Chapter 21

42 2 0
                                    

Raen's POV

Kasalukuyan akong bwisit na bwisit sa lalaking kaharap ko at ginagatungan pa ni Gwen, sinong hindi mabwibwisit? Feeling ko nga mas bagay sila! Nagustuhan ko ba talaga 'tong lalaking 'to? Shit! Parang hindi si Sheen itong kaharap ko, oo alam kong maloko sya pero parang mas lumala? Nakakain ba ito nang insekto? Ipapaambularyo ko talaga sya

"Kapag hindi kayo tumigil na dalawa ipapalamon ko sainyo ang sarili nyong dila!!!" Natahimik naman sila pareho "Hoy Gwen!! Akala ko may klase ka ngayong oras na'to?" Sabay tingin sa wrist watch ko

Dali dali naman syang nag ayos nang gamit.

"Ays. Bestfriend talaga kita Chin, alam na alam mo talaga ang schedule ko. Don't worry next time isasaulo ko rin schedule mo! Okay bye. Mwah"

Napailing nalang ako at kumaway sakanya,

"So pinaalis mo sya para masulo mo ko? Hahaha pakipot ka pa ah" inirapan ko sya

"Ang hangin..."

Maya maya pa, napansin kong na tuliro na sya.

"Hoy....Sheen! Are you okay?"

Tumingin sya saakin at tumayo bigla.

"Mauna na ako sayo ah--"

Pipigilan ko nasana sya nang mapagtanto kong okay lang na umalis sya kaya pinbayaan ko nalang, mas mabuti na yon kaysa bwisitin nya ako dito mas gusto kong mapag isa,

Habang abala ako sa pagkain ko napalingon ako sa gilid ko nang may tumikhim, napataas ako nang isang kilay nang makita ko si Shawn at Hazel na ngiting ngiti saakin at may dala silang tray na may pagkain.

Ano naman ginagawa nila dito?!

"What?!!" Inis na sigaw ko sakanila, halatang nagulat sila sa sigaw ko. Umalis nga yong isang bwisit napalitan naman nang dalawang bwisit!

"P-Pweding maki-table? Wala na kasing ibang vacant....." Tinignan ko si Hazel na nagkandautal utal sa pag sasalita at kay Shawn na malalim ang titig saakin, inirapan ko sya

"Whatever" nasabi ko nalang, pero naupo parin sila napailing na lang ako

"C-Chin.... Bat di ka pumasok?" Biglang tanong ni Hazel, kung maka tanong akala mo napakaclose namin. Oo noon yon pero di na ngayon

"None of your business!" Inirapan ko ulit sila, sabay silang napatungo "Kumain nalang nga kayo para makatapos at makaalis na kayo!!" Kunwaring maarte na sabi ko

Bakit ba kasi dito pa nila napiling makipag table, alam naman nilang hindi maganda ang samahan naming tatlo, mga bwisit hindi ba sila naa-awkwardan sa posisyon namin yong past, present magkasama. Nakakainis na ah!

"Chinnnn.."

"Ano?!!!!" Nairita ako nang pansinin nanaman nila ako di na nga ako kumikibo eh! Mga bwisit! Akala mo naman wala saamin tatlong nangyaring alitan or what kung maki- share tyaka maka tawag, ano? Close na tayo te? Matapos nang lahat nang pang gagago nyo saakin? Letse kayong dalawa!

"Pwedi ba kaming--"

"Ha-ha-ha Asa kayo! Mga gago!!!" Putol ko agad sakanila, tumayo na ako at naglakad na palabas nang cafeteria.

Ano makikipagbati sila? Asa sila! Mga mukha nilang makakapal! Isa pa yong Sheen na iyon!!! Bigla nalang akong iniwan. Kung hindi nya ako iniwan hindi ako mapapasubo nang ganon nang biglaan,

Sa mga sumunod na araw parang delubyo ang Araw araw na pasok ko dahil sa mga letseng nakikita ko sa araw araw hindi lang isa kundi tatlo isabay nyo pa si Gwen na walang ginawa kundi ikwento saakin ang lovelife (Kuya Calvin) sinasabi nya saakin mga ginagawa ni Kuya na itinetext sakanya, kulang nalang sabihin ko haller? Kapatid ko kaya yon.

HOLD ME TIGHT (On-Going)Where stories live. Discover now