CHIN's POV
"Oh anak mag enjoy ka muna dito ah, kasama mo na man si Bryant,habang wala kami tatlong araw lang naman kaming wala nila Kuya at papa mo kaya wag kang mag alala," yan ang huling sinabi sakin ni mama bago sila umalis papuntang palawan dahil aasikasuhin nila yung ibang business namin
Gusto ko sanang sumama kaso sabi ni mama makakagulo lang daw ako don, kaya wag na at ginatungan pa ni kuya, kaya wala akong nagawa at magpaiwan kasama tong mukhang shreck na lalaki na toh!
Nandito kami ngayon sa lobby, kakaalis palang nila mama kaya nandito kami, kanina pa ako nagiisip kong anong pweding gawin, pero agad akong may naisip na gawin
Kumuha ako nang papel at ballpen sa gilid nitong sofa dito sa lobby
To do list:
1. Watch sunrise and sunset
2. Shopping
3. Jetski
4. Hiking
5. MOVE ON
Nang maisulat ko na ang gusto kung gawin binasa ko ulit! Alright! Madali naman yung iba kaso yung panghuli parang mahihirapan ata ako, hays!
At dahil 8 am palang nagpasya ako na subukan muna yung jetski, salamat naman at masusubukan ko na rin toh! Kung nandito ata sina Kuya pagbabawalan nanaman ako nun! Baka daw kasi magasgasan ang kagandahan ko! Baka di na daw ako makapag asawa! Oh? Diba ang aarte nila! Akala mo naman sila pa yung tatandang dalaga!
Sinulyapan ko si Sheen nang tumayo rin sya, nang tumayo din ako, tinaasan ko sya nang kilay
"At san ka pupunta?!" Nang akmang susunod sya sakin
"Ang sabi sakin Tita Eiren bantayan daw kita!"
"Bakit? Nandito ba sya?!"
"Wala pero hindi ako marunong sumira nang pangako!" may pinanghuhugutan ba ang isang toh? Pero sa sinabi nyang yon parang bumalik nanaman yung mga pangako na binitawan ni Shawn na di nya naman tinupad
"Okay lang ako! Mag enjoy kanalang! Tyaka kaya ko ang sarili ko!" Sabi ko at tinalikuran na sya at nagsimula nang maglakad papunta sa mga nagjejetski
"Susubukan mo yan?"bigla nalang may nagsalita sa likod habang nakatingin ako sa mga nagjejetski
Tinignan ko sya nang nakakunot ang mga noo, di ba sya marunong umintindi?!
"Sabi ko sayo hindi mo na ako kaylangan bantayan!"
Tinignan nya ako nang may ngiti sa labi, shit! Bat ang banda nang ngiti nya? Hay! Naiinsicure nanaman ako
"Hindi naman ako nandito para bantayan ka, assuming ka rin noh?! Naisip ko kasi na mas maganda ngang magenjoy nalang ako kaysa bantayan ang napakasungit na babae!"sabi nya at nauna pa sakin pumunta sa may nag ooperate nang gustong mag jetski
"Ang arte ha!"bulong ko nang piliin nya yung kulay pink na jetski
Sumakay na rin ako sa jetski na naka asign sakin hindi nako namili dahil hindi naman ako mapili katulad ni shreck
Nang nasa gitna na ako nang dagat, don ako nakapag enjoy! Ang sarap pala sa feeling magjetski, napansin ko na lagi akong nilalapitan ni shreck at kunwaring binabangga nya pa ako
"Bwisit ka!!!" sabi ko at hinabol ko sya
"Wag mo na akong tangkain habulin, hindi mo naman kaya!" tumatawang sabi nya sakin, inaasar ba ako nitong isang toh?
"Humanda ka sakin pag nahabol kita!!!" kumaripas naman sya nang pag papatakbo nung jetski
Nang makita ko so shreck saka ko naman napansin na nagpapatay at andar ang jetski ko! Shit ngayon kapa talaga nawalan nang gasolina?!
Tinignan ko ang nasa paligid ko, pero wala akong makitang ibang nagjejetski na malapit sakin para makahingi nang tulong nandito panaman ako sa gitna nang dagat! Shit baka lumubog tong jetski!
Sinulyapan ko si Sheen na nakahanap na nang babae na malalandi nya! Pano na ako neto? Bat kasi ako lumayo?! Ang tanga mo talaga Chin!
Sumubsob nalang ako sa manibela nang jetski! Hintayin ko nalang na may makakita sakin at mag magandang loob na tulungan ako! Shit! Ang init na nang balat ko! Baka masunog ang balat ko!
Hays! Tulong naman oh!!!!
"Kung gusto magpainit dapat nagkape kanalang hindi yung susunugin mo yang balat mo!" napaangat ako sa pagkakasubsob ko nang marinig kong may magsalita sa gilid ko
At nakita ko nanaman yung malalamig na tingin nya kapag seryuso sya!
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko
"Bebe bry! Let's go na kasi it's so mainit dito!" ngayon ko lang napansin na may kasama pala si shreck! Na yakap na yakap sakanya! Kamukha nya si Fiona! Bagay sila!
"Lumip---"
"No thanks! Paki sabi nalang don na kaylangan ko nang tulong! At hindi ako sanay na makipagsiksikan na alam kong puno na!" Sabi ko sabay irap sa kanilang dalawa
"Arte mo naman ikaw na nga tinutulungan!" Sabi sakin nung babaeng kamukha ni Fiona, tinaasan ko sya nang kilay
"At anong pinaglalaban mo? Yang dede mo na di na kasya sa bra mo? Try mo kayang bumili nang Large size na bra, para magkasya!! Tyaka marunong akong lumugar kaya wag nalang!"mas maarte pang sabi ko sakanya! Sabay irap, magsasalita sana sya nang magsalita si Sheen
"Okay! Mag hintay kanalang dito!" seryusong sabi ni Shreck! At pinaharurot na yung jetski sakay yung ka forever nya na si Fiona
____
Merry Christmas guys!
YOU ARE READING
HOLD ME TIGHT (On-Going)
Ficção AdolescenteRae Chin Park, mabait, maganda at mabuting anak. Sinaktan nang kanyang first love nang husto pero nang dumating ang Shriek nang buhay nya ay nagbago na ang lahat. Pero pano kung malaman nya ginamit lang para sa isang revenge nang mas lubos lubos na...
