Chapter 14

51 5 0
                                        

CHIN's POV

Another Day nanaman, at maaga akong nagising alam nyo kung bakit? Gusto nyo talaga malaman? Haha baka pagtawanan nyo ko pag narinig nyo eh, baka sabihin nyo o husgahan nyo akong easy to get, basta ah walang judgemental, haha.

Niyaya kasi ako nong Shreck na yon na magdate daw kam-- ay hindi pala date niyaya nya lang ako sa isang pasyalan don sa bayan boring kasi dito wala akong magawa,

'Date na rin yon'

Aiishh! Basta hindi yon date!, Nagyaya sya kasi masyadong boring dito at ayaw naman namin magswimming tyaka jetski kasi nga masyadong mainit malapit na rin kasi yong enrollment sa Thomson University don din diba kasi sina Kuya Clein at Kuya Calvin nag aaral kaya don din ako, 1 week nalang pala kami dito ni Kuya Calvin at babalik na rin sina mama dito bukas hay salamat naman dahil sawang sawa na akong kasama yong Shreck na yon lagi nalang pinapainit ang ulo ko, grrr!

"Hoy Ra-en! Anong oras ka ba dyan lalabas?!!! Anong oras na oh?!!!" pinagiinit nya talaga ako ng ulo!!

Ra-en sya ng Ra-en! Eh sabi ko sakanya 'Reyn' ang pronounciation nang pangalan ko! Bwisit na toh!

"Oo heto na! di makapaghintay?! Akala mo naman malalate ka sa Amusement Park!! Letse!" sigaw ko sakanya, habang nagsasapatos ako

Pagkalabas ko agad ko syang nakita sa gilid ng kwarto ko na nakasandal ang likod sa pader,

Psh! Pacool pa, akala mo naman bagay! Nang makita nya ako agad syang umayos ng tayo!

"Antagal mo naman! Akala mo naman party ang pupuntahan natin!" napataas ako ng isang kilay hindi dahil sa sinabi nya kundi sa porma nya, nakasuot sya ng maong shorts, na tenernohan nya ng grey V-Neck shirt at sapatos na vans, naka sunglasses pa ang puts.

"Ikaw?! Akala mo naman makikipagdate ka kung makaporma!" binaba nya naman ng konti yung sunglass nya para silipin ako

"Bakit hindi ba?"sabi nya at kinindatan pa ako, tinignan ko naman sya ng nandidiri

"Madiri ka nga sa ginagawa mo!"

"Oo na!! Bilisan mo na kasi dyan! Akala mo naman ang ganda ganda, kong makapagpahintay, hmp!" parang baklang bulong nya, na obvious naman na narinig ko,

"Anong sabi mo?!!!" inis na sigaw ko sakanya "Nakakainis ka talaga di na nga ako sasama!!!!" padabog akong tumalikod sakanya, agad nya naman akong hinila sa braso at biglaang hinarap sakanya

Kaya ang nangyari, pagkaharap ko sakanya napakalapit nya na sakin, nanlaki ang mga mata ko pero sya nakatingin---ay hindi nakatitig pala sya sa ma mata ko, tinignan ko na rin ang mga mata nya, napakaganda talaga ng mga mata nya brown na brown tapos ang hahaba pa ng pilikmata nya, san kaya sya nagmana ng mga mata? I think sa mama nya! Pambabae kasi ang mata nya, haha

Nabalik naman ako sa ulirat ng biglaan nya akong tinulak palayo sakanya kaya napaupo ako bigla

"Aray ko ha!!!!!" daing ko at napahawak sa balakang ko, arouch ansakit nung bagsak ko! Bwisit talaga tong lalaking toh!

"A-Ay sorry Ra-en, I-Ikaw kasi eh! Nag-iinarte kapa, tara na nga!" utal na sabi nya, inirapan ko naman sya "Halika na kasi!"

Hinawakan nya naman ako sa kamay at hinila papunta sa pupuntahan namin,walang na akong nagawa kaya nagpahila nalang ako! Gusto ko naman magenjoy eh! Boring nga diba kasi!

Psh!

____

Amusement Park

Nang makarating kami dito sa Amusement Park any saktong 10:00 am na, antagal kasi nung jeep na nasakyan namin, nagpapapuno pa,

Dumiretso agad kami sa bilihan ng tickets para makapasok na kami, bumili sya ng ticket ng Ride All you Can, napataas ako ng kilay dahil don! Edi sya ng mayaman, hmp!

HOLD ME TIGHT (On-Going)Where stories live. Discover now