{Chapter 2}
~ADESINA's P.O.V~
Nandito ako ngayon sa isang restaurant na tinext nung nagaalok sakin ng trabaho kaninang umaga. Si Mr. De Vivar kung hindi ako nagkakamali. Para ngang pamilyar sakin yung pangalan na yun eh. ~.~ Hindi ko lang alam kung saan ko ba narinig o nabasa yun.
Anyway, medyo matagal syang dumating. 15 minutes na ang nakalipas at wala pa rin sya. Kasososyal pa naman ng mga taong nandito. Kung makatingin pa pagpasok ko akala mo taga ibang planeta ako. =___= Hoy. Nasa earth lang tayong lahat no! Wag choosy. Kainis.
Maya-maya pa ay may nagsalita sa tabi ko, "Hi. Miss De Guzman?" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.
Wow. Infairness kahit medyo may katandaan na sya I mean, mature eh gwapo pa din sya. Sya na siguro si Mr. De Vivar. Para talagang nakita ko na sya somewhere eh. :/
Tumayo ako at ngumiti, "Ah. Ako nga po. Mr. De Vivar?"
Ngumiti din naman sya at pumunta dun sa upuan sa harap ko, "Please have a seat." sabi nya kaya umupo na ko at ganun din sya.
"Would you like some drinks? Food?" tanong nya.
Grabe naman pala. Hindi ba nagtatagalog tong isang to? Well mukha syang foreigner kaso naman baka sa paguusap namin dito eh maubusan ako ng english! Konti lang kaya ang baon ko! >.<
Umiling ako, "Uhm. No thanks po. I'm in a hurry po eh." wew. Nagmamadali kasi ako dahil ngayon ko na isasagawa ang oplan 'Pabalikin si *insert Cyrine's BF here* operation'
Ngumiti sya ulit. Lalong gumwapo. Siguro kung naging bata bata sya baka naging crush ko sya.
"Okay then. Let's get to the point. Ang trabahong gusto ko sanang ialok sayo ay---" napahinto sya dahil sa reaksyon ko.
Kasi naman! Kita nyo nga! Nagtagalog sya mga kaibigan! AKALA KO WALA NG PAG-ASA TONG ILONG KO AT MAGDUDUGO FOREVER HABANG KAUSAP KO SYA! PERO YES! MARUNONG NAMAN PALA SYANG MAGTAGALOG! \m/
"You look surpised. Why?" medyo natatawa nyang tanong.
"Erm. Kasi ho narealize ko na marunong ho pala kayong magtagalog. Hehe." nahihiya kong sabi. Halaaaaa. Kahihiyan naman Adesina oo.
Tumawa sya na ikinagulat ko naman. Bat naman sya tumatawa? O.o May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Sorry. I just find it funny. Tell me, do you know me?" bigla nyang tanong.
Nagtaka ako sa tanong nya. Kilala ko daw ba sya? Eh hindi ko nga matandaan kung san ko ba sya nakita eh. Basta pamilyar sya.
Umiling ako, "Hindi po masyado? Ang alam ko lang po eh kayo si Mr. De Vivar na nag-aalok sakin ng trabaho na matagal ko ng inaasam-asam." tapos ngumiti ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/15170705-288-k847216.jpg)
BINABASA MO ANG
Stone Heart
HumorAko si Adesina Merridith De Guzman. Simpleng babae. As in simple talaga. Pero pag naayusan syempre gumaganda. Hindi ako mahilig sa make-up. Pag kinakailangan lang. Mahirap lang ako. Oo. Tama ang basa nyo. Mahirap lang ako. Kaya kailangan ko ng traba...