{Chapter 7} *3rd day? Meaning....*

45 1 0
                                    

{Chapter 7}

 

~ADESINA's P.O.V~

 

"We're just friends guys! Hahaha. But who knows." ;)

"Hahaha! Tong si Axel talaga palabiro eh!" sabi ni Cale sabay punta samin at inalis yung pagkakahawak ni Axel sa kamay ko sabay akbay sakin.

Okay? Problema ng mga kaibigan nitong amo ko? Anong tingin nila sakin? Isang babaeng nageentertain ng mga lalaki dahil yung kaibigan nila ay huling araw na ng pagiging single?! =___=

"Imposible naman na maging friends kaagad kayo nitong si miss Funny! Kami kaya unang nagkakilala! Hahaha." proud na proud na sabi nya.

Napangisi si Axel at nilagay ang mga kamay nya sa bulsa, "Matanong nga kita Cale. Alam mo ba tunay nyang pangalan?"

Natigilan naman saglit si Cale at nawala yung ngiti nya. Ayan. Kita mo! Nahuli ka tuloy!

"Erm. H-hindi. Pero kahit na! Ako ang una nyang nakilala satin except kay Cody! Diba miss Funny?" sabay tingin sakin.

"Ha? Ngayon ko nga lang nalaman ang pangalan mo eh."

Tila nanlumo naman si Cale sa sinabi ko at napatawa naman si Axel. Banamantong mga magkakaibigan na to. =___=

"Teka lang naman. Mukhang hindi naman tama yan guys. Ako ang unang nakakita sa kanya." sabat naman ni Wixon sabay alis ng akbay sakin ni Cale at nilapit ang mukha nya sakin.

"Diba, Adesina Merridith?" sabi nya sabay smirk.

"Pano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Simple. Sinabi sakin ni Cyrine... ng bestfriend mo."

Sinabi ni Cyrine? So ibig sabihin nag-uusap na silang dalawa? Maganda yan. Hindi nasayang ang ginawa ko. Kaso too bad, mukhang hindi pa rin ako namumukhaan ng Wixon na to.

"EHHH?! ANONG DISKRIMINASYON ANG NANGYAYARI DITO?! BAKIT AKO ANG HULING NAKAALAM NG PANGALAN MO MISS FUNNY?! AT HINDI PA SAYO NANGGALING KUNDI KAY WIXON! ASAR!" Panghihimutok ni Cale.

Napabuntong hininga nalang ako. Nabigla ako nang may humila sakin at tiningnan ako ng seryoso.

"That's enough. It's time for her to do her job."

"Job?" sabay na tanong ni Cale at Wixon. Mukhang wala pa silang kaalam alam. Nakita ko naman na umupo na si Axel sa sofa at nagbukas ng isang beer in can ata.

Tumingin naman tong si monster dun sa dalawa, "Yes. Job. She's my new P.A and it's her 3rd day already." tumingin sya sakin, "We should congratulate her and say goodluck." sabay smirk.

Nagulat naman yung dalawa at mukhang hindi makapaniwala. Tss. Ano bang mahirap paniwalaan don at bat parang ang big deal ng 3rd day ko na ngayon?

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon