{Chapter 6}
~ADESINA's P.O.V~
"Oh eto na po ang kahilingan nyo kamahalan." sarcastic na sabi ko sabay baba ng baso ng juice sa table.
Nakita ko naman na napangiti si Axel dahil sa sinabi ko. Nagbabasa na naman sya ng magazine.
Kanina kasi nakita kami nitong si young monster na naglalaba ni Axel kaya agad nyang pinatayo si Axel at pinapunta sa salla. Sya naman ang sama-sama ng tingin saken. Psh. Naguumpisa na tuloy akong mag-isip ng kung ano-ano.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan stupid?" inis na tanong nya.
Pero mas lalo ko lang syang kinilatis. Hindi kaya bakla tong amo ko? Ano sa tingin nyo? Kaya para syang allergic sa mga girls sa school. Pag kasi may lalapit sa kanya ay tinitingnan nya to ng masama para hindi na lumapit. Tapos puro gwapo pa mga kasama nya. At hindi lang yon, mukhang date nila to ni Axel ngayon. Kaya ang sama sama ng tingin sakin dahil ayaw magpaistorbo! AHA!
"Tss. Sayang. Tsk. Tsk." sabi ko sabay alis na sana nang magsalita na naman ang amo ko.
"What do you mean by that, huh?!"
Nagkibit balikat lang naman ako, "Wala naman po kamahalan." malumanay kong sabi at lumakad na ulit.
Pero nabigla nalang ako nang hawakan nya ko sa braso, "Nang-aasar ka ba?!"
Inis akong humarap sa kanya, "Etong mukhang to?! Mukha ba kong nang-aasar ha?! Hindi ba mukhang naiinis ako?!"
Napangisi naman sya, "So what? Who cares?"
Tiningnan ko sya ng masama, "Alam mo ikaw, masungit ka pa sa babaeng masungit! Maarte ka pa sa babaeng maarte! At masama ka pa sa step mother ni cinderella! Siguro may tinatago ka dyan sa katauhan mong yan no?! Siguro babae ka nung unang panahon at may gusto ka kay Axel kaya diring diri ka sa mga babaeng humahabol sayo!"
Pareho silang napanganga sa sinabi ko hanggang sa narinig ko nalang na tumawa si Axel.
"HAHAHAHAHAHAHAHA! Sorry pare. Hindi ko lang mapigilang matawa sa sinabi ni Adesina. HAHAHA! Ibang klase! Pano nya naisip ang mga yun?! HAHAHA! IKaw? Bakla?! HAHAHA!" Napamura pa sya sa kakatawa at nakalagay ang isa nyang kamay sa tyan nya! At hindi lang yon! NAPATAYO PA SYA MGA KAIBIGAN. =___=
"Bawiin mo nga yang sinabi mo." sa wakas! Nagsalita din ang mahal na prinsipe. -___- Kanina pa sya nakikipaglaban ng titigan saken.
"Sinabi kong bawiin mo yang sinabi mo!" nagulat ako sa lakas ng sigaw nya kaya napatigil si Axel pati yung mga kasambahay nila.
Naramdaman kong lumapit samin si Axel at hinawakan ang kamay ni monster na mahigpit na nakahawak sakin, "Easy pare. Babae sya."
Tila wala namang narinig si Allen at nakatingin pa rin sakin ng masama. Ang sakit na nga ng pagkakahawak nya sakin eh. Napapangiwi na nga ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/15170705-288-k847216.jpg)
BINABASA MO ANG
Stone Heart
HumorAko si Adesina Merridith De Guzman. Simpleng babae. As in simple talaga. Pero pag naayusan syempre gumaganda. Hindi ako mahilig sa make-up. Pag kinakailangan lang. Mahirap lang ako. Oo. Tama ang basa nyo. Mahirap lang ako. Kaya kailangan ko ng traba...