{Chapter 14} *Stupid.*

18 1 0
                                    

{Chapter 14}

 

~ADESINA's P.O.V~

Nagkamalay ako nang makita ko na nandito pala ako sa loob ng isang jail booth. Oo. Tama kayo ng basa. Jail booth nga. Kaso yung jail booth kanina sa school fest eh parang modern version ng jail booth na to.

Naexamine ko na kasi tong jail booth na to at puro kalawang yung bakal na kulungan tapos ang dumi ng paligid. Medyo maluwang din dito sa loob. Para talaga syang kulungan. Pano ko nalaman na jail booth to? Simple lang. May sign board kasi na nakalagay eh 'Jail Hell Booth'

Oh taray diba? May hell pa. Sus! Mga style ng mga estudyante oo! Napatingin ako sa relo ko. Aba, 7pm na pala! Gabi na rin. Pero bakit hindi pa bumabalik dito yung mga nanghuli sakin? Wala ba silang balak pakawalan na ko dito? Abay isang oras nalang magsasara na ang school. Kelan nila ko balak pakawalan?

Ay teka, diba pag nahuli ka sa jail booth may fine? Pera? Pagkain? Material na bagay? Gadgets? Pwede naman yan lahat diba? Eh kaso nga bakit hindi pa nila ko binabalikan? Pano ko naman kaya malalaman ang fine ko diba? =___=

Tumayo ako at tumingin sa labas ng jail booth. Ang dilim. Parang nasa gitna lang ng gubat ah. May ganitong parte pala ang C.U? Bakit ngayon ko lang to nalaman?

Tumingin pa ko sa buong paligid at nakita ko yung part na maraming ilaw. Yun siguro yung main ground ng C.U. Medyo malayo dito.

Napa-sigh nalang ako. Pano na to? Mukhang wala ng balak bumalik yung mga nanghuli sakin eh. Inis naman oh! Sana man lang iniwan na nila yung susi! Mukha akong sira dito. =___= Hindi naman ako takot sa multo. Hindi nga ako natatakot sa sitwasyon ko ngayon eh. Nagaalala lang ako kasi baka kanina pa tumatawag si monster sakin tapos hindi ko masagot kasi nalaglag ko yung cellphone ko kanina.

Pambihirang buhay naman oo. Umupo nalang ulit ako. Wala akong pakialam kung madumi. Bahala na nga. Kung abutan man ako ng bukas dito. Yaan na. Trip nila eh. =___= Bat kasi nauso pa yang school fest na yan?!

Pero bago ako tuluyang mabagot eh nagbakasali akong may makarinig sakin kaya sumigaw ako,

"Hello?! May tao ba dyan?! May nakakarinig ba sakin?! Pakitawag naman yung mga nanghuli sakin at pakisabi pakawalan na ko dito oh! Salamat!"

***

~CODY ALLEN's P.O.V~

 

Sh*t. Sh*t. Sh*t!

Where the hell are you stupid?!

Kanina ko pa iniikot ang C.U pero wala akong stupid na nakita! Fvck! Baka kung ano na nangyari don!

Naalala ko bigla ang sinabi ni Cyrine na sumigaw daw si stupid kanina tapos naputol bigla yung linya. Ewan ko pero bigla akong kinabahan.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon