Chapter 15

49 3 0
                                        

Chin's POV

Matapos naming kumain inaya naman nya ako maghorseback riding dito, meron pala nun dito? Hehe

Medyo naiilang pa nga ako dahil nga sa alam ko na yung nararamdaman ko na kahit alam kong ako lang yung nakakaramdam nito e-enjoy ko nalang toh,

Hinila nya bigla ang kamay ko papunta sa mga kabayo

"Pumili ka!" Sabi nya sakin, tinignan ko naman yung mga kabayo napukaw ng atensyon ko ang isang kulay puting kabayo, ang ganda nya tapos ang laki "Yon ang gusto mo?" tumango naman ako saknya

Hinila nya naman ako palapit don sa puting kabayo,napangiti ako ng makita ko kung gano kaganda ang kabayong napili ko,

Maya maya pa nilalabas na nila yung puting kabayo at sinakyan na ni Sheen

"Tara na?"

"Ha?"

"Sabi ko sakay na"

Napalunok ako, takot kaya ako sumakay sa kabayo

"Eh....ikaw nalang......hintayin nalang kita dito" bumaba naman sya

"Ano kaba? Kaya nga tayo nandito dahil parehas tayo sasakay, nandito naman ako eh tara na, promise iingatan kita"nagisip isip muna ako saglit at pinaulit ulit sa isip ko na hindi nya ako pababayaan

"Sige na nga"

Nauna syang sumakay ulit tapos sumunod naman ako, medyo nahirapan pa nga ako eh kasi nanginginig talaga ako pero nakasakay parin naman ako, nasa likod nya ako at nakayakap lang sakanya, medyo napangiti naman ako dahil sa posisyon namin, kahit papano nayakap ko man lang sya dahil alam kong last na tong pagsasama namin

Tinawagan kasi ako ni mama kanina, kaylangan na daw namin bumalik bukas dahil nag aaya sina Kuya Clein at Kuya Chad na mag beach din don sa maynila, sabi ko naman kasi sakanila sumama nalang sila dito tapos ngayon padadaliin nila ang uwi namin ngayong nag eenjoy pa ako dito, hmp!

Pero hindi nako nagreklamo dahil miss ko naman sila tyaka sabi daw nila, next week na ang enrollment sa Thomson University kaya kaylangan na nga talaga namin bumalik ng Manila, nakakalungkot kaylangan parin,

"Babalik na kami ng Manila bukas..." biglang sabi ko sakanya, mabagal nalang ang pagpapatakbo nya sa kabayo, pero nakayakap parin ako sakanya

"H-Ha? Akala ko ba nextweek pa?"

"Yon rin ang akala ko eh...." hindi na sya sumagot, pero hinayaan ko nalang sya

Gusto ko nang sabihin sakanya kung anong nararamdama ko, yung nararamdaman ko sakanya pero natatakot ako sa magiging sagot nya, pero pano kung gusto rin nya pala ako at tinatago nya lang yon sa pangungulit sakin,

Aish! Ang hirap naman nito! Pero pano ko malalaman kong di ko susubukan?

"S-Sheen..."

"Oh?"

Heto na talaga sasabihin ko na, nag sign of the cross ako, kahit anong maging sagot nya tatanggapin ko! Gusto ko palang naman sya eh, tyaka kaya pang mawala toh! Kaylangan ko lang talagang ilabas dahil parang sasabog na kung di ko ilabas,

Whoah!

"S-Sheen...........I like y-you"

Gusto kong makita ang mukha nya, gusto kong makita kung anong magiging reaction nya sa sinabi ko,

Pero parang alam ko na ang sagot, sa pagiging tahimik nya palang alam ko na ang sagot, kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya at kumapit nalang sa laylayan ng damit nya

"Im sorry......" napapikit ako sa sinabi nya, bat pa ba ako mag eexpect ng sobra, alam ko naman na puro kalokohan lang naman yung mga ginawa nya sakin, yung paghalik nya sakin.....

