

Nang mag 9:30 na nagdesisyon na akong pumunta nang first class ko para hindi na ako malate medyo malayo pa yon kaya mas mabuti nang lumakad na ako papunta ron, habang naglalakad ako napadaan ako sa likod nang building nang mga business Ad mainit kasi sa unahan kaya dito ako dadaan, pero agad akong napatigil nang makita ko si Sheen doon at hindi sya nag iisa may kasama syang kinulang nang tela sa damit.

Bwisit talagang Sheen 'to nag away lang kami meron na agad pamalit? Agad na nag init ang ulo ko at walang alinlangang sinugod sila, hindi ko alam pero galit na galit ako ngayon dahil may kasama sya at nakakasakit sa ego dahil napakapangit nang pinalit saakin.

"Hoy!!" Sigaw ko sakanila, agad naman silang napahiwalay sa paglalaplapan, kadiri!

Halatang nagulat si Sheen nang makita ako at agad na tinulak ang babae

"Mga walang modo!! Alam nyo naman na skwelahan ito dito pa kayo gumagawa nang scandal!! Kung gusto nyo mag hotel kayo at don kayo gumawa at ipagpatuloy ang milagro!! Hindi na nahiya ginawa pang bar ang school dahil sa pananamit! Oh? Hindi na ata masasabing damit yan sa iksi, parang basahan na Ate gurl?!!!!" Tinapunan ko nang masamang tingin yung babae bago bumaling kay Sheen na nakangiti na saakin at nakatitig "At ikaw?!!!! Sumama kana saakin dahil may klase pa tayo!!" Hinila ko si Sheen doon na nagpahila rin naman saakin.

Nang makalayo layo kami don agad ko sya hinarap na salubong ang kilay "Oo alam kong mali ako at hindi ko dapat yon sinabi sayo pero nakailang sorry na ako diba? Ilan pa bang gusto mo? Ano bang gusto mo?!! Dahil hirap na hirap na akong hindi ka intindihin dahil masyado akong nasanay sa presensya mo araw araw tapos ngayon bigla kang mang iisnob na parang anlaki laki nang kasalanan ko!! Ano bang problema mo?!!!" Medyo na hingal pa ako nang matapos ko ang mahabang litanya ko para sakanya, napasimangot naman ako nang suklian nya lang ako nang nakakalokong ngiti

Bwisit na'to .

"I'm serious!!!" He chuckled at hinila ako palapit sakanya at mahigpit na niyakap, nagulat naman ako sa ginawa nya at biglang kumalabog ang puso ko nang napakalakas. What the hell?!!!

"I'm sorry...."magsasalita nasana ako pero mas pinili ko na lamang na manahimik "I'm sorry sa mga oras na hindi kita pinansin.....ayaw ko lang talagang kausapin ka na may tampo pa ako....I'm sorry!"

Napkurap kurap ako nang maramdaman ko na hinalikan nya ako sa aking noo, syet! Anong nangyayari saakin? Hindi naman ganito ang nararamdaman ko pag ginagawa saakin 'to ni Shawn dati eh. Pero bakit ganito ang epekto saakin ni Sheen? Parang nagdedelaryo ang puso ko sa kaba sa mga kilos nya, may sakit na ba ako? Pero antanga ko kung iisipin ko yon! Shit! Hindi talaga ganito ang nararamdaman ko pag ganitong kalapit saakin si Shawn.

Shit. Am I inlove? Ganon kabilis? Nakamove on agad ako? Bakit ganito? Parang iba ang pakiramdam ko pag si Sheen ang mga gumagawa nang ganitong kilos.

Mababaliw na ata ako sa nga tanong ko sa sarili ko.

____
Note: Heto na yung promise kong update ngayon, sensya na medyo maikli reunion kasi nang family namin at kakauwi lang kaya ngayon lang nakaupdate, bukas magiging busy rin so walang update muna ah!

Next Update? Baka sa sabado kasi enrollment na namin eh ngayong week.

Pa follow guys:
Twt: itsmichim
Ig: _itsmichim

HOLD ME TIGHT (On-Going)Where stories live. Discover now