Bat ba kasi ako umasa? Ang tanga ko talaga ang hilig kong umasa!

"Its okay, sinasabi ko lang naman yong nararamdaman ko hindi mo naman kaylangan sagutin, happy na akong nalaman mo, alam ko naman na may girlfriend" bat ko ba kasi nakalimutan na may girlfriend sya? Diba nga yung hiningi ko sakanyang keychain sa girlfriend nya yon! Antanga ko talaga

Buti nalang at nakarating na kami sa station ng maga kabayo kaya agad na akong bumaba, hindi ko naman sya narinig na nagsalita kaya deri deritso lang akong lumakad at iniwan sya don, hindi naman sa nagiging bitter ako kaylangan ko lang talaga ng mapagisa

_

Nang makarating akong hotel agad akong nagkulong sa kwarto na nakalaan sakin, bat ko pa kasi yon sinabi sakanya dapat sinarili ko nalang toh! Aish

Nagpasya nalang akong matulog dahil medyo napagod ako ngayon araw, babalik na rin dito sina mama,papa at kuya Calvin mamaya kaya kaylangan kong magpakita sakanila na naging okay ako dito!

Maya maya pa nakatulog na ako......

___

Naalimpungatan ako ng biglang tumama sakin ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana, minulat ko ang mata ko at nakita ko si mama na pinupulot ang mga damit kong nagkandahulog hulog na sa sahig

"Ma.....andito na po pala kayo!"

"Oo at bumangon kana dyan? Bat ngayon kapa lang gumigising? Akala ko ba kanina namamasyal ka? Niloloko mo lang ata ako kanina eh!"

"Hindi po mama, umuwi na ako kasi pagod na ako eh"

"Ganon ba, oh sige bumababa kana para makapag pananghalian kana anong oras na oh?, tyaka inimpake ko na rin yung mga gamit ko dahil 8:30 am ang kinuhang flight ng Kuya mo" napatango naman ako kay mama at dumiretso muna sa banyo

Parang ang aga naman? Pero okay na yon para maiwasan ko na rin si Sheen, Hindi ko pa kayang magpakita sakanya, pero pano kung nandon sya sa baba? Anong gagawin ko?

Edi dedma Chin, alangan naman na yakapin ko sya at halik halikan, psh! Matapos kang ireject nya? Wag na! Wag na wag kanang umasa! Letse! Bat ba kasi nagkagusto don sa shreck na! Ang unfair unfair bat ako lang yung nahulog? Bat ako lang yung nagdudusa?

Kakainis naman oh! Syete! Kaylangan ko syang iwasan hanggat kaya ko, hanggang sa makaalis kami dito sa Cebu hindi ko kayang magpakita sakanya, baka isipin nya na kahapon lang umiiyak iyak ako tapos ngayon gusto ko na sya! Ang tanga mo talaga Chin kahit kaylan bat ba kasi ganyan ka katanga?

Pagkababa ko nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong si papa at Kuya Calvin lang ang nandon, buti naman

"Hi papa," humalik ako sa pisnge ni papa at ni Kuya "Musta Palawan?" Tanong ko sakanila

Binalingan ko si papa dahil si Kuya busy sa cellphone nya may katext ata, ngumingiti ngiti pa ang loko,

"Okay naman anak, masaya" masayang wala ako? Psh! "Pero mas masaya ang Kuya mo haha" napataas ako ng kilay sa binulong sakin ni papa "Meron kasi don nakilala ang kuya mo, taga maynila rin" Napa 'oh' naman ako, tinignan ko si kuya at  kakaiba nga ang ngiti nya

I smell something fishy, kaylangan kong makilala ang babaeng iyan at baka saktan nya lang ang Kuya ko! Hindi ako makakapayag, ignorante pa naman si Kuya sa pagibig haha,

_____

HOLD ME TIGHT (On-Going)Where stories live. Discover